"Please stop, Stacie! He didn't cheated on me! Hindi ganoon 'yon." I said while sobbing.

He didn't cheated on me.

"Oh, he didn't cheated on you? Then what? He just fucking fell out of love?" Sarkastikong sagot niya sa akin.

Nakita kong inalis niya ang kamay ni Frei ng inilagay iyon sa kaniyang balikat upang pakalmahin siya.

"Would you really want to fail because of that man? Would you really want to shatter your dreams for that cheater?"

Umiling agad ako sa kaniya.

"That's where you are heading right now, Amara." Problemado niyang dugtong. "Look, I am your fucking bestfriend—we all are." Itinaas niya ang baba ko upang makita ko silang lahat. "We only want the best for you at nasasaktan din kami na nakikita kang ganiyan."

"I-I'm so s-sorry!" Umiiyak ko silang tinignan.

I didn't realized that they were hurting too because all I can see, feel is my pain. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala sila dahil sa ginagawa ko. Lahat sila ay inaalagaan ako.

I look at each of their eyes with too much 'sorry'. I saw the girls tearing up while looking at me.

"I-I'm really r-really sorry!" Umiiyak kong paumanhin sa kanila.

"It's okay, Amara. It's okay." Lumapit sa akin si Ajax at niyakap ako.

Pumikit lang ako at patuloy na humingi ng patawad sa kanilang lahat.

I felt all of their warm embrace while telling me that it's okay.

"I just can't accept it! I am an open book to Kai! I-I opened myself for him but then he— he fucking left me." I sobbed.

"Yeah he's a fucking dick." Ngumisi si Ajax. "You deserve more, Amara."

———

I am really praying hard to get an uno this finals. Ngayon na ilalabas ang final grades namin sa lahat ng subject.

Hindi ko pa binubuksan ang portal ko dahil sobrang kinakabahan ako dahil kapag bumagsak nanaman ako ay mawawala na ang scholarship ko para next year.

Sabay-sabay naming bubuksang pito ang portal namin mamaya para makita ang grades.

Sobrang anxious na ako dahil dito nakasalalay ang next year ko.

It's either goodbye, scholarship or hello, scholarship for me.

Nakita ko na ang ibang post ng mga estudyante tungkol sa grades nila mayroong mataas at mayroon namang bagsak pero nakuha pa din na ilagay iyon sa social media.

Pinaypayan ko ang aking sarili habang hinihintay ang iba kong kaibigan na dumating dito sa mall. Nandito ako ngayon sa isang cafe kasama si Ryko habang naghihintay.

"Galit pa naman 'yung isa kong prof sa akin, tsk!" Kinakabahang sabi niya.

Ang prof na tinutukoy niya ay iyong aksidente niyang namura dahil sa gulat.

"You'll be fine. You can take it again sa summer." Pampalubag loob na sabi ko sa kaniya.

Summer classes are expensive though. Ngunit mayroon naman siyang pera kaya maaari niyang i-take 'yon. Ako talaga ang may problema dahil wala akong pera pang summer kapg bumagsak ako.

"No way dude. Habang kayo ay masaya habang nagbabakasyon tapos ako ay nag-aaral? No effing way." Umiling siya.

"Asan na ba sila?" Takang tanong ko.  "Anong oras na!"

Dito sa mall namin naisip na tignan ang aming nga grades dahil kapag pasado edi masaya, kapag bagsak edi ice cream nalang.

Sa wakas ay magkakasunod-sunod na dumating ang lima na parang namatayan.

"Saan ba kayo galing? Napaka tagal niyo! Hay, Filipino time nga naman." Umiling sa kanila si Ryko na akala mo ay laging on the time dumadating sa gala namin.

Sabay-sabay kaming nag login sa University Portal. Kagat-kagay ko ang labi ko habang pumipindot. Huminga muna ako ng malalim. Tinakpan ko ang mata ko bago pindutin iyon.

"Yes!" Lalong nagpakaba sa akin ang sigaw ni Ryko na parang nanalo sa lotto.

Fuck!

Unti-unti kong inalis ang kamay ko mula sa aking mata.

Napanganga ako ng makita ang grades ko.

What the hell?

Pumasa ako? Pumasa ako!

Kunwari ay nanlulumo kong tinignan ang puro uno kong grades. Malungkot kong itinaas ang tingin sa kanila.

"It's okay Amara. Ambagan nalang tayo para sa summer class mo." Tinapik ni Ajax ang likod ko.

Ngumiti ako ng malaki sa kanila at ipinakita ang grades ko.

"Binabawi ko na pala." Umismid si Ajax.

Sa sobrang saya ni Ryko ay nilibre niya kami.

Ng tubig. Halos batukan na siya ni Stacie dahil bottled water lang ang ibinigay nito sa aming lahat.

"Rest room lang ako." Paalam ko sa kaniya at lumabas ng shop.

Wala kasing rest room sa loob ng shop kaya kailangan ko pang lumabas.

Pumila ako doon sa linya ng mga babae na mag re-rest room din. Pinipigilan ko nalang talaga ang ihi ko sa sobrang haba ng pila! Paano ba naman kasi ay puro tubig ang pinapainom sa akin ni Ryko!

Nang sa wakas ay turn ko na ay pumasok na ako agad sa isang cubicle at umihi.

Naghugas muna ako ng kamay sa may sink bago lumabas.

Kumunot ang noo ko ng makita ang isang pamilyar na babae na naglalagay ng concealer sa kaniyang labi.

Febbie?

Tinignan ko siyang mabuti sa salamin at nakumpirmang siya nga iyon.

Akala ko ba ay mayroon siyang cancer? Hindi ba dapat nagpapagaling siya ngayon?

Nasa pinakagilid ako kaya hindi niya ako nakita.

Lumabas ako agad ng Rest Room pagkatapos noon na gulong-gulo pa din.

"Where the hell is Febbie?" Narinig kong frustated na sabi ni Kai.

Tinignan ko siya habang siya ay nakasandal sa pader sa labas ng Rest Room ng nga babae.

Hinihintay niya si Febbie? Of course, Amara.

Parang kinurot ang puso ko dahil doon. He's waiting for Febbie. Dati ay ako ang hinihintay niya ngayon naman ay iba na.

Kinagat ko ang labi ko at kinuyom ang aking kamay.

"Ate Amawa?" Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng may isang cute na boses ang tumawag sa pangalan ko.

Isang maliit at cute na lalaki ang yumakap sa paa ko. Galing siya sa Rest Room ng mga lalaki.

"Thirdy, wait!" Narinig kong sigaw ni Gabe.

Umupo ako upang lumebel kay Thirdy.

Natawa ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng 'Ate Amawa' bulol kasi siya sa 'r'.  Kinurot ko ang pisngi niya at niyakap siya.

"Sorry, miss." Narinig ko ang nalapit na boses ni Gabe.

Tumingala ako sa kaniya at nakita na nagulat siya ng makita ako. Tumagos ang tingin ko sa likod niya at nakita si Kai na nag-iwas tingin sa akin at seryosong tumingin sa harap niya.

"Amara!" Nginitian ako ni Gabe.

Hindi ko pinansin si Gabe, ang pinagtuonan ko ng pansin ay si Thirdy na sobrang cute!

Crush ko na ata siya! Hintayin ko kaya 'tong lumaki?

"Kiss, ate Amawa!" Itinuro niya ang pisngi niya sa akin kaya natatawa ko siyang hinalikan sa magkabilaang pisngi habang buhat siya ng Kuya niya.

"Luh, inunahan pa ako," Hindi ko nalang pinansin ang bulong ni Gabe dahil ganiyan naman talaga siya lagi. "Ang bata-bata mo pa Thirdy chixer ka na agad?" Umiiling niyang sabi sa kapatid.

Loving the BadWhere stories live. Discover now