"Work. " tipid na sagot niya.

Hmmm. Hinahamon mo ba ako, Mr. Scott? Ting!

"Anong work niya? " pangungulit ko sa kaniya.

Nakita kong kumunot na agad-agad ang kilay niya. Nawalan na agad ng pasensiya ang loko. Nakita kong i-off niya ang cellphone at nilapag niya naman ito sa hita niya.

"Binubwesit mo ba ako, Miss Frost? " baling niya sakin.

Ang galing pala manghula ng isang 'to.

"Hindi naman. Curious lang ako kaya tinatanong kita. Anong bwinubwiset bwiset? Psh. " pagdadahilan ko pa, playing innocent.

Ngumiti naman siya bigla ng napakalokong tiningnan ako sa mata.

Mood swings amp.

"What?! " bakit nage-evil smile ka na naman dyan? Unggoy!

"Be careful with your words, Miss Frost, a baka iba na ang iisipin ko niyang curious-curious mo dyan. " pang-aasar ng loko.

Dapat ikaw yong maasar ko, e. Bakit parang ako pa yong naasar sating dalawa. Psh piste ka!

"Ano bang pinagsasabi mo dyan, Mr. Scott? I don't know what you're talking about. " ingles 'yan a. Ilang years ko pa kaya 'yang pinag-aralan.

"You don't get my point, isn't it?"

Common sense.

Inirapan ko nalang siya.

"What I'm trying to say here, Miss Frost is that...hmm ano nga ba..." nag-a-act pa siya na tila nag-iisip. "Curios ka, so ibig mong sabihin ay interesado ka sakin. Simple as that."

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Saan ba 'to ipinaglihi ang isang 'to at ang taas ng Confidence Level.

"Gago! In your dreams. Ako? Magkakagusto sa'yo? No way super no other way! "

Narinig kong sabay silang tatlong humagalpak ng tawa. Inis ko namang binalingan ang dalawang kanina pa nakikinig samin ni Adrian. "Why? What's so funny?"

Yumuko lang si Marvin at iling-iling na tumatawa kaya nilingon ko si Irithel na nasa tabi ko at binigyan ng nagtatakang tingin.

"Ang sabi kasi ni Adrian ay INTERESADO ka sa kanya pero 'di niya sinabing GUSTO mo siya, tanga! "natatawang bulong niya.

Hala patay.

Inis kong binalingan ng tingin si Adrian na ngumingisi.

"C'mon, Adrian. I'm not assuming things, okay?" mabuti nang advance para clear.

Tumayo siya sa kinauupuan niyang single sofa at tumabi sa'kin. Narinig ko namang tumatawa na ang dalawa kong loko lokong kaibigan sa gilid.

Inakbayan naman ako ni Adrian nang tuluyan na siyang makaupo sa tabi ko.

"Okay, Miss. You're acting like you're so defensive, huh? " mahinang bulong niya sa tenga ko.

Alangan naman sa lips... Wait what?! Ewwnessess Overloaddd.

Siniko ko naman siya "I'm not."

"Where's your phone?" tanong niya bigla.

Binaling ko naman ang ulo ko sa gawi niya nang 'di inaasahang nakayuko din pala siya kaya magkalapit ang mga mukha namin.

"Why? "

"Guys, here! " tawag ni Irithel sa'min na ngayo'y nakatayo na pala sa bandabg harap. Nakataas pa ang kamay na hawak ang sarling cellphone. "Smile." she joyfully requested kaya napa-smile naman kaming tatlo.

*Click

"Wow! I love this shot. First Bonding with our New Friend Maria Evangeline. " sabi ni Irithel na ang mga tingin ay nasa cellphone at umupo na ulit sa tabi ni Marvin kaya napagitnaan na ako ngayon nina Adrian.

"Patingin. " ani Marvin kaya pinaharap ni Irithel ang screen ng cellphone niya sa amin.

Pareho kaming apat na nakangiti, enjoy na enjoy. Nakangiti ng simple pero may dating si Marvin na nasa bandang likuran ni Irithel na halos pwede ng maging model sa Colgate na Close up HAHAHAHA. Hanudaw?

Sa bandang likuran naman ni Marvin ay ako at si Adrian. Nakaakbay siya sakin habang nakapeace sign at ngumingiti samantalang ako naman ay ...naka-smile lang as in smile lang..yong walang ngipin na smile puro lang labi. Chos hahah.

Ang ganda ng kuha.

Tumayo si Irithel sa kinauupuan niya nang matapos na naming tignan ang kuha. "Nice Shot, diba? Wait lang ipakita ko muna kay Tita. Matutuwa yon." tumango lang kami kaya kumaripas siya ng takbo.

Bigla namang nagring ang cellphone ni Marvin sa tabi ko.

"Sandali lang, sasagutin ko muna. " turo ni Marvin sa cellphone niya at dumiretso na sa labas.

Kaya kami nalang dalawa ni Adrian ang nandito sa Living room nila.

Biglang kumalas sa pagka-akbay sakin si Adrian at in-on ang cellphone niya.

Nilingon niya naman ako ng may seryoso na namang tingin. "Get your phone and let's start. Let's see kung gaano ka ka weak." mayabang pang aniya.

Tse! Sml?

>>>♡<<<

Hopelessly AddictedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon