CHAPTER 14 ~ Aff Aff ~

Start from the beginning
                                    

...

...

Napatulala ako ng makita ko si Aff. Tumahol siya ng makita ako. Kasalukuyan siyang nakakulong sa arms ni Craige na tulog at nakaupo sa lounger don.

Kumawag yung buntot ni Aff at parang gusto niyang ialis ko siya don. Tahimik na lumapit ako sa kanila at binuhat ko si Aff. Napatili ako ng wala sa oras ng bigla akong hinila ni Craige dahilan para bumagsak ako sa kinahihigaan niya.

"Oy Boss, Sit, Among tunay..sexual harassment na yan. Pero para hindi kita kasuhan ikaw na lang ang gumawa ng breakfast natin."-me

"What are you doing...on top of me?"

"batukan kaya kita diyan..ikaw tong humila sakin ah."

Tumayo siya. Napatulala ako ng hinawi niya yung humahaba na niyang buhok sa muka niya. Parang commercial lang ng shampoo.

Bakit siya mukang fresh sa umaga bakit ako mukang binangungot? Anyway..maganda parin naman ako. Kailangan ko lang makakain dahil natutuyo na ang utak ko.

Tumayo na ako at kinarga ko na si Aff na mukang nagtatampo dahil humagis siya ng bigla akong hinila ni Craige. Kinarga ko na siya ulit at pumasok na kami sa loob.

Nakasunod samin si Craige hanggang makarating kami ng kusina. Pianglagay ko ng pagkain si Aff don sa maliit na bowl niya. Sinunggaban niya yon. 

Mukang nagutom.

Umupo ako at pinanood ko si Craige na mukang inaantok pa. Naghanap siya sa freezer ng madali niyang maluluto. Tinginan ko yung nilabas niya.

"Wag yan!"-me

"Why?"

"Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ni Aff? Sa harap niya kakain tayo ng hotdog? Anong kalaseng nilalang ka? Ang feeling niya look."

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now