Bugtong ng Pag-ibig

22 2 0
                                    

May bugtong ako para sayo
Ano ang tawag sa ikaw at ako?
Diba ang sagot ay "Walang tayo"?
Ang iba ang sinasagot ay "tayo"
Pero ibahin mo, ang puso koy
Sinaktan mo ng tudo
Lahat ginawa para sayo
Pero ginago mo lang ako
Maraming pangako na napako
Maraming salita ang binitawan mo
Mga salitang hindi totoo
Sabi mo mahal mo ako pero bakit bumitaw ka sa pagkakahawak ko?
Noon akoy parang gago
Umiiyak ng tudo-tudo
Maraming tanong sa isipan ko!
Nagkulang ba ako sayo?
Diba hindi naman?
Para tayong bugtong ng puspuro
Ano ang bagay na maraming patay?
Diba ang sagot ay puspuro?
Ihahalintulad ko ito sa istorya mo
Marami kami sa buhay mo
Hindi lang isa, dalawa kundi tatlo
Nalilito ako kung sino ba talaga ang para sayo
Pero naka pili kana at siya ang pinili mo
Pero masaya ako, masayang-masaya
Dahil pinakita mo na wala akong halaga sayo
At dahil doon, napagtanto ko
Na ikaw ay isang halimbawa lang sa buhay ko
Ngayon, masaya na tayo
Hindi man kagaya ng bugtong ng puso ng saging
Pero hayaan mo
Balang araw makakabuo din tayo ng bugtong
Na ang sagot ay "Tayo"
Hindi man ngayon pero maghintay tayo sa tamang panahon
Dahil may plano ang Panginoon
At yun ay makasama natin ang taong para sa atin sa panghabang panahon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tulang MalayaWhere stories live. Discover now