Chapter 24- Last part [12/21/2014]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gwapo pa rin." Napangisi naman ako. "Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama ni Kurt?" Napawi ang ngiti ko ng mabangit niya ang pangalan ng lalaking 'yon.

"Ah tara na Chad malelate na ko eh." At nauna akong maglakad sa kaniya. Ayoko munang pag-usapan. Huwag muna ngayon. Nakarating ako sa room at halos lahat ng kaklase ko ay nandoon na. Lalo pa kong nalugmok ng makita yung isang bungkos ng bulaklak sa upuan ko.

Narinig ko ang bulung-bulungan  ng lahat ng makita 'yon. This is the 5th time I received a bouquet of flowers at hindi ko na naman alam kung saan iyong itatapon. Hindi ba siya napapagod? Ako kasi pagod na. I saw him yesterday talking with Aliena and I felt betrayed again. Sinungaling siya. Nakita ko pa silang nagngitian sa isa't isa. Ang sarap nilang pag-umpugin!

"Gusto mo Lira?" Tanong ko sa babaeng katapat ko at inalok yung bulaklak sa kaniya.

"Talagang binibigay mo Margo? Sige ba!" At tinanggap nito ang bulaklak. Napatingin naman ako sa direksyon ni Wheyi at halatang nagtaka ito. She don't know anything. Saka ko na sasabihin sa kaniya pagnasettle ko na ang lahat ng maayos.

Lunch break at umuwi si Wheyi dahil naiwan niya ang project niya sa economics kaya mag-isa lang akong pupunta ng cafeteria. Sakto namang pagpasok ko ay nakatingin siya, silang dalawa sa akin. Nakita ko ang mata ni Aliena na seryosong nakatingin sa akin. Na inis naman ako lalo sa kaniya.

Tumayo si Kurt pero agad naman akong tumalikod. Wala akong oras na kausapin siya. Nagiging ayos na sila ni Aliena hindi ba? Ano pang kailangan niya sa akin?

Kinabukasan nakatanggap ako ng mensahe na naibigay na raw kay Kurt yung copy ng divorce papers naming dalawa. I already have mine at napirmahan ko na rin na walang pagdadalawang isip.

Umaga na at handa na kong pumasok ng makita ko siya sa labas ng bahay naghihintay. Naningkit ang mata ko. Anong ginagawa niya rito? Agad niya naman akong nakita at halos lumundag ang puso ko ng makita ko at matitigan ko muli siyang mabuti.

"What are you doing here?" Umayos ito ng pagkakatayo at ngumiti ng maaliwalas.

"Sinusundo kita." Nagtaas ako ng kilay.

"Hindi na kailangan may driver kami." Napawi naman ang ngiti nito at nagulat ako ng lumapit ito sa akin at hinigit ako sa pulso. Pinilit kong pumalag. Langya may balak ba itong kidnapin ako? "Bitiwan mo nga ako!"

Hindi siya umimik at binuksan ang pintuan para ipasok ako sa loob. Tiningnan ko naman siya ng masama ng makapasok na rin siya. Tangkang bubuksan ko na naman ang pinto ng hinila niya ang seatbelt sa tabi ko at kinabit iyon kaya hindi ako makagalaw ng maayos.

"Ano bang problema mo?!" Galit kong sigaw sa kaniya. Tinangal ko rin yung pagkakaseatbelt sakin pero hindi ko matangal. Sinimulan niyang paandarin ang kotse niya.  "Bababa ako!"

"Edi bumaba ka hindi kita pipigilan." Diretso niyang tingin sa kalsada. He's driving too fast na tipong nasa karerahan kaming dalawa.

"Then stop this car, now!"Imbis na pabagalin ay mas lalo niya pa itong pinabilis. Nakakainis dapat yung mga taong ganito ay hindi pumapasa na makakuha ng driver's license."Do you want me dead?" Nagulat ako ng bigla nitong itigil ang kotse niya at napatingin sa lock ng pintuan na hawak ko na.

"Are you that eager to stay away from me huh Margo?" Kulang na lang ay murahin niya ko sa itsura niya ngayon. He's frustrated, damn frustrated.

"Kung sabihin kong oo makakaalis na ba ako?" Matiim ko siyang tiningnan at hinintay siyang sumagot pero tanging paghampas sa manibela at mahinang pagmura ang sinagot nito.

"OUT.NOW.GO.RUN" Madiin nitong sinabi at marahan niyang tinanggal ang pagkakalock ng pintuan sa gilid ko. "Now go you can leave" Naramdaman kong parang may bumara sa dibdib ko ngayong nakikita ko siyang nahihirapan. He has his freedom once na maging okay na ang lahat but why is he chasing me? Wala na naman siyang mapapala sa akin.

"Tss sige pag-usapan natin ang lahat ngayon. I want a proper closure after all" Huminga muna ako ng malalim "Natangap mo na ba yung divorce papers?"

