Masyado pa akong naguguluhan at nasasaktan sa mga nangyari kaya hindi ko muna siya kayang kausapin. Natatakot din ako sa magiging dahilan niya.








Paano kung nagsasawa na siya sa’kin? Kaya niya nahalikan yung magandang transferee na yon.












Tumulo ulit ang luha sa mata ko dahil sa masasakit na bagay na naiisip ko.

"Ang swerte naman ng iniiyakan mo." sabi ng babaeng katabi ko.








Tiningnan ko ito kaya ngumiti siya sakin.

Her smile can brighten anyone's mood
I mean nakakahawa, pero hindi ito tumalab sa akin.

"Here." sabi niya sabay abot ng kapirasong tissue.








Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba dahil hindi ko naman siya kilala.
Aishhh! Bahala na nga! Baka nagmamagandang-loob lang.









"T-thank you." ani ko sabay kuha ng tissue sa kamay nito.









"May problema ka ba? You can share it with me if you want to." Biglang sabi niya.







"H-hindi naman kita kilala eh." Nahihiyang sagot ko.









"Yun nga yun e. Hindi naman tayo magkakilala kaya wala akong karapatang i-judge ka kung magkwekwento ka, at tsaka tingin ko mukhang kailangan mo rin ng kausap."







Oo nga, wala namang masama kung magkwento ako. Tsaka hindi naman na siguro kami magkikita once na bumaba na kami sa bus na ‘to ‘di ba?







"I caught my girlfriend." panimula ko.

Kung makikita niyo ang itsura ko, para akong batang nagsusumbong sa nanay ko.











Nakita kong nagulat ito ng bahagya sa sinabi ko pero agad namang umayos ang mukha niya.

"Tsk, Taken." rinig kong bulong niya.

"You caught your girlfriend? Then what?" Sunod niyang tanong.






"I caught her kissing another girl." Pilit na sabi ko.









"Puta..." agad niyang tinakpan ang bibig niya at mukhang gulat na gulat ito.







Ilang minuto kaming natahimik dahil hindi niya rin alam ang sasabihin niya.

"You better talk to her." biglang sabi niya.






"Hindi ko pa kaya."






"You need to, maybe misunderstanding lang yon." Kitang-kita sa mukha nito na sincere siya sa bawat salitang binibitawan niya.







Bigla namang bumalik sa utak ko yung paghatak ni Coleen sa necktie ni Amy. Ibig sabihin hindi aksidente yon.







"But before you talk to her, kailangang ihanda mo ang sarili mo sa pwedeng mangyari." ani niya.





Napadoble ang lunok ko sa sinabi nito.

"Dalawa lang kasi yun ee. Una, baka nagawa niya yon dahil ano... ano ba yung sasabihin ko? Ahh basta!"







Miski siya hindi niya maipaliwanag kung bakit nagawa ni Coleen yun.

"Pangalawa, kaya niya siguro nagawa yun, maybe she's cheating on you"





"Stay with me" Where stories live. Discover now