*Js prom

89 1 0
                                        

Ilang buwan nadin simula nung  magsimula akong magiwan ng white rose with note sa locker niya.

Everytime na nababasa niya yun napapangiti siya. Sana kaya siya ngumingiti, ay dahil alam niyang ako yung nagiiwan lage nun sa locker niya.

Three days nalang js prom na namin. Balak ko nadin magtapat sakanya na ako yung nagiiwan ng rose with note sa locker niya. Bahala na kung ano maging reaction niya.

Nagiwan ulit ako ng white rose with note sa locker niya bago ako pumasok sa room namin.

“Everytime I see those smile of yours, my heart starts to beat fast..

Goodluck sa quiz mamaya crush :) Ingat” ayan ang nakalagay sa note and as usual pagbasaniya nagsmile nanaman siya. And as written on the note my heart beats fast. And I love this feeling.. wahahahha

Mabilis na lumipas ang araw. bukas na ang aming Js prom. Kabado ako kase hindi ko pa alam kung pano ko sasabihin sakanya kase for sure maraming babae ang isasayaw niya, sana isa ko dun para magkaroon ako ng pagkakataon na sabihin sakanya.malandi na kung malandi gusto ko na malaman niya, bahala na kung after nun iwasan niya ko or what atleast nasabi ko.

Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nagiisip ng sasabihin ko sakanya. Basta sa gabing yun sasabihin ko na talaga sakanya. Makabagong panahon na ngayon no babae na ang nanliligaw. Hahaha

“Maganda na  po ba ako?” tanong ko sa mommy ko

“oo naman anak, syempre prinsesa ka namin e” “enjoy the night anak, ihahatid kana ng daddy mo sa venue”

“Thank you mom, I love you.”

“I love you too, sige na sige na baka malate kapa”

Nagkiss na ko kay mommy at nagwave ng goodbye tsaka sumakay sa kotse.

Pagdating sa venue maguumpisa na ang program,dali dali naman ako pumila sa linya ng mga girls kung saan isa isa maglalakad papunta sa aisle para imeet ang magiging partner nila for the night.

Maya maya lang nagstart na nga ang program, Nung ako na ang maglalakad todo wish ako na siya ang makapartner ko. Syempre naman no para masabi ko na sakanya.

At mukang mahal talaga ko ni God kase siya nga ang partner ko. ngiting ngiti akong naglakad papalapit sakanya. Hanggang sa mapunta na kami sa gitna.

“Hi, Nicole ang ganda mo naman” sabe niya and he offered his hand to me.

Syempre lalo naman lumaki ang smile ko at ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Sabihan ba naman ako ng maganda ng crush ko e. hahahaha.

“ Uhmm, Karl may sasabihin sana ko sayo mamaya e.”

“Ah ano yun? Di ba pwede ngayon na?

“Mamaya nalang “ at nagsmile ako. Syempre mas maganda kung mamaya nalang no. mahaba haba ang sasabihin ko kulang ang oras kung ngayon na kase maglalakad lang naman kami papunta sa pwesto namin e. hahaha

“Ah ok” at binitawan na niya ang kamay ko, naihatid na kase niya ko sa pwesto ko then pumunta na siya sa likod ko dun kase pinapapwesto ang mga boys sa likod ng partners nila.

Nung makapwesto na ang lahat. Konting program lang at nagsikainan na. after ng kainan sayawan na. at dun na ko magtatapat sakanya XD sana yayain niya ko magsayaw. Sana di niya nakalimutan yung sinabi kong may sasabihin ako sakanya.

Pero nung magsimula ang sayawan nakita kong may kasayaw na siya. Ang sweet sweet nila, kung titignan mo parang may relasyon sila. Nanikip naman ang dibdib ko at lalo akong nasaktan nung nakita kong hinalikan niya yung babaeng kasayaw niya. akala ko wala siyang gf. Akala ko may pagasa ko. Di ko napigilan tumulo na ang mga luha saking mga mata. Wala na kong dahilan para magtagal pa sa event na to. Tumakbo na ko palabas ng venue habang yung mga luha ko walang tigil sa pagtulo. Masyado akong nasaktan. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa…

“Anak, gising na tanghali na. Magbrebreakfast na tayo”

Hayy Panaginip lang pala. Parang pinanghinaan ako ng loob. Ituloy ko pa kaya ang pagtatapat sakanya? 

she COURTS him[SHORT STORY]Where stories live. Discover now