CHAPTER 5

20 1 0
                                    

CHAPTER 5





napangiti naman ako pag kabati nya

"UHM hello" Ngiti ko sakanya napatingin naman si Jhelzi samin

"WOOOSH muling ibalik ang tamis ng pagibig sayang naman ang ating nakaraan" kanta pa nya at inirapan ko naman sya

"uhm Lyza kamusta naman klase nyo" ngting sabi nya sakin

"Ah ok naman anton konting duscuss lang tapos pakilala sa ibang mga sub ikaw?" tanong ko sakanya

"WOIIII Wassup guyssss long time no see ah na miss ko kayoo" habang umupo sa tabi ni Jhelzi

"ano ba sean ang ingay ingay mo naman" inis na sabi ni Jhelzi

"Aba nag college lang tayo ganyan ka na ha!?" sigaw ni sean kay Jhelzi " parang dati ayaw mo kong mawala sa paningin mo" panunukso pa ni sean kay Jhelzi

"waw ang kapal nga naman ng muka mo magpalaki ka muna ng mata bago mo ko pagsalitaan" Sabi ni jhelzi at nagtawanan naman kami

"Hay grabe halos magkakasama naman tayo pero bat miss na miss ko kayo" sabi pa ni sean at ngiti ngiting pinagmasdan kami isa isa

"Ngapala singket" tawag ko kay sean at napatingin naman sya sakin ng nakakunot ang noo "O bakit singket ka namab talaga ha?" sabi ko

" Hoy kahit singket ako maraming nagkakagusto dito sa mukang to no" sabi nya habang hawak sa muka nya

"ayan ang alam mo napaka babaero mo talaga ano siguro may nadale ka na dito" Tanong ni Jhelzi sakanya at natawa naman sya

"HA HA HA HA syempre ako pa ba" sabi pa nya na nagmamayabang

"Kaya walang tumatagal sayo eh" sabi ni anton at tumingin naman si sean sakanya

"Hoy kano ako kasi di torpe di kagaya mo halos maihi ka sa pantalon pag may nakaharap sayong babae HAHAHAHA" sabi nya at nagtawanan kami

"Di naman kasi ako interesado sakanila sila nga tong naghahabol sakin tch" si anton at nagpatuloy kami sa pagkain

nung matapos na kaming kumain ay biglang nagsalita si sean

"Grabe ang hirap magaral di ko maintindihan" sabi ni sean

"Ay waw nakakahiya naman ang pagtatrabaho ng magulang mo para makapagaral ka" Jhelzi

"Ano ba lagi nalang kayo nagtatalo baka magkatuluyan kayo nyan ah?" ngisi ko sakanila at natahimik naman sila Hhahahhaha

"O sige na una na kami magkita nalang tayo bukas" ani ni anton at tumayo na tumingin muna sya sakin "bukas nalang ulit bye" sabi nya at tumango naman ako sumunod naman sakanya si sean

" MGA KUPAL BABYE AYLABYU" sabi ni sean habang papalabas ng canteen at kumakaway pa hays kahit kelan talaga walang hiya

"teh naninibago ko satin halos dati nung highschool tayo eh lagi tayong magkakasama halos di tayo mapaghiwalay tapos ngayon...." malungkot na sabi nya

"Kailangan din nating masanay sa mga bagay bagay may mga umaalis pero alam kong may mga dadating" pilit na ngiti ko

"Sabagay kamusta na kaya si james no" sabi nya at natigilan naman ako " Sorry di ko naman balak balikan eh namiss ko lang talaga" malungkot pang sabi nya

di na ko kumibo at nagpatuloy na sa paglalakad hannggang sa makaupo kami sa klase namin napatingin ako sa upuan ni stefan pero wala pa sya "nasan kaya yon bulong ko" pag harap ko ay

"AY KALABAW" sigaw ko ng biglang nasa harap ko na si stefan nakatitig sya sakin at di ko maalis ang paningin ko sakanya

"uhm excuse me" sabi nya at don ko napansin na nakaharang na pala ko sa dadaanan nya

"Ay sorry" ngiti ko at tumabi... umupo na ko sa upuan ko

DISCUSS

DISCUSS

DUSCUSS



~~UWIAN~~

"tara na teh" sabi sakin ni Jhelzi at nagsabay kami papuntang parking nauna syang nakasakay sa kotse nya dahil mas malapit ang pinagparking nya

"Bye Chocky" sabi nya at mabilis na sumakay sa kotse nya

"bye milky" sabi ko ng makaandar na sya
at bumusina naman sya

naglalakad ako papunta sa kotse ko pero di ko maiwasang kabahan dahil parang may sumusunod sakin binilisan ko ang paglakad ko at nung nasa tapat na ko ng sasakyan ay hinanap ko ang susi ko pero hindi ko makita pag tingin ko sa loob ng sasakyan ko ay nandon pa ang susi ko

"shocks pano na ko makakauwi" sabi ko at kinuha ang cellphone ko

//RRRIING,RRRINGG//

//RRRINGG,RRRINGG//

"Hello" sabi nya

"Hello Anne nasan ka pwede bang sumabay ako sayo umuwi naiwan ko yung susi sa kotse ko eh" sabi ko sakanya

"AY naka ka mameh kanina pa ko nakauwi at alam mo naman bawal ako mag kotse dahil di pa pwede eh gusto mo sunduin nalang kita pipilitin ko hiramin kotse ni mamy" aniya

"Ay sige wag nalang mag babyahe nalang ako" sabi ko

"Ha eh sigurado ka ba jan okay lang naman sakin na sunduin ka eh" sabi nya

"de wag na sige na bye" sabi ko at pinatay na agad

kilala ko sya di yon sususod sakin dabest sya kasi sya lagi ang nasasandalan ko pag may problema ko pero minsan nahihiya narin ako sakaniya at sa magulang nya kaya hanggang maari eh tumatanggi na ko

"shocks pano to" sabi ko at biglang may lumapit sakin

"are you okay" sabi nya ano ba lagi nalang ba sya nagtatanong kung okay ako pero di ko parin kayang tanggihan sya dahil sa kislap ng mata nya "ehem are you okay? Lyz" paguulit nya

"Ah kasi yung susi nasa loob ng kotse di ko alam kung pano ko makakauwi" sabi ko pa tiningnan nya naman yung kotse ko

"Uhm gusto mo sumabay ka nalang sa motor ko" turo nya sa motor nyang nasa likod nya "para di ka na mahirapan mag byahe" sabi pa nya

"Okay lang ba di ba nakakahiya" sabi ko at inabot agad nya sakin ang helmet nya pang isa

"Here sumakay ka na wag kang mahiya sakin" sabi nya at sumakay sa motor nya sumunod naman ako sakanya umangkas ako sa motor nya"Hawak" sabi nya natigilan naman ako

"Ha?" takang tanong ko

"sabi ko hawak ts" ngiting sabi nya humawak naman ako sa balikat nya pero kusa nyang tinanggal yon at inilagay sa bewan nya

/lunok/

"baka kasi macontrol mo ang kamay ko kung sa balikat ka hahawak" ngiting paliwanag nya sakin " san tayo?" tanong nya

"Uhm sa greenland lang" tumango naman sya at mabilis na pinaandar ang motor nya halos nakayakap na ko sakanya ang saya sa feeling parang safe ako lagi kapag ganto ko kalapit sa kanya



sa wakas nakauwi na din ako

"thankyou ah" sabi ko pagkababa sa motor nya at binigay sakanya ang helmet nya

"susunduin kita bukas" biglang sabi nya at ngumiti sakin

"Ah hindi na ano kasi nakakahiya" sabi ko at napatingin sa sahig

"sabi ko wag kang mahiya sakin susunduin kita kasi wala kang sasakyan okay?"tanong nya sakin ng nakatitig sa mata ko walang sab sabi ay tumango ako at ngumiti sya at mabilis na pinaandar ang motor nya

Taka akong pumasok sa bahay dahil di talaga ko makatanggi pag datibg sakanya weird pag kapasok ko ay naabutan ko si tita

"Hi tita nasan po si anne" takang tanong ko
nagulat naman sya

"Ha? e diba sinundo ka nya hiniram nya ang kotse nagalit pa nga ko sakanya kasi bawal pa yung batang yun mag maneho" sabi ni tita habang nanonood

"Ah kanina po sabi ko ay wag na kong sunduin kasi alam kong may ginagawa sya" pagkasabi ko ay sabay ang bukas ng pinto napatingin ako ng makita ko si anne na nakabusangot ang muka



The bloodWhere stories live. Discover now