Sabi nila sa buhay daw kailangan mong tanggapin lahat ng nangyari sayo, masama man o mabuti. May mga bagay na pangmatagalan at pangmadalian lang.
Pero bakit ganon? Parang ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo? Wala naman akong ginawang mali. Dahil halos ata lahat ng bagay na importante sa akin nawala na.
Naranasan mo na rin bang paulit-ulit magbigay ng chance sa isang taong paulit-ulit ka lang ring sasaktan? Sakit di'ba? Kumbaga sa bawat pagkakamali nya, tinatanggap mo ulit siya kasi may paniniwala ka pa ring magbabago sya. Pero may part sa isip mo na alam mong masasaktan ka lang ulit. Mahirap oo. Ay talaga.
Sabi pa nga nila wag daw ipagkait sa isang tao ang second chance. Eh paano yun? Ilang second chances na ang naibigay ko. Ba't sinasayang lang?
I am Irithel Del Puerro, 25, still young to face trials alone. All I want in my life is to be free from any hatreds, I just want to be loved and enjoy living in this cruel world where everybody will judge you.
Ulila na ako. My parents died because of a car accident. Parang ako na rin ang pumatay sa sarili kong mga magulang. Dadalhin nila ako noon sa ospital because of my lung cancer. I was a ten years old that time. Di ko rin maintindihan kung bakit ako pa ang nabuhay at sila ang nawala. I am their only daughter kaya masakit sa kanila pag mawala pa ako.
Ang tanging naaalala ko ay noong dalhin na kami sa ospital at dead on arrival sila samantalang ako ay nag-aagaw buhay. I thank God that I'm breathing, still breathing.
Lumaki akong yaya ko na ang nagpalaki sa akin, but now I am calling her as my "nanay". Di nya ako iniwan at di nya sinamantala ang mga bagay na iniwan sa akin ng mga magulang ko.
I grew up not depending on someone. Kumbaga tinuruan ako ni Nanay Lylia na palaging isaisip na lahat ng tao ay iiwan ka, yung iba biglaan, yung iba mag-istay ng matagal sa buhay mo tapos bigla ka na lang iiwan.
Lahat ng bagay na tinuro ni Nanay Lylia sa akin ay nawala kasabay ng pagkamatay nya. She was died when I was 16. I lived alone. Mag-isa sa bahay, mag-isang kumakain. I feel depressed and weary all along.
Then I met Zyrus. He came when I was 17, and he loved me. Pinaramdam nya sa akin muli ang sigla at kulay ng buhay. I always asking God bakit sa akin nangyari ang lahat ng yun.
I never became a bad person naman kaya ayun palagi naiisip ko. I survived lung cancer with Zyrus. Akala ko mawawala na ako sa mundo. Ayoko pang iwan si Zyrus, masyado pang maaga. Si Zyrus ang taong umabot sa kin mula sa malalim na pagkakahulog.
He was my angel, my life, my love. Pinaranas nya sa akin ang mamuhay ng masaya na walang ibang iniisip na problema.
"Irithel, I promise that I'll marry you someday. Iiwan natin ang lahat ng masasamang pinagdaanan mo noon at mamumuhay tayong masaya at payapa."
Mga salitang binitawan sa akin ni Zyrus, that was on our 4th anniversary, January 14, 2016.
But suddenly it was just a promise. Sabi nga nila those promises are meant to be broken.
"Thel pagod na ako eh. Pagod na ako sa laban na 'to". he said.
"Sumusuko ka na Zy?" I asked.
"Sorry Thel, I'm tired. We need space."
At pumayag ako noon sa gusto nya.
I gave him the space that he always wanted. Di ako nang-abala. Di ako nagparamdam. Kahit gustuhin ko.
YOU ARE READING
The Art of Letting Go
Teen FictionOne shot story. A time to let go and a time to heal the broken heart.