Lumingon naman siya sa akin at may kinuha sa tabi ng pintuan niya "Ito ba?" sabay pakita nung brown envelope at labas ng papael na nasa loob non. "I already signed it"

Para namang pinukpok ng martilyo yung puso ko. Without hesitations eh pinirmahan niya. Just like what I did siguro dito na nga talaga matatapos ang lahat. Pero umasa ako eh umasa ako na kahit papaano eh hindi niya yun pipirmahan. Umasa ako na may pag-asa  pa eh pero yung kakapirangot na pag-asa na yon ay naglaho na rin.

"Good." Ngumiti ako sa abot ng makakaya ko.  Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya pero ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa. Pinunit niya ito hanggang sa maliliit na piraso he put it again inside the envelope at ibinigay sa akin.

"Anong ginawa mo? Bakit mo pinunit?" Nagkibit balikat ito na tipong wala siyang ginawang kahit ano. I really try hard to restrain myself to punch him hard on the face.

"I don't agree having a divorce with you Margo. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?!"

"Naiintindhan ko ang lahat Kurt. Tanga na ko kung di ko pa maintindihan na hindi ako yung mahal mo. Kaya nga I'm setting you free. Your freedom is all yours 'di ba 'yon yung gusto mo? Ayan na binibigay ko na sa'yo."

"Sinabi ko ba 'yon sa'yo? May na bangit ba ako tungkol sa bagay na 'yon ha Margo? Tell me! Ganyan na ba kakitid ang utak mo ngayon? Ano ngayon kung bumalik si Aliena, ano ngayon? May sinabi ba kong papakawalan kita? May sinabi ba kong mahal ko siya? Wala Margo yet you concluded everything without hearing my side properly!" Huminga siya ng malalim at matiim akong tiningnan.

"Hindi ka sumagot nung tinanong kita."

"Yeah right cause I'm also confused. Pero narealize kong hindi ko kayang mawala ka.  Sabihin na nating tama ka. Tama kang nagustuhan kita dahil sa kanya nung una but then I realized matagal na iba ka sa kanya, hindi kayo magkapareho. She's kind and you're not, she acted prim and proper and you're not, she never shouts and you, you always shout at my very face, she's patient and you are stubborn, and most especially she's my past and you are my present. That's a very big difference Margo."

"You're just insulting me idiot." Lalo akong nainis sa sinabi niya. At hindi ko na alam kung saan tutungo itong pag-uusap na ito.

"Nakapag-usap na kami ni Aliena and we settled everything. Lahat ng hindi naming pagkakaintindihan noon."

"Yeah and acting lovey dovey after that. Ganyan  ka naman Kurt, sinungaling." Bitter na bitter ang boses ko ng sabihin 'yon. Naalala ko na naman noong magkasama silang dalawa. Bumalik na naman yung galit kong kaninang pawala na. Magsama silang dalawa! Mga taksil! Grrr. "Bakit hindi na lang kayong dalawa ang magpakasal pagkatapos ng divorce natin."

"At sinong nagsabing magdidivorce tayo?"

"Bibigyan ulit kita ng panibagong kopya Kurt."

"Ganun pa rin ang gagawin ko Margo. Hindi ako papayag. "

"Ano ba sa gusto ko ng makipaghiwalay sayo ang hindi mo maintindihan? Gusto mo bang isa-isahin ko pa sayo lahat?" Binuksan ko na yung pinto at lalabas na talaga ako "I'll give you another copy tomorrow siguraduhin mong maibabalik sakin 'yon ng maayos Kurt."

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay hinila niya ko pabalik and he sealed my lips with his. Hindi ako nakapagreact agad. Nilalaliman niya ito at hinigit pa ko lalo papalapit sa kaniya. Pinilit ko siyang itulak ng bumalik ako sa tamang wisyo pero mas nilapit niya ako. Hanggang sa mismong ako na ang sumuko at nagpaubaya.

Sunod ko na lang naramdaman ang pagluwag ng hawak niya sa akin at paglayo ng labi niya. He wiped something from my cheek and as if doon ko lang napansing umiyak pala ako. Marahan niyang hinaplos ang magkabilang pisngi ko and kissed me gently on my forehead.

"Mahal Kita Margo. I know na mahal kita, Aliena was my past at ni katiting ay wala na kong nararamdaman para sa kaniya. Nakumpirma ko na 'yon. She wants us happy matagal na siyang nakamove on. Please Margo ngayon lang paniwalaan mo ako." May pagsusumamo sa boses nito. Punong-puno ng emosyon ang titig nito sa akin.

"Kung susugal ba ko ulit Kurt hindi mo ba ko iiwan?" Ngumiti ito at marahang tumango.

"Matagal na kong sumugal Margo, ikaw na lang talaga ang hinihintay ko."

At doon ko naramdamang maging totoo sa sarili ko. I burst into tears at mahigpit siyang niyakap. Sana tama na 'tong desisyon ko kasi ayokong pagsisihan ito sa huli.

"Let's get married again Margo" Hindi ako nakasagot agad at tumango lang ng tumango.

Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon