Copyright: Ralph Laurent De dios
Also follow me on my social medias account!!
________________________________
2:30
Pauwi na at tinatahak ang kahabaan ng traffic sa EDSA. Kakatapos lang mula sa shoot sa isang teleserye na kaniyang ginagampanan.
Umaga siyang umalis at umaga din siya uuwi.
Pero sanay naman siya umuwi ng umaga na. Sa mga nakalipas na mga taon sinubsub niya ang sarili sa pag tatrabaho at ang mga hirap naman na ginawa niya ay nagbunga.
Now indeed she's one of the biggest actress. Kapitapitagan at tinitingalaan ng lahat sa loob at labas ng bansa. Madaming siyang pinagdaanan, humuhubog sa katauhan niya. Sumubok sa kinatatayuan niya sa showbiz pero ni minsan hindi siya natibag.
Patuloy siyang lumalaban ..
Hanggang ngayon ...
Mag u-umaga na pero hanggang ngayon halos hindi umuusad ang traffic sa EDSA, siguro dahil long weekend at abala ang lahat papunta sa kanilang pag babakasyunan. Samantalang noon kapag ganto ay may sarili din siyang lakad kasama ang mahal sa buhay, pero ito siya abala padin sa trabaho at dahil mamaya may mga shoot na naman siya na pinasched sa araw na ito. Kailangan niya lang umuwi at magpahinga kahit sandali para mapalipas lang ang pagod sa kanyang katawan.
Wala siyang makita kundi ang pulang ilaw mula sa mga likod ng sasakyan na nasa kanyang harapan. Natutukso siyang buksan ang radyo pero ayaw niya ..
May ayaw siyang mapakinggan ...
May ayaw siyang alalahanin pa pero mukhang mahihirapan siya lalo na sa mga susunod na araw.
Sa kahabaan ng EDSA ay tila may nakita siyang billboards sa mga daan. Sa dinami dami ng mga billboards niya ay tila mayroong isang pumukaw ng kanyang pansin.
It's her billboard celebrating her 21st year in showbizness from her ABS-CBN family. Pero bukod pa doon, ang larawan na nakapaskil ay larawan niya noong araw na nakatanggap siya ng award galing sa Osears.
She won best actress from her solo movie entitled "Araw Gabi" it's a kind of romance movie potraying the life of Yna Macaspac that was captivated by a lot of people.
Ang movie na iyon ang kauna-unahang proyekto ni Cassandra na medyo may pagka sensitibo, dahil sa mga scenes na sexual at kaharasan. Marami ang tumuligsa sa proyektong iyon dahil madami ang nagsasabi na hindi niya pa kaya ang ganong klasenng proyekto pero pinatunayan niya ang kanyang abilidad at talento na makakaya niya ang ganoong klaseng proyekto. At hindi niya binigo ang lahat ng naniwala sa kanya dahil ang movie na iyon ay nanalo ng best film at siya naman bilang best actress na nagdala ng matinding karangalan sa Pilipinas at naiangat nito ang kaledad ng pelikulang pampilipino.
"You can't please everyone, hindi porket may mga taong umaayaw sayo ay ayaw na sayo ng lahat, maraming naniniwala at nagmamahal sayo, isa na ako doon. Dadating din ang panahon na matutunghayan ng lahat ang talento mo at sinisigurado ko na ang sipag, hirap, at tiyaga na iyong ginagawa ay magbubunga din. Nandito lang ako sasamahan kita hindi kita iiwan hanggang sa sabay nating marating yung pangarap nating dalawa"
Pinahid niya ang luha ni Cassandra pagktapos ay hinalikan ang noo nito ...
"Wag ka ng umiyak, mahal na mahal kita"
Pinahid ni Cassandra ang kanyang luha at sarkastikong napatawa sa bagay na naalala. Pero ang kinaiinisan niyang lubos ay ang kanyang mga luha.
"Hindi na dapat kita iniiyakan"
YOU ARE READING
After Forever
Fanfiction[On-going] 𝓒𝓮𝓵𝓮𝓫𝓻𝓲𝓽𝔂 𝓬𝓸𝓾𝓹𝓵𝓮, 𝓸𝓷𝓮 𝓵𝓸𝓿𝓮 𝓽𝓮𝓪𝓶, 𝓮𝓲𝓰𝓱𝓽 𝔂𝓮𝓪𝓻𝓼 𝓻𝓮𝓵𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷𝓼𝓱𝓲𝓹, 𝓪 𝓵𝓸𝓿𝓮 𝓪𝓵𝓶𝓸𝓼𝓽 𝓹𝓮𝓻𝓯𝓮𝓬𝓽 𝓾𝓷𝓽𝓲𝓵.....
