9:Dark Past

0 0 0
                                    

"Sandali." Tawag ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ako nilingon.

"Ano ba! Alam mo bang masakit tong paa ko?" Naiinis na sigaw ko. Nakita ko siyang tumigil at nilingon ako. Tinignan niya lamang ako at saka umiling.

"Bumalik ka na don. Hindi ka ligtas dito. Walang bantay." Doon ko lamang naisip ang aking sitwasyon. Tama siya. Sa dami ng nang-aasam sa mapa ay maari akong paslangin dito at magiging madali yon dahil dadalawa lamang kami.

"Hindi pa tayo tapos Valerion!" Nakita ko siyang nagulat sa sinambit ko. Mukhang hindi ito sanay na tawaging Valerion. Tsk tsk.

Tagumpay na sana ang pang-aasar ko ngunit napalitan ang kanyang reaksiyon at mukha na itong nang-aasar.

"Magpapakasal pa tayo, Baby." Ako naman ngayon ang naasar sa sinabi niya. Kaya naman tinalikuran ko na lamang siya at pumunta na kila Mommy. Bago pa ako makarating sa kinaroroonan nila Mommy ay kinapa ko ang aking mukha. Ramdam kong uminit ang aking buong katawan kanina at pinapawisan na ako ngayon.

"Saan ka galing? Hindi ba't sabi ko sayo huwag kang lalayo? Ba't ganyan ka maglakad?" Sunod-sunod ang tanong ni Mommy. Bakas na ang pag-aalala sa mukha nito kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang kamay.

"Ayos lang ako Mommy. Natapilok po kasi ako kanina." Ngumiti ako para maibsan ang kanyang pag-aalala.

"Kaya ba namula yang pisngi mo anak?" Nanghuhuli ang kanyang tanong ngunit hindi ako nagpatinag.

"Ha? Ah... Opo! Nang natapilok po kasi ako ay bumagsak ang buong katawan ko pati na rin po ang pisngi ko. Masakit nga po eh." Malungkot na sabi. Hindi makapaniwala si Mommy sa sagot kaya umiling na lamang ito.

"Pumunta ka na sa kwarto mo. Mukhang pagod ka na." Hinalikan niya ako sa noo at saka pinaakay sa isang bodyguard.

Siniguro ni Mommy na makarating ako sa kwarto nang ligtas kaya apat na bodyguards pa ang pinasunod niya sa akin.

*Baaaanngg!~~~ Baaanngg!*

Hindi pa man kami tuluyang makapasok ay pinaulanan ng baril ang banda kung saan ako galing. Ibig sabihin kina Mommy.

Agad akong tinakpan ng mga bodyguards ngunit pilit kong nilingon kung nasaan si Mommy.

"Mommy! No! Mommy!" Naiiyak na ako ngunit hindi ako binibitawan ng mga bodyguards. Pinalibutan ng iba pang bodyguards si Mommy at nakita kong tumakbo papunta sa kanya si Daddy.

"Mommy! Get off me!" Lalong hinigpitan ng mga guards ang hawak sa akin. Nadagdagan din ang lumapit sa akin at nang kailangan nila akong ipasok ay binuhat na nila ako.

Gusto kong makita si Mommy kaya sinubukan kong manlaban. Sinipa ko sa tiyan ang isa at sinapak ko ang isa pa. Ngunit sadyang napakarami nila kaya nagawa ulit nila akong buhatin at dinala sa aking kwarto. Apat ang sumama sa akin sa loob samantalang naiwan ang iba sa labas.

Paikot-ikot ako sa kwarto. Hindi ko na pinansin ang paa kong lalong sumakit nang sipain ko ang isa sa mga guards.

Nang wala na akong magawa ay umiyak na lamang ako. Sabagay, doon lang naman ako magaling. Nakita kong bumunot ng baril ang lahat ng bodyguards at mas lalo akong nanginig don.

Pinikit ko na lamang ang aking mata. Naghihintay sa balita sa labas.

Kasalukuyan akong nagdadasal nang may pumasok sa loob. Sa sobrang lakas ay halos matanggal ang dalawang pinto ng aking kwarto.

Nang makita kong si Nanay Minda iyon ay agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

Naramdaman kong hinahaplos ni Nanay Minda ang aking likod. Kahit maganda iyon sa pakiramdam ay hindi ko man lang nagawang kumalma.

Odds And Ends Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu