"Bat kasi hinintay mo pa kami? Pwede ka naman ng mauna" Sagot ko naman. Kanina pa kasi nauna sa may dalampasigan sila Marian.






"Na-OOP ako sa kanila lahat sila may jowa ako lang ang wala... Si Ally naman di ko masabayan ang mga sinasabi ang talino niya masyado" Reklamo nito.





"Ahahaha... Ano kaba, ganon lang talaga yung si Ally pero baliw-baliw din yun gaya ni Marian" Sagot naman ni Diana.





Grabe ang daming tao ngayon. Malapit narin kasi tag-init kaya nagsisidagsaan narin ang mga tao.






"Excited na ako!!" Saad ni Carly habang naglalakad kami patungo sa cottage namin. Natanaw naman na namin sila Marian na nagpapaturo na magsurf.







"Kelangan ba talagang ganyan ang suot mo?" Tanong sakin ni Diana habang tinitignan ang kabuoan ko. Naka-black two pieces swim suit kasi ako samantalang siya naka-swimming trunks and cycling.







"Pangit ba?" Tanong ko habang naglalagay ng sun block agad din naman niya akong tinulungan.







"Hmmm.. Hindi man ang ganda mo nga lalo dyan kaso lang ayaw ko lang pag piestahan ka ng mga tao dyan sa labas" Saad nito. Napangiti naman ako kasi halata namang nagseselos siya.






Mabilis naman akong humarap sa kanya saka ikulong ang kanyang mukha saking dalawang kamay. Bago ko ito ginawaran ng isang halik sa labi.






"Babe kahit tignan nila ako.. Hindi nila ako makukuha kasi sayo lang ako okay?" Saad ko rito.






"Isang kiss pa pala" Nakangiting request nito.







"Geez! Sa susunod talaga magdadala na ako ng jowa ko" Singit ni Carly. Napailing nalang kami ni Diana pambasag moment talaga siya kahit kailan.






...








"Woah! Ang saya!!" Sigaw ni Carly at Diana matapos nilang magawa ng suwabe ang pagsusurf kani-kanina lang at ngayon ayy Kakaahon lang nila.






"Babe nakita mo yung kanina?" Masayang tanong sakin ni Diana.






"Opo... Ang bilis mo ngang matuto ehh" Tugon ko ako kasi ilang beses akong nahulog sa surf board pero nakukuha ko narin naman na ang technique.






"Gusto kong bumalik dito" Saad niya. Habang nakatingin sa dagat na marami paring nagsusurf.






"Ako rin..." Saad ko bago tumayo.







"Nagugutom na ako Babe.. Tawagin mo na sila Marian at kumain na tayo" Dagdag ko pa.







"Sige.. Pero bago yan picturan muna kita mukha kang modelo dyan ehh.. Pang-wallpaper ko lang" Saad nito saka inilabas ang kanyang cellphone at ininapat sa akin.







"Oy! Sama din ako" Singit ni Carly saka din ito nag pose.






"Kami naman ang kuhaan mo Carly... Para may picture din kami" Saad ni Diana bago inabot ang phone nito kay Carly.






____________________________







"Carly, wala na pala masyadong stocks dito?" Saad ko habang naghahanap sana ng sabong panlaba. Ilang araw narin since nakauwi kami galing sa La Union vacation namin and super saya ng experience namin.






Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon