“Fine!” I sighed, defeated.

Pinuwesto ni Gaile ang flower crown sa aking ulo. Nilagyan niya ng pin ang ilang gilid nito. Si Lucy naman ang nagkulot ng buhok ko.

“Perfect!” Pumalakpak pa si Gaile pagkatapos.

“Tayo ka nga Leigh.” Lucy requested. Napairap ako at tumayo. Umikot si Lucy para tignan ang buong katawan ko. Inayos niya ang ilang part ng gown na nagulo sa pagkakaupo ko. Sleeveless iyong gown at hanggang tuhod ko. “Yan okay na.” Lucy smiled.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Hinawi ang hibla ng buhok na nasa mukha ko. I looked okay. Hindi ko alam kung paano idedescribe ang sarili ko. Sila Gaile at Lucy ang nag-aayos sa akin. At kailanman hindi sila nagkulang para maging kaaya-aya ang mukha ko at ang susuotin ko.

“Galing niyo talaga, girls.” Tinignan ko sila over my shoulder.

“Maliit na bagay.” They said in unison. Tumawa sila at sinimangutan ko sila.

“Ewan ko sa inyo!” Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti.

“Una na kami! Sunod ka na lang! Mag-uumpisa na kasi ang party! 5:00 na,” ani Gaile. Tinanguan ko na lang silang dalawa at lumabas na sila ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako. Oh my God, ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. I felt my heart on my throat. Minsan nanginginig ang kamay ko at ang tuhod ko. Pupunta ako sa office ni lolo. At gagawin ko iyong kapag abala siyang kausap ng mga tao. Kukunin ko ang orihinal na kopya at matatapos na ang lahat.

Ganun kadaling isipin. Pero kapag ginawa ko na iyon, hindi ko alam kung anong aksyon ang gagawin ko. I sighed, again. Kaya ko ‘to. Hindi ko kailangang pairalin ang kaba at takot ko ngayon. Hindi dapat.

“Go,” I breathed. “Go, Leigh. This is for your mother.”

Naglakad na ako papalabas ng aking kwarto. Rinig na rinig ko ang hakbang na aking ginagawa. My lips were trembling so i pressed it, tightly. Bilang lamang sa kamay ang tao rito sa sala. At alam kong nasa hardin ang lahat ng bisita. Napatingin ako sa kaliwa. Nandoon ang opisina ni lolo. Mamaya nandoroon ako para kunin ang papel. Right, Leigh. Calm.

Bumaba ako ng hagdan at naglakad papunta sa hardin namin. My eyes went wide on how beautiful the garden. Papalubog na ang araw kaya nakabukas na maliliit ng ilaw na nakapulupot sa manipis na sanga na nakasabit. Entrance pa lamang iyon. Wow, ngayon ko lang nalaman na may taste naman pala si Jezel at si tita Nicole.

Pagpasok ng hardin ay makikita mo na agad ang stage at magagandang ayos na mesa. Bawat mesa ay may vase at bulaklak. Sa stage naman ay gawa sa kahoy at nakapalibot ang mga bulaklak roon. May tumutugtog din ng violin sa isang gilid. May piano rin na nakatabi roon.

Marami-rami na ring tao. As usual, hindi ko sila kilala. Sa isang gilid magkakasama ang mga pinsan ko. Sila kuya James, Zeke, Cid, Lucy at Gaile. Gumala ang tingin ko at nakita ko si Jezel na kausap si Gorg. Poor Jezel, kung alam mo lang ginawa ni Gorg. My eyes wandered. Napalunok ako nang makita ko si lolo na may kausap na isang tao. Lolo is laughing at him. Iiwas na sana ako nang makita niya ako. Lolo nodded at me. Ibig sabihin kailangan kong pumunta sa pwesto nila ngayon.

Oh my God.

My heart beat is not normal anymore. Naririnig ko ang tibok ng aking puso sa aking tenga. Hirap na rin akong makalunok. Damn. Calm, Alegre. Calm.

“Lo.” I whispered.  Napayuko ako.

“Leigh, you must meet this young but successful businessman.” Gustong umirap sa pekeng tawang binigay ni lolo. Napaangat ako ng tingin sa sinasabi ni lolo.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon