01

4 0 0
                                    

"Good morning manong guard" yan ang bungad ko lagi kapag papasok na ako ng hospital hyper ko ba HAHAHA

 "Hi mam duty na naman." sabay ngiti sakin ni manong

 "Oo nga sir eh kailangan maraming sinusuportahan HAHAHA." biro ko naman sabay paalam kay manong 

 Habang naglalakad ako papasok naalala ko ang phone ko alam ko naman na marami ang di nabubuhay kapag walang phone syempre ako din Haha. 

 Hinahalughug ko ang dala kung basurahan este bag ko pala na nasa kailaliman pa yung hinahanap ko dyusko sa susunod babawasan ko na talaga ang laman nito pano shot dito shot dun kung maglagay  minsan wala na kasing time iayos. Gatcha! Sasaraduhan ko na sana ang bag ko ng may mabangga ako at sa kasayahang palad nalaglag phone ko at phone nya agad kung pinulot parehas at kinilatis kung may gasgas or basag ba .

 "Sorry sorry di ko sinasadya" humarap ako sa nakabangga ko na nakakunot na ang noo, ang gwapo naman 'sorry na my fault ngiti ka na hehe' syempre nasa isip ko lang yun, iaabot ko sana ng maayos kaso hinablot nya sakin kaya ako naman ang napakunot  noo sa kanya.

 "Tss, watch your steps ng di ka nakakabangga abala" pagalit na sagot nya. Sabay alis at parang nagpanting naman ako sa huling sinabi , kaaga-aga aba't 'ako abala' .

 "Nagsorry na ako diba mister di mo narinig" sigaw ko naman ,humarap sya na nakataas ang kilay sakin 

"At sa susunod iiwas ka sa nakakasalubong mo ng di ka nababangga,abala ka rin che." pahabol ko sabay talikod at dumeretso na sa paglalakad bago pa masira ng tuluyan ang araw ko.


 "Oh kilay natin parang malapit ng magkasalubong, ganda pa naman kahit walang eyebrows sis" bungad agad sakin ni Adi pagkapasok ko ng nurse station.

 "Eh bwisit yung nakasalubong ko sa entrance ." 

 "Sino?" sagot nya sakin

 "di ko kilala at wala akong balak kilalanin si koyang bwisit , nakakaimbyerna sis ha humingi naman ako ng pasensya ang bwisit tinaasan lang ako ng kilay, di ko naman sinasadyang mabangga sya ,bakit ilang oras ba sya nadelay at ABALA talaga ako ha pakisabi sakin ilang oras natigil ang mundo nya bwisiiiiiittt.  " derederetsong paglilitanya ko

"Oy baka naman tumigil talaga ang mundo nya sayo yiiiii" at tinawanan nya lang ako 

Seriously yan talaga ang isasagot nya sakin nakakaloko , hello galit po ako.Umirap nalang ako sa kanya

 "Hello kahit manigas pa sya dyan di ko sya papatulan, gwapo nga sama naman ng ugali wag nalang no" yan nalang naisagot ko sa kanya ng matigil na kaso mukang nagkamali ako

 "Uy baka iba ang tumigas sa kanya siys" sabay hagalpak ng tawa

 "Oy mga bakla anong matigas yan "at nagniningning ang mata ng baklang bagong dating na si Kier at sabayang tawanan na sila ni Adi 

 "Yan tayo eh mga berdeng utak talaga pakilinis nga, dapat sinusuportahan nyo ako eh ,kaibigan ko ba kayo sarap ninyong kurutin sa singit". Sabay ayos ko ng gamit sa locker

 "ya ito ba binibiro lang kaaga aga kasi badtrip ka" sabay yakap  sakin ni Adi at nakisama naman ang bakla habang tumatawa.

"Kahit di ko alam yang tumitigas na yan kaibigan mo ako sis..CHAARRRR" pagaalo ng bakla

"Goodmorning" bati ng bagong dating

 "Oh Mavi buti nandyan ka na palamigin mo nga ulo nitong kaibigan mo" sabay tingin lang sakin ng napakabait kung kaibigan, sabay abot ng hawak nyang kape. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Why do I love you? Where stories live. Discover now