"Paano ang umibig?" ni Gagamba't Lamok

25 0 0
                                    

Walong mata’t paa pero iisa ang puso
mag-isa sa maalikabok at madilim na sulok
si gagamba naghahanap ng kasalo.
Dinala ng maliliit na pakpak si Lamok,
ang pirasong pupuwang
sa mundo ng walang kasama.
Kaya’t lumikha ng mga sinulid ng paraan.

“Bubuhulin sa sapot ang atensyon
babalutin sa aking daigdig ang sinisinta
lalasingin sa pag-mamahal.
Huwag lamang tunawin at ngasabin
pagdadalawang-isip lapitan at umamin.”

Ang umiibig, mahaba ang pasensya.
Nag-antay, nag-abang, at ang pagkakataon, agiw na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Paano ang umibig?" ni Gagamba't LamokWhere stories live. Discover now