"I will, Tito Emman." mom nodded as she let her tears from falling


"Come on, call me papa or dad. Whatever you please, you are my daughter-in-law after all." he chuckled and held mom's hand


"I will, papa." Mom's voice broke. She squeezed Lolo's hand and kissed it


"Karylle, sana hindi mamuti buhok mo kay Mikhail. Humaba pa sana ang buhay mo. At ikaw naman, Mikhail, tangina mo, galingan mo sa pagmamanage ng hospital natin. Matagal nating pinangarap 'yan. Dadalawin kita kapag hindi ka umayos." umamba si lolo na sasapakin niya si lolo Mikhail


"Tarantado ka, syempre naman aayusin ko." lolo Mikhail chuckled and wiped off his tears


"Ethisse, masaya akong natupad na ang pinapangarap mong kumpletong pamilya. Akala natin imposible kasi akala ng lahat patay na si Karlie. Mabuti na lang at posible pa. Wag mong pasasakitin ulo ng mommy at daddy ha? Maging masunurin palagi," lolo Emman gave me a small smile as he touched my skin, "Hindi ko na masasaksihan ang pagiging parte mo ng national team at ang pagiging chef mo, apo. Pero apo, lagi mong tatandaan, proud na proud ang lolo sa'yo. Napakadami mong achievements kahit ang bata bata mo pa. Lagi mong tatandaan 'yan, ha?"


"I will, lolo."


He opened his arms that's why I gave him a hug. I forced myself not to cry because I don't want to. Magtutuloy-tuloy lang 'to kapag sinimulan ko. Lalo na nang marinig ko ang sumunod na mga salitang sinabi ng lolo ko.


"Ikaw ang pinakamatatag at pinakamalakas sa loob dito sa pamilya natin. Ikaw ang aasahan kong magpapatatag ng loob nila, Ethisse," bulong niya sa'kin sa malambing na boses, "Teka. Nobyo mo ba 'yung kulot na nakikita ko?"


Lumingon ako kay Giovanni na umiiyak habang pinapanood kami ni lolo. Sinenyasan siya ng lolo na lumapit dito. Pinunasan niya ang luha niya at sinarado ang bibig para pigilan ang sarili niya sa paghikbi.


Giovanni Marcus Rossi, my soft boy.


"Lolo Emman," Giovanni muttered


"Hoy, Giovanni ang pangalan mo 'di ba?" tila nagka-enerhiya si lolo bigla, tumango naman si Giovanni, "Giovanni, prinsesa 'tong si Ethisse sa pamilya namin. Kaya 'wag na 'wag mo siyang sasaktan. Kasi kapag sinaktan mo 'to, dadalawin kita gabi-gabi. Hindi talaga kita patutulugin."


"Hindi ko po siya sasaktan, lo. Pangako ko po 'yan."


"Roshaun, ang paborito kong apo, tara rito. Yakapin mo ang lolo." senyas ng lolo rito


Roshaun was crying when he hugged my grandfather. He sobbed on his chest while lolo patted his head. It was very painful for me to see them like that. They were very close.


"Gusto ko magka-MD ang dulo ng pangalan mo ha? Sana matupad mo rin 'yung pangarap mong maging non-showbiz boyfriend. Wag ka mag-alala apo, bubulungan ko si Lord na ipagkaloob sa'yo 'yon." he chuckled


"Please, lolo. Gusto ko po maging non-showbiz boyfriend." Roshaun finally chuckled despite the tears, "Pangako ko sa'yo, lolo. Magiging doctor ako. Gagayahin ko kayo ni Lolo Mikhail na kilala sa larangan ng medisina dahil sa dami ng taong nailigtas niyo."


"Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa'yo, Roshaun, proud na proud ako sa'yo." he kissed his forehead, "Ursula, mahal ko, masaya akong natupad natin ang pinangako natin sa Diyos na 'till death do us apart. Sana kahit wala na ako, kahit hindi mo na maririnig pa ulit ang mga walang kwenta kong banat at jokes, maging masaya ka pa rin. Please lang, mahal, maging masaya ka. 'Yun lang ang gusto ko kasi mahal na mahal kita."


Affection in the Mats (Girlhood Series#1)Where stories live. Discover now