Prologue

12 0 0
                                        

Ang mga pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay purong kathang isip lamang ng (assumerang😂) may-akda. Ang pagkakatulad nito sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at aksidente lamang

PS: expect the typographical and grammatical errors. Wala pong edit kaya pag pasensyahan

Enjoy reading mga CRYolas. God bless y'all😊

~~~

"Earth!"

Agad akong napalingon sa gawi ni angel dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya ng pangalan ko

Nakaramdam ako ng konting hiya nang maagaw niya ang atensyon ng mga tao dito sa cafeteria

Hay napaka eskandalosa talaga ng babaeng to

"Oh anong meron?! Wala namang sunog kung maka sigaw ka naman!" Iritang sabi ko nang tuluyan siyang makalapit

Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa sketch pad ko

"Hahaha ang init naman ng ulo mo"

Busangot ang mukha ko at muling nilukot ang pang pitong sketch pad at tinambak kasama ng ibang crumpled papers

"Hoy Earthel Cyns! Anong problema natin? May balak ka bang mag hamon ng world war 3?"

Tinapunan ko lang siya ng masamamg tingin at sinimulan ko na ulit ang pag sketch

Tatawa-tawa lang siya na lalong nagpapainit ng ulo ko

Hindi ko na nga malaman kung anong ini-sketch ko eh tapos tatawanan pa! Hayst!

"Ano ba kasi yang dino-drawing mo? Mukhang badtrip na badtrip ka eh"

Napabuntong hininga nalang ako at inis na Inilapag ang lapis sa mesa. Dinukdok ko nalang ang ulo ko doon baka sakaling mabawasan ang inis ko

"Ano ba kasi to?" Umangat ang tingin ko sa kanya nang maramdaman kong dinampot niya ang mga crumpled papers at Isa isang tinignan

"HAHAHAHA loko ka! Pag ito nakita ni sir yari ka HAHAHA" nakahawak pa siya sa tiyan niya habang mangiyak ngiyak na tumatawa

"tignan mo tong isang to HAHAHA laughtrip! May bingot hahahahaha loko ka talaga"

Pilit niyang hinarap sakin ang lukot na papel na may mukha ng terror teacher namin na si sir gamba. Nilagyan ko yon ng bingot sa sobrang inis ko sa kanya

Inagaw ko sa kaniya ang papel at muling nilukot. Pati ang ibang nakalukot ay kinuha ko at inilagay sa bag

May setok pa naman tong si angel baka ipakita pa kay sir. Lalo pa kong malagot

"Sira ka talaga! Anong trip mo at minurder mo mukha ni sir?" Tanong niya na maluha luha pa din

"Eh kasi naman! Pinalabas ako ng room" inis kong kwento

"Bakit ka ba kasi pinalabas?"

"Ewan ko don! Tahimik lang naman akong kumakain—ARAY KO! BAKIT KA BA NAMBABATOK?!"

"Sira ka pala eh! Talagang palalabasin ka. Classroom yon hindi canteen"

Masamamg tingin ang binigay ko sa kanya habang hinihimas ang parte ng binatukan niya

Foul yon! Ang sakit

"Pera ko naman pinambili don hindi naman kanya tsaka nagugutom ako eh bakit ba?!"

"Hay nako insan ang tigas talaga ng ulo mo! Sinabi ko naman sayo—"

Ratatat phew phew fire in the hole bogsh bang! bang! bang! Dogsh

May digmaan na naman. Nagsimula na naman siyang magpaulan ng armalite. Feeling nanay cyst?!

Napairap nalang ako sa ere at inabala nalang ang sarili sa pagisketch

PentagonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora