"Ano nanaman bang ginawa mo,yvette?" Bulyaw sakin ni jens
"Bakit ako?" Iritang sabi ko
"Sino pa ba? Lagi nalang kayo nag aaway ni chun, tanggapin mo nalang kasi, yvette, ikaw yung nakipag hiwalay kaya dapat kayanin mo" sabi ni Jens sabay irap at iniwanan ako.
Pagkaalis nya ay tumulo luha ko, hindi ako iyakin pero sobra na, una, ako sinisisi nila dahil nag away kami ni chun, anong gusto nila? Wag kong patulan kahit sya naman yung nauna? Pano ba naman kasi, iniinggit nya ko dahil sila na nung ex ko potangnang yan.
-
"Pinapatulan nya lang yan si chun dahil si chun naman yung nauna! Atsaka makatarungan ba yon? Magkakaibigan tayong lahat tapos magtataluhan tayo? Well excempted naman yang si yvette at kaiden noon dahil nung nakilala natin sila ay sila na talaga!" Sigaw ni Cassidy, para sabihin ang point nya dahil sa nalamang away namin ni Chun
"I second the motion" sabi ni Scint
"Anong bang mali kung maging si chun at kaiden ngayon? Eh sa kung mahal nila isa't isa." Sabi ni ashton
"Eh yun nga e, kala ko ba matalino ka ash? Diba wala ngang talohan sa grupo na'to para hindi masira?" Sabi ni Cassidy, alam kong napipikon na sya kay ashton, hays, ako naman ay nagpapalipat lipat lang ng tingin sa kanila.
"Ikaw naman yvette? Ano ba kasing problema mo?diba ikaw naman nakipag hiwalay kay kaiden? Kaya anong issue?" Sabi ni ashton, medyo nainis ako sa pag kakasabi nya at sa tono ng pananalita nya.
"Look, tignan nyo kasi both sides, ash, ni hindi mo nga alam reason kung bakit ko iniwan si kaiden, kaya wala ka pa ring alam at wala ka ring karapatan na kwestyonin ang nararamdama---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko, the jerk cut me off.
"Damn that! Dahil dyan nag kakagulo kayo nila chun" inis na sabi nito sabay alis.
"Potangna nito ni ashton e, lagi ka nalang ginagawang mali" sabi ni cassidy na ang sama pa ng tingin sa pinto kung saan lumabas si ashton.
"Hayaan nalang natin, hindi naman natin mapipilit ang taong sarado utak." Sabi ko. Nakakapagod rin.
"Ayan tayo e, kaya ka inaapi api ng mga yan kasi pa anghel ka" sabi naman ni scint.
-
Isang linggo na matapos ang issue na yon, magkakaibigan kami pero palagi kaming nag aaway, nagsisigawan. Hindi naman kami ganto dati, naging ganto lang simula nung dumating si chun sa grupo namin
"Hi,yvette!" Sabi nito ng makita ako sa tambayan ng grupo namin.
"Ano?" Inis na sabi ko sabay taas ng kilay, kapag nakikita ko talaga to umiinit dugo ko.
"Nakamove on kana ba sa inyo ni kaiden? Ikaw naman kasi e, gusto mo pa pala tapos pinakawalan mo, may pagkatanga ka rin e no." Pang asar na sabi nya.
"Tanga kaba o nag tatanga tangahan? Diba ikaw yung pinagsasabihan ko ng lahat? Pero trinaydor mo'ko" inis na sabi ko
"Oh come on, yvette, na fall nga ko diba? Kasalanan ko ba yon?" Sabay ngisi nya sakin.
"Wala akong panahon sayo, pwede ba manahimik ka na lang" sabi ko sabay talikod sa kanya
"Eh kamusta naman maubusan ng kaibigan, yvette? Wala nang naniniwala sayo HAHAHA" pangasar na tonong sabi ni chun
"Eh ikaw,chun? Kamusta pang aagaw sa mga kaibigan ko? Sa ex ko? Sa lah--" hindi ko natapos dahil biglang bumukas ang pinto ng tambayan
"Anong nangyayare rito? Yvette? Rinig na rinig ko boses mo nasa labas palang" sabi ni Ashton
Nagulat ako ng makitang umiiyak na si Chunchi
"atsaka ano nanamang ginawa mo kay chun?!" Inis na sabi ni ashton at may kasama pang masamang tingin
"Ako nanaman? Sya naman nauna e" sabi ko sabay duro kay chun.
"Anong ako?! Pumasok lang ako dito tapos sinumbatan mo na ko na lahat inaagaw ko pati kaibigan mo" umiiyak pa ring sabi ni chun.
"Ano nanaman ba 'to yve--" hindi ko na pinatapos si ashton sa speech dahil pagod na pagod nako
"Oo na ash, lagi naman ako e" sabi ko sabay labas ng tambayan
Saktong pag sara ko ng pinto ay ang pag buhos ng luha ko, sobrang sama ng loob ko, pagaangat ko ng tingin ay nakita ko si kaiden, na may pag aalala sa mukha
"Anong nangyare sayo? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nya
"W-wala, pagod lang" sabi at nilampasan sya.
Dumiretso akong banyo para don ituloy ang pag iyak.
"Tangina lagi nalang ako." Sabi ko sabay punas ng luha.
-
Linggo ngayon at nasa tambayan ako, kasama ko si Cassidy at Scint, napatingin kami ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si chun, iiwas na sana ako ng tingin kaya lang bigla syang nagsalita.
"Ano guys? Nahahati na grupo ah? Unti unti nang nasisira grupo nyo? Pano ba yan?" Pang asar na sabi nya
"Tangna mo manahimik ka ah? Di ako natutuwa sayo" bulyaw ni Cassidy sa kanya.
