"Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang"
Ito yung kanta na palagi kong pinapakinggan,
Ito yung kanta na nakapagpaalala sa ating pinagsamahan
Hindi man ito ang theme song natin pero
Ito yung kanta na palagi kong naaalala ang pangako natin sa isa't isa na hinding hindi ko makakalimotan
Ito yung kanta na palagi kong itinatatak sa isipan ko dahil tugmang tugma ito sa ating dalawa
Kahit anong mangyari pag ibig ko'y sayo parin,
Kahit hihintayin kita hanggang sa aking pagtanda,
Hinding hindi ako magsasawa na hihintayin ka nababalikan mo ako
Dahil alam ko na sa pagdating ng panahon na yun ay wala ng hahadlang sa ating pagmamahalan
At sa panahon na yun handang handa na tayo sa isa't isa
Pero pano kung may makikilala kang iba?
O pano kung may makikilala akong iba?
Hindi natin malalaman kasi mahaba pa ang panahon na ating lalakbayin para makapagsama tayong dalawa
Pero sana naman hinding hindi natin malilimutan ang isa' isa, kasama na dun ang ating pagmamahalan na mas tatatag pa sa panahon na ating lalakbayin
Hihintayin kita aking mahal,
Hanggang sa ika'y babalik,
At ipinapangako ko sayo na ang babaeng minahal mo noon ay nandito parin na naghihintay sayo hanggang ngayon at handang mahalin ka ng buong buo
Nagmamahal,
Marilyn
YOU ARE READING
Ikaw at Ako
HumorMary Elizabeth Simson also known as Marilyn is just 16 years old when she met this young boy named Kean James Gomez a 18 years old boy who she just met online. Little did she know that her already planned life will be twisted just because she met th...
