·P R O L O G U E
Kanina pako nakatitig sa laptop ko kung saan nandito yung bagong story na naipublish ng crush ko. Kanina ko pa tapos basahin pero hanggang ngayon tinititigan ko pa din.
Pano nya nagagawa ito? Napakagaling nyang manunulat kaya hindi ko maiwasan na mapahanga sa kanya ng sobra.
"Ano? Stacey? Tititigan mo nalang yan?" Napatingin ako kau xyrelle ng agawin nya ang atensyon ko. Isinara ko nalang yung laptop na kanina ko pa tinititigan at tumingin ako sa kanya
"Bat nakabihis ka? San gala?" Tanong ko sa kanya.
"Ulul stacey, Walang may balak na magluto ng kakainin natin kaya sa labas tayo kakain" sabi naman ni Aya na pababa.
Since nakaligo naman nako kaya tumayo at dinampot yung camera ko tsaka ko isinabit sa leeg ko at tsaka ko binulsa yung cellphone ko.
"Seriuosly?" Maarteng sabi ni maxi kaya napaharap ako sa kanya "Lalabas ka sa bahay ng ganyan?" Tanong ni maxi sabay tingin sa akin. Napatingin naman ako sa sarili
"Hmm. Oversize shirt ft. Shorts" napapaisip na sabi naman ni szarielle habang nakatingin sa akin "hindi na masama. Bagay naman sa kanya at maganda naman sya magdala ng damit kahit simpleng damit lang" sabi ni szarielle at nauna na syang maglakad palabas ng bahay kaya sumunod nalang kami sa kanya
"You're pretty stacey, you desserve crushback" natatawang sabi ni aya kaya napailing nalang ako.
Dahil wala naman akong magawa habang naglalakad kami at palinga linga kang ako. Ginamit ko ang camera ko para makakuha ng mga litrato.
Ngunit napahinto ako ng may mahagip ang camera ko. Isang lalaki? Nakakaattract kaya napahinto ako. Gwapo naman sya aaminin ko kaya kumuha ako ng magandang anggulo tsaka ko sya kinuhanan ng litrato.
Ngunit sa pagpindot ko ay biglang nagflash kaya napaupo ako at nagtago sa mga halaman.
"Huy! Ginagawa mo dyan" sabi ni xyrelle kaya napapikit nalang ako.
"Nakatingin ba?" Pabulong na tanong ko pero kumunot naman yung noo nya.
"Sino?"
"Yung lalaking naka gray ng damit" medyo malakas na sabi ko. Kita ko kung paano luminga si xyrelle tsaka sya napatawa ng mahina
"Oo mukhang may hinahanap" natatawang sabi ni xyrelle
"HOY XY! STACEY! ANONG GINAGAWA NYO DYAN!" sigaw ni Aya kaya napapikit nalang ako ng madiin.
Nakita ko naman na luminga linga si xyrelle at
"Wala na stacey" mahinang sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag at tumayo na tsaka diretsong naglakad
"Umamin ka. Anong ginawa mo?" Kilala mo ba yung lalaki?" Tanong ni xy kaya umiling nalang ako.
***
Tapos na kami kumain pero andito pa din kami sa isang shop. Tumatambay lang
"Maiba nga ako, ikaw xy? Kamusta kayo ni Cyrus?" Tanong ni szarielle kaya nasamid naman itong si xy
"Lah. Ala ah ni hindi nga kami nagchachat nun" Sabi nya sabay iwas ng tingin
"Kunwari walang koneksyon" pang aasar naman ni maxi
"Oo nga kunwari di nag uusap" dagdag pa ni aya
"Oh bakit ikaw Aya kamusta kayo ni Jayson?" Pambabara ni Xyrelle kaya bigla naman natahimik si Aya
"Okey kang kami bakit, nahiya naman daw si Maxi at Lanz" Nanlaki naman yung mata ni maxi ng ipasa ni aya sa kanya yung topic
"Ulul, Hindi na kami nag uusap ni Lanz, Baka si szarielle at ethan naguusap pa din" Napatawa nalang ako ng si Szarielle naman ang targiten nila
"Malamang nag uusap pa kami. Boyfreind ko yin e, eh si Stacey at Ashton kaya?"
Nanlaki naman yung mata ko sa nadinig ko.
"Nananahimik ako ah" Pag iiba ko ng usapan
"Ano nag uusap ba kayo?" Tanong ni maxi
"Hindi na" Sagot ko lang sabay iwas ng tingin.
*kreaaaaakkk*
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas yun. Nanlaki yung mata ko ng nakita ko kung sino yung pumasok
"Tara na" Sabi ko at akmang tatayo ng biglang may sumagi sa isip ko.
"Maxi oh" Sabi ko sabay sabit sa leeg nya ng camera. Parang nakahinga ako ng maluwag dahil dun sa ginawa ko ah.
Akmang lalabas na kami ng
"Babaeng may camera" napahinto kami ng magsalita yung lalaki. Napakagat nalang ako sa pang ibabang bahagi ng labi ko.
"Kinuhanan mo ba ko ng picture kanina?" Shit!
"Ha? Pero. Hindi akin tong camera" napapikit nalang ako ng madiin ng sabihin yan ni maxi.
"Ah, nagmamadali kami, aalis na kami" Sabi ko at hihilahin ko na sana sila maxi ngunit
"Sana sinabi mong kukuhanan moko. Para nakapag ready ako" sabi nung lalaki habang nakatingin sya ng diretso sa akin.
