Here it started, here will End?

Start from the beginning
                                    

"Sige Mark, kami na bahala sa iba.. all you need to do.." tinapik ni Matt ang balikat ko ..." enjoy."

Tama. I just need to enjoy at gawin ang dapat kung gawin.

MELISSA'S POV

"Bilis bilisan mo nga magdrive bagal mo eh."

"Wag ka nga ! kaw dito oh ! angal ka ng angal eh... malapit na nga tayo eh. Pain kita gusto mo?!"

Teka? parang kilala ko kung kaninong boses yun ah? Naalimpungatan kasi ako sa mga parang nagtatalo..

Gagalawin ko na sana yung kamay ko pero naka tali eh. Shemss naman! i hate you people ! hindi nyo ba alam na may importanteng mahalaga akong lakad ngayon!!! Pam pam naman oh.!

May piring din yung mata ko. Bwiset. Buti na lang at wala ng takip bibig ko. Lagot kayo sakin.

"Hoy ! mga hudas kayo ! ibaba nyo ako dito ! Aaahhhhh !!!!!"

Sumigaw ako ng napagkalakas lakas,

"Ay sh*t ang sakit sa tenga !."

Teka kilala ko talaga yung boses eh. Buset kayo..!!!

"Hoy ! Dex ! ikaw ba yan? hoy mga loko kayo ah, ibaba nyo ako dito..." boses talaga ni Dex yun eh...

"Sinong Dex? hindi ko kilala yun ah."

Biglang nag iba yung boses nya , halata naman na pilit lang.

'Naku humanda talaga kayo sakin mga tukmol kayo....!!!'

Naramdaman ko na parang tumigil yung sasakyan . Biglang nagbukas yung pinto sa tabi ko? hindi ko nga makita eh.

"Aray aray--teka dahan dahan nga, masakit eh... lagot talaga kayo sakin, nakuuuu!!!"

Ibinaba nila ako na kung saan.. bigla naman na parang nawala sila sa tabi ko, pinilit kong tanggalin yung nasa kamay ko, buti na lang hindi mahigpit yung tali , 'bakit ba hindi ko agad naisip na tanggalin yung tali?'

Pagkatanggal ko  ng tali, yung nakatakip naman sa mata ko, nan labo pa yung paningin ko dahil sa piring. Nung medyo luminaw na yung mata ko.

"Wait, this place seems really familiar? nakarating na ba ako dito?" inikot ikot ko pa yung mata ko para mas lalong makita yung buong lugar, medyo forest like kasi sya, pero hindi sya ganun ka gubat tingnan.

"Parang nakarating na ta--- aa--araouch !"

Nakalimutan ko mataas pala yung heels na suot ko, natapikot tuloy ako dahil sa rough din yung daan, nasugat tuloy ako sa bukong ko.

"Aray naman oh..aist!"

Pinagpag ko yung suot kong damit tska yung binto ko..

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDWhere stories live. Discover now