Sabay sabay namang pumasok sila Jens,Ashton at kaiden sa tambayan, at agad ring tumakbo si chun kay kaiden na umiiyak na ngayon. Artista talaga.
"Baby, wala akong ginagawa" sabi ni chun.
"Ano nana---" hindi ko na pinatapos si ashton, punong puno na ko.
"Ano nanaman ba to yvette?! Alam ko nayan ash! Ako nanaman sisishin mo diba? Ako nanaman" galit na sabi ko
"Eh sino paba yvette? Eh kayo lang naman mainit dugo rito kay chun e" sabi ni jens, si kaiden naman ay masama ang tingin sakin.
"Guys pwede ako naman? Pwede nyo ba ko p-pag salitain man lang kahit isang b-beses? Pwedeng side ko naman pakinggan ninyo? Please, kahit ngayon lang" umiiyak ko ng sinabi, agad naman tumahimik ang lahat at agad akong dinaluhan ng dalawa kong kaibigan para tahanin.
"Alam nyo, bakit ganon? Kaibigan nyo rin naman ako infact nauna nyo nga kong naging kaibigan kesa kay chun e, pero ba't ganon? Hindi nyo tinitignan both sides? Bakit palagi nalang si chun kahit wala kayo don? Kahit hindi nyo nakikita pangyayare bakit ako lagi masama? Bakit ako lagi mali? Bakit para sa inyo ako palagi nagsisimula? Bakit lagi ko nalang naririnig 'ano nanaman ba 'to yvette?' 'ano nanaman bang ginawa mo yvette' na parang ako lagi may kasalanan, guys never nyong tinanong yung side ko, never kong narinig sa inyo na 'sino ba nag simula' ako agad pinagbibintangan nyo, onting iyak lang ng babaeng yan, bulyaw na agad kayo sakin, guys kaibigan nyo rin ako, umiiyak rin ako kagaya nya pero never kong pinakita sainyo! Kasi pagod na ko e, lagi nalang ako" umiiyak kong sabi, ansakit na e.
"Eh bakit kasi di ka nag sasabi? Bakit di mo ineexplain side mo?" Sabi ni ashton
"Eexplain? Sabihin? Sinubukan ko ash, pero ni isa ba sa inyo may nakinig sakin? Sila Cassidy lang naniniwala sakin, hindi nyo ba nakikita? Inaagaw sakin lahat ni chun! Di nyo ba alam? Simula nung dumating sya nagkakasira sira na tayo, atsaka di nyo na ko kayang pakinggan, alam nyo? Dahil sa inyo pinarealize nyo sakin na silence is more imporntant than proving a point" umiiyak paring sabi ko, kahit anong pigil ko di ko pa rin mapigilang umiyak
"Syempre, yvette, sino pa ba sisihin namin? Eh ikaw lang naman may galit kay chun, dahil naging sila ni kaiden? Ano ba kasing problema mo? Diba ikaw naman nakipag hiwalay?" Sabay irap ni jens sakin
"Iniwan ko si kaiden para sa pag aaral nya, hindi dahil gusto ko lang! Alam ni kaiden yon! Hindi porket ako nakipag hiwalay, ako na masama!" Sabi ko
"Tangina! Hayaan mo sila! Di nyo kasi alam ugali ng chunchi nayan e, sya unang nag maldita rito! Nagpapaawa kasi sa inyo! Alam nyo? Wala ng patutunguhan tong squad na to e, hindi na pag kakaibigan to kung pareparehas tayong may pinapanigan! Buti pa, buwagin natin to, tutal ayoko rin naman kasama yang babaitang yan! Ayoko yan sa grupo na'to, alam nyo? Para masampal sa inyo na tama si yvette?! May cctv tong tambayan nato diba? Panoorin ninyo! Kapag tama kami, walang babalik ha?" Galit na nasabi ni Cassidy
"I second the motion" sabi naman ni scint
"Wag kayong papakasiguro na tama rin yang sinasabi ni yvette sa inyo palagi, dahil pwede ring gumagawa lang sya ng kwento" sabi ni kaiden na ngayon lang nag salita.
Magsasalita na sana ako kaya lang ay iniharang ni scint ang kamay nya sa mukha ko
"Kaiden, tanga si yvette pero hindi sya sinungaling. Tanga sya kasi hiyaan nya lang na apihin nyo sya, nagtitimpi sya sa kademonyohan ng babaeng yan, tanga sya kasi iniiyak nya lang lahat, tanga sya kasi nag aanghel anghelan sya, yun yon pero hindi sya sinungaling katulad nyang kasama mo, alam mo chun? Ikaw pa naman gusto ko dati pero simula nung binali mo yung rule ng grupo na'to? Nevermind nalang. Alam nyo? Tama yon. Tignan nyo yung cctv tignan natin kung sinong sinungaling kaiden" sabi ni scint at ngiting pang asar kay kaiden.
"Tara na! Kakasuka dito!" Sabi ni Cassidy sabay hatak sakin.
-
Pagkatapos ng pangyayareng iyon ay nabalitaan naming chineck nga nila ang cctv at nakita lahat, nabalitaan namin na inalis sa grupo si chun at nagkakalabuan na sila ni kaiden, samatalang si ashton at jens naman ay kinocontact kami para makipag ayos ngunit ayaw na ni cassidy syempre pati narin namin
"Hayaan nyo sila, hindi natin kailangan ng mga kaibigan na hindi marunong makinig, hindi natin sila kailangan" sabi ni Cassidy
Tama naman sya atsaka kontento naman na ko at masaya sa kanila ni scint at ok na ko ron.
