OMH-3

29 2 0
                                    

Hellarie's POV

"Sa rooftop? Bakit doon?" Tinawagan ko ang boyfriend ko at sinabi kong magkikita kami sa rooftop. Doon kasi walang masyadong tao.

"Para iwas chismis. Sige na, kita nalang tayo mamaya. Magdala ka ng snacks! And please, wag puro candies nakakainis na!" Pinatay ko na ang phone.

Simula kasi noong insedenting iyon, binabash na ako ng halos mga fans namin noon. Wala naman akong pakialam sa kanila. Mga bobo sila. Parang sinampal ko lang si Alvaro galit na agad sila? Hindi naman sila ang sinampal ko, bakit sila galit na galit? Ang wa wagas magalit hindi naman ka ano-ano si Alvaro! Ni hindi nga sila pinapansin ng lalaking yon eh!

Tsaka hindi ko narin nakita si Alvaro. Which is really really really good, hindi na nag-iinit ang ulo ko. I hope our paths will never cross again, so that my life will be so much easier. No hassle. Just okay.

This school being huge gave me an advantage to never meet Alvaro again.

Nagsimula na akong maglakad patungong rooftop. When I finally got there nilanghap ko agad ang sariwang hangin. Nakakawala ng stress. Ang dami naming ginawa kanina. Report doon, report dito. Pasa dito, pasa doon. Tapos, may thesis pang sobrang arghh! Let's not talk about it.

Ang thesis ay pwede ng ihambing kay Alvaro, nakakastress. Kainis.

"I wish, I can fly too." I suddenly mumbled when I saw a bunch of birds flying. Ang sarap nilang tingnan. Napapangiti nila ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng rooftop. And then there, Nakita ko si Hodrial na natutulog sa isang tabi. Parang hindi mayaman, kung saan saan lang natutulog. Grabe kung maka panghusga tapos siya din naman pala ganyan.

Sinusundan niya ba ako? I mean, anong ginagawa niya dito? This is great, so great! Kanina lang iniisip ko na sana di na magtagpo ang landas namin tapos ganito ang mabubungaran ko?

Nagring ang phone ko sinagot ko naman agad yun. Ni loud speaker ko ito.

"Babe, sorry. Nandyan ka naba sa rooftop? Hindi ako makakapunta dahil hindi ako hinahayaan ng mga ka member ko. Ako kasi ang naatasang maging leader para sa presentation namin. Sorry talaga." Malungkot na sabi niya. Now, this is shit.

Sinong kasabay ko?! Kainis! "Ganon ba? Sige." Yon lang saka ko pinatay.

Alam ko naman na busy siya kasi syempre graduating na. Naiintindihan ko naman di ko lang talaga mapigilang mainis.

"Sa susunod iiwan ka na niya." Nilingon ko ang nagsalita.

Nakahiga parin siya. Nakaunan sa mga braso niya ang ulo niya habang nakatingin sa langit na walang emosyon na mababakas.

Malamig ang pagkakabigkas niya ng mga katagang iyon. Hindi yung nang-aasar na tono. Para bang sinasabi niya na tama talaga ang sinasabi niya.

"Excuse me? Pano ka nakakasigurado?" Inis na tanong ko.

Naghintay ako ng sagot pero hindi naman ako nakatanggap ng kahit na ano galing sa kanya. Ang yabang niya ah? Siya ang unang nagsalita tapos pag sinagot hindi na sasagot?! Nakakapang-init ng ulo.

"Kinakausap kita! Hodrial!" Hindi ko mapigilang sigaw.

Noon naman siya tumingin sa akin. Medyo napanganga pa ako ng konti dahil kahit ayokong purihin siya ay gwapong gwapo siya ngayon. Gulo gulo ang buhok, mapupungay na mga mata dahil galing sa tulog at mapupulang labi. Shit! Ano bang iniisip ko?! Hindi naman ako ganito dati!

"Owning My Heart" (Alvaro Series # 3)Where stories live. Discover now