"Alam mo ba kung anong pangarap mo?" Hindi niya inalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.
"Hmmm..." Pinaglaruan niya muna ang mga daliri ko bago siya sumagot, "Huwag mo akong tatawanan ha!" Inilagay pa niya sa mukha niya ang kamay ko. Natawa naman ako at inipit ang mukha nya, "Kailan ba ko hindi natawa sayo? Baliw to!" Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha nya, naramdaman kong umayos siya ng upo. "Basta ha, walang asaran! Iwan kito rito, bahala ka!"
Napangiti na lang ako sa kanya at inantay ang sagot niya.
"Ah, eh, ano kasi. Promise ha! Walang tawanan! Gusto kong ano, makapunta sa buwan."
Natahimik ako sandali. Pinipilit mag pigil ng tawa.
Hinampas niya ako ng mahina, "Ano ka ba! Pigil ka pa ng tawa jan! Hala sige! Tawa!" Tumawa na rin siya nang tumawa.
Kinuha niya ulit ang kamay ko at pinaglaruan, "Eh, ikaw? Anong pangarap mo?"
Napaisip ako. Matagal din siguro akong 'di umimik kaya pinisil niya ang kamay ko. Humigpit naman ang hawak ko sa kanya, ngumiti ng kaunti.
"Pangarap kong makita ka.."
