"Kamusta pag aaral mo?" Tanong ni lola.






"Okay naman po." Ngiting sagot ko.







"Eh kayo ng mama't papa mo?"






"Okay naman ata sila."





Agad siyang humigop ng kape bago ulit magsimulang magtanong.

"Eh ikaw? Okay ka lang ba?





Agad akong napatigil sa paginom at dahan dahan binaba ang baso sa mesa.

Pinipigilan kong maluha, Sa tanong niya. "Okay lang ba ako?








Sobrang dami kong problema. Problema, sa parents ko, problema sa schools, problema kay Coleen, at problema sa sarili. Sinasarili ko lang ang lahat ng yon kahit nakakapagod. hindi ako nagoopen up kahit kanino dahil alam kong walang makakaintindi sakin.









Tinaas ko ang aking noo at buong ngiting sinagot ang tanong niya.

"Okay naman po."








....

Nakahiga na ko ngayon sa kama ko. Hindi ako makatulog. Hindi talaga ako sanay ng walang katabi.






Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso sa kwarto nila lola.

Nandun yung dalawang batang pinsan ko mahimbing na pinapatulog ni lola.




"Oh Gabb?"







"Mommy, I can't sleep." sabi ko habang kinukusot ang kaliwang mata.

Sumiksik ako sa kama kahit apat na kaming nakahiga don.





niyakap ko si lola ng sobrang higpit. I really love hugs.




"Hayss! Baby pa rin ang apo ko." Natutuwang sambit niya.








"Ihhh! hindi na po ako baby." Tampo ko dito.







"Oonga pala." Natatawang sambit niya.








"Mommy? Kwentuhan niyo po ako." Request ko kay lola.








"Kala ko ba hindi ka na baby?"










"Dalii na po." pangungulit ko. "Kwentuhan niyo po ako tungkol sa inyo ni lolo."









"Matulog ka na nga." Aniya.










"Ihhh! minsan lang po akong nandito ohh." sabi ko ng may halong pagtatampo.







"Sige na nga."






"Yehey!"








"Shhhhh! Baka magising pinsan mo."
Suway niya sakin.








"Shhhhh."paggaya ko sa kaniya kaya bahagya itong natawa.








"Nakilala ko ang lolo mo nung high school ako." biglang umukit ang malaking ngiti sa labi nito.

"Siya ang unat huli ko."








Damang dama ko ang kilig ni lola habang nagkwekwento.










"Stay with me" Where stories live. Discover now