"Yung lolo mo napakababaero." pagdidiin niya.










Natawa naman ako. Feeling ko ako yung sinasabihan.

"Napaka hilig mambabae." Dugtong niya.










"pano niyo po na handle yung relasyon niyo ni lolo?" Pagiiba ko.










"Sinubukan ko siyang bitawan dahil sobra na akong magseselos sa pambabae niya." Aniya.





Aww.








"Pero siya yung mismong gumawa ng paraan para ibalik at buoin ang relasyon namin." Ngiting sambit niya.

"Bumalik siya para kunin ulit yung loob ko."








Sanaol talaga.










"Tapos ayun, Dinala niya sa harapan ko yung mga babaeng pinagseselosan ko."
Sunod na kwento niya.

Ang tapang ni lolo ahh! Di ko kaya yun.









"Napatunayan niyang Hindi siya babaero."









Malinis siguro kumilos si lolo. Walang ebidensiya e. Sa panahon kasi ngayon may screenshot na.









"Edi maling akala mo lang pala po yun?" Tanong ko.








"Oo, selosa ang mommy mo eh, kahit mukhang paa pagseselosan ko."

Sabay kaming nagtawanan dahil may kinwento pa siyang mga kalokohan ni lolo na relate na relate ako.













Komportable na ang pakiramdam ko dahil sa yakap ni lola. medyo nakaramdam na rin ako ng antok.



kusa ng sumara ang dalawang mata ko dala ng pagod. May narinig pa kong huling sinabi si mommy pero di ko na ito pinansin at patuloy ng natulog.








"Muntik ng masira ang relasyon namin dahil sa maling akala na yan, kaya ikaw siguraduhin mo muna ang lahat ng bagay."










AMY's POV.

"What?!" Gulat na tanong ni ate Rans habang masamang nakatitig sakin.









Tinawanan ko lang ito at pinagpatuloy na ang pag ayos ng kama ko para matulog.

"Niyaya mo si Coleen na halikan ka!?"
Tanong ni ate rans.










"Paulit ulit teh?" Iritang sagot ko.









"Iba ka talaga no? First day of school pa lang natin dito. nagawa mo na yan."










"Niloloko ko lang siya, hindi ko naman alam na masyado siyang tanga para totohanin yung sinabi ko." pagpapaliwanag ko.









"Ehh kahit sino matataranta. Pag bigla kang nagaya ng halik atsaka maganda ka pa naman bata ka, pag ikaw napahamak sinasabi ko sayo." Sermon nito.









"Magugulat ka sa sasabihin ko." pagiiba ko ng usapan.










"Ano na naman yon?" Sabi nito habang komportable ng nakahiga.









"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon