"Daig pa kasi ang babaeng may menstruation 'pag badtrip. " mahinang bulong ni Marvin, takot baka may makarinig. Hahahaha

"Tsh. " singhal ko na lang.

Dumating na sa table namin si Adrian kasabay ng babaeng staff ng school na bitbit ang mga pagkaing inorder ni Adria. Shems! Dami.

Uumupo naman siya sa may harapan ko nang matapos ng ilagay ng waitress ang foods sa table.

Lumingon siya sakin at ngumiti. "Eat. " utos niya sakin.

"Thank you. "

Sabay sabay kaming kumaing apat. Habang nagkwekwentohan silang tatlo ay tahimik lang ako. Hindi ko kasi kilala ang pinag-usapan nila. Thats why!

Nang matapos na kaming kumain at napagdesisyonan naming tatambay muna since may 1 hour pa kaming vacant.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag at inopen ito. Mabuti talaga ay hindi ko 'to nakalimutan. Phone is life kaya.

At dahil na o-op ako sa kanila ay inopen ko ang app na Mobile Legends para makapaglaro saglit. Actually, cancerous pa ako kasi bago lang ako tinuruan ng magaling kong boyfriend. Ang sweet namin, 'no?

Pag-open na nito ay nag-loading pa sandali at pinapili ako kung ano ang lalaruin ko. Classic lang ang pinili ko at pumili na rin ako ng hero. Si Mia ang ginamit ko kasi sa kanya lang ako magaling. Hehezz.

'Welcome to Mobile Legends. Five seconds 'til the enemy reaches the battlefield. Smash them! All troopes deployed.' sabi ng babae sa phone ko.

'You can't run from my arrow. ' ani Mia, ang hero na gamit ko sa laro.

Napansin kong may tumabi sakin pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Shet! Ang hina naman ng mga kasama ko, buseeet! Ano ba 'to! Nakakastress. Bobo! Weak! Pinagpawisan ako sa kanila. Gosh. Kastress talaga sa bangs.

'Defeat! ' sabi ng babae sa phone, operator ata ng ML.

Ehdiwaw sayo, teh. Edi ikaw na! Bagay kayo ng hero na pangit. Sino nga ba yon? Si Almond? Oo, bagay kayo! Buset ka!

Pabagsak kong nilapag ang phone ko sa table at nilingon ang tumabi sakin.

"Cancer. " giit pa niya.

"So what, Eyan! "inis kong singhal kay Adrian.

Nabubuset parin ako sa mga kasamahan ko kanina. Ang mga weak!

"Tsk tsk tsk. " iiling iling na singhal niya sabay balik sa kinauupuan niya kanina na nasa harap ko.

"Ang weak kasi ng kasamahan ko, Eyan! Kaya umayos ka dyan! " kunot-noong baling ko sa kanya.

Tumawa naman siya. "Baka ikaw 'yong weak? " mayabang na pambwi bwiset niya.

"Ako? Shet! Kaya pala ang dami kong napatay, 'no? " i said sarcastically.

"Marami nga, Mga minions naman. " rinig kong bulong niya.

"Minions? Asan ang minions don? Wala namang color yellow'ng kumakanta ng BABABA BABA BANANA don, a! Wala kang alam! Ibang laro siguro yang tinutukoy mo. " inirapan ko naman siya.

Pagkasabi ko non ay sabay-sabay silang tatlong humagalpak ng tawa.

Inis kong nilingon si Irithel gayundin si Marvin na halos mangiyak-ngiyak kakatawa.

"What's so funny?! " magkasalubong ang kilay na reklamo ko. Hindi naman ako pinansin ng katabi kong si Irithel na tatawa tawang umiiling.

"Excuse me. " natatawang paalam ni Marvin. Saan naman kaya ang punta non? Cr ata. Baka natatae na kakatawa dahil maraming hangin ang nahigop! Bwiset!

"First timer, huh? " mayabang na ani ng kaharap ko.

Inirapan ko lamang siya.

"You really need to be trained...well, Miss Frost. "

"Tse! "singhal ko dahilan para mapatawa siya ng bahagya.

"Nako, Van. I bet magpaturo ka sa pinsan ko mag-ML. Legend na ang rank niyan. Ako kasi Master palang at si Marvin naman ay Grandmaster pa. " pagmamalaking ani Irithel.

Inirapan ko siya. "Whatever. Elite naman ako. "pagmamalaki ko sa rank ko kahit hindi alam kong anong ibig sabihin n'on. Basta yon ang sabi sakin ni Hubert, e. Elite daw ang rank ko for now.

Feeling ko mas mataas ang rank ko sa kanila dahil mukhang napakasosyal ng name na ELITE kesa sa grandmaster, master, legend, or so whatever.

Tumawa na naman ang mag pinsan dahilan para bumaling ako sa kaharap kong parang aso. "Ano ba?! What's so funny, Adrian? "

"Nothing. Don't worry I'll train you how to play that game and also ipakilala kita sa mga minions. I bet hindi ganon ka galing, gaya ko ang trainor mo kaya ganyan ka. " ngingiting offer niya, nagyayabang.

"Yun oh! " tawa ni Irithel sabay kindat sakin.

"Ano, Deal? " tanong ni Adrian sabay lahad ng kamay. Tiningnan ko lang ang mga kamay niyang nakalahad sa harap ko. "Tuturuan kita and after that we'll play. You vs me. Kapag nanalo ako magiging alalay kita in a week tas pag ikaw naman ang mananalo, I can be your handsome personal alalay. Deal? " naghahamong paliwanag niya.

Mayabang na may halong angas ko naman siyang tiningnan. Siyempre dahil pinanganak akong palaban. I'll agree. Total mas mataas naman ang ranggo ko kesa sa kanya, i guess.

"Deal. " at hinablot ko ang kamay niya para makapagshakehands. Titig na titig kami sa mata ng isa't isa na may halong confidence. "May the best man win. " taas kilay kong hamon.

Nakita kong tumaas rin ang kabila niyang labi. Tsk, demonyo! Sexy Demon. Chos!

>>>♡<<<

Hopelessly AddictedKde žijí příběhy. Začni objevovat