Chapter 37 Situations

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pero what if kunwari, si Mr. Lopez ang father mo. Tapos ikaw pala yung successor? What will you do?” tanong ni Cheska.

“Ikaw Francheska. Your Imagination is so wide and wild. Drop the topic na nga.” Sabi ni Shanaki.

“I was just asking. Anything is possible kaya. Tch!” sabi ni Cheska.

“Hindi yan. Mahirap kung tatay ko si Mr. Lopez no kasi kapatid ko si Anya, pano yon diba? Pano si Cade? Baka bigla siyang maguluhan. Chaka bakit si Anya tinanggap niya bakit ako binabayaan niya na lang. He’s not my father.” Sabi ko na lang tapos ngumiti.

“Well, You have a point. Lets change the topic na nga lang. So kamusta ang pagpunta mo kay Cade?” tanong ni Shanaki.

“Ah. Kay Cade? Wala daw siya sa bahay nila eh. Si Ate Bea nga mukhang iniiwasan din ako. or Feeling ko lang. Miss na miss ko na si Cade, hindi man lang niya balaking magpakita sakin. :(“ sabi ko ng malungkot.

“Baka kasi disguise nila yon para hindi mo malaman yung surprise nila for you. We know Cade, kapagnagmahal yon todo effort no. kaya for sure may surprise yon sayo. Patience is a virtue my girl.” Sabi na lang ni Shanaki. Totoo rin naman sabi ni Shanaki pero bakit pakiramdam ko may mali?

Tinawag na kami ng secretary ni Mr. Lopez tapos ay nagsimula ng magfinalize ng for event. Maraming guest ang pupunta, mostly sa business. Ang invited ko lang naman kasi ay ang barkada. Naglast dress rehearsal ako ng gown ko. Ang ganda nung gown. bukas pupunta na kami ng tagaytay ulit. Haii… Makikita ko na ang mahal ko. Si Cade.

Following Day

ANIKA’S POV

Lahat kami nakasakay na sa van papuntang tagaytay. Complete ang kada except si Cade.

“Ate Bea, si Cade po?” tanong ko kay Ate Bea.

“Hindi ko alam eh. Im sorry.” Sabi na lang niya tapos ay umupo na sa harap ng van. Tumabi naman sakin si Tita.

“Anika, hinahanap mo ang boyfriend mo?” bulong niya sakin. Nagnod ako ng marahan.

“Hayaan mo muna yon. Sa relationship hindi sa lahat ng oras kelangan magkadikit kayo kelangan may space din.” Sabi naman niya. Umayos na ko ng upo, nagsimula ng umadar ang sasakyan at ako? tinitingnan ang mga bahay na madaanan naming. Bakit feeling ko may mali. Think positive Anika, wala yan.

“Anika, Im sorry for everything. You know I love you so much. Im sorry okay?” tapos niyakap ako ni Tita. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Pero hindi na niya ko pinasalita.

Tahimik kami sa loob ng van na parang may mga problema silang dinadala? Bakit hindi nila sabihin sakin ng malaman ko. Si Cade no where to be found. Bakit ganon?

Nakarating kami sa resort, pumunta sa kanya kanyang kwarto. Ako naman pumunta muna sa reception lobby.

“Mam, yung boyfriend niyo po andito kanina ah. Kaso umalis din eh.” Sabi nung receptionist. Bigla akong nabuhayan ng loob. Mukha ngang may surprise si Cade sakin. Napangiti ako ng di oras. Bukas its my big day.

Umalis na muna ako tapos ay chineck ko yung event area. Andon si Mr. Lopez kasama ng mga organizers. Ang ganda ng venue. Napakaswerte ng successor niya.

“Anika, you’re here. Halika…” sabi ni Mr. Lopez. Lumapit naman ako.

“So how do you find the area? Maganda ba?” tanong niya.

“Sobrang ganda po. Pareho po pala kami ng favorite color ng new successor niyo. Excited nap o ako for tomorrow especially to finally meet your successor.” Sabi ko naman.

“Hahaha! Of Course. Ikaw ba Anika? Any wishes pa?” tanong ni Mr. Lopez.

“Wala nap o. nabigay niyo nap o eh. Para ko na nga po kayong Papa eh. Yng sa papa ko Ill meet him… soon. Handa nap o ako.” sabi ko naman.

“Well that’s good. You can call me Papa Iha. Advance happy birthday for tomorrow. Sige na magbeauty rest ka na. bukas is your big day hayaan mo na yung ibang tao ang gumawa nito.

Nagnod ako tapos ay pumunta na sa kwarto ko.

Bukas nga big day ko na. Ano kayang pakulo ang gagawin ni Mr. Cade George Zamora? Kahit wala ng gift basta andyan lang siya for me. Masaya na ko eh. I know tomorrow will flow accordingly.

Nagayos muna ako ng gamit. Tingnan yung gown na susuotin ko tapos ay humiga na. Kahit bukas lang mararamdaman ko kung pano maging prinsesa. At sana bukas makita ko na agad ang aking prinsipe.

Humiga na ko tapos at unti unting pumikit. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RUN AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon