“Prologue...”
It was a rainy evening, cold wind and a dim lights in everywhere. Bumaba ako ng bus at dinama ang malamig na ihip ng ulan. Bitbit ang payong at iilang bagaheng pumara ako ng tricycle. Bakasyon ngayon kaya naisipan kong umuwi ng probinsya upang makapag-relax. Masyado ng nakakasulasok ang usok at hangin sa syudad kaya napagdesisyonan kong umuwi muna sa pamilya ko.
"Kumusta ang Maynila, Dawn?" Kinaumagaha'y agad na tanong ni Inay. Abala ito sa paghiwa ng ilang karne. Nginitian ko s'ya at niyakap mula sa likuran.
"Ayun po, masyadong toxic na. Puro usok din," ani ko nang bahagyang natatawa-tawa.
"Gano'n ba? Wala pa rin pa lang pinagbago. E ang pag-aaral mo ro'n, kamusta?" sambit nito.
"Maayos naman po. Nangunguna pa rin kaya kailangang mas doblehin ang pagsisipag," wika ko at tinulungan na s'ya sa pagsisindi ng kalan.
"Mabuti naman kung gano'n. Basta, h'wag mong sasayangin ang pagpapaaral ng kapatid mo sa iyo ha? Tulungan mo rin s'ya roon," wika ni Mama saka ako niyakap nang mahigpit.
Hindi ko alam na 'yon na pala ang huling sandali ko na mayayakap si Mama. Hindi ko alam na 'yon na pala 'yong huling pag-uusap namin.
Nagpatuloy ang ulan kinagabihan. Halos tulog na ang lahat. Simple lang naman ang buhay namin sa probinsya. Kakain nang sabay-sabay at matutulog nang magkakatabi. Dahil nga maulan, maagang nakatulog ang lahat.
Isinara ko na rin ang pinto namin dahil pagkatapos kong makausap ang kapatid ko sa Maynila'y matutulog na rin ako. Nagsimula na akong pumikit ng makarinig ako ng iilang ungol sa labas ng bahay.
Bumangon ako't kumuha ng kutsilyo mula sa kusina't dumeretso sa labas. Madilim at wala naman akong maaninag. Bumuntong hininga ako. Wala namang tao.
Ngunit halos manlamig ang buong sisitema ko nang marinig ang nakakapangilabot na sigaw ng pinakamamahal kong ina. Nanghihina akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang halos naliligo na sa dugo ang nanay ko't ilang pamangkin.
Mabilis kong inanduhan ng saksak ang lalaking nakatalikod at abala sa pagsaksak sa isa kong pamangkin. Luhang-luha na ang mga mata ko't puro hikbi. Wala akong tigil hanggang sa halos mabaklas ko na ang likuran ng lalaking pumasok sa bahay namin.
"Walang hiya ka!" Patuloy na sambit ko habang patuloy na sinasaksak pa rin ang lalaking pumatay sa Ina ko't pamangkin ko.
"Tama na 'yan! Tama na 'yan!" Umiiyak na wika ng Ate ko habang inaawat ako sa likuran. Si Ate Marjorie.
Nanghihinang napatingin ako sa mga palad ko. Puno ng dugo't pulang-pula. Ano itong nagawa ko? Ngunit mabilis akong bumangon mula sa pagkaka-upo't dinaluhan ang nanay kong wala ng buhay.
Tila winasak ang buong pagkatao't buong buhay ko. Wala na 'yong taong pinanghuhugutan ko ng lakas at inspirasyon. Binawi ito ng walang awang lalaking patay na ngayon. Nanlaki ang mga mata ko nang pagsasapakin ako ni Ate Marjorie.
"Walang hiya ka! Walang hiya ka. Pinatay mo ang asawa ko! Walang hiya ka," patuloy s'ya sa pagsapak sa akin. Hindi ako makabawi sapagkat nanghihina na ang katawan at isip ko.
"Hayop ka! Magbabayad ka!" nagpupuyos ito sa galit at patuloy sa pagsapak sa akin.
Hindi ito agad maproseso nang maayos ng utak ko. Parang sa isang iglap nawala sa akin ang lahat. Maya-maya pa'y tumigil na ito sa pagsapak sa akin at naupo sa gilid habang patuloy sa pag-iyak. Habang ako? Nakatulala sa kawalan habang yakap-yakap ang wala ng buhay na si Inay.
Wangwang ng pulis ang una kong narinig. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko na tila ba'y hindi sila napapagod. Sa wakas, nandirito na sila upang sumaklolo ngunit mali ata ako...
"S'ya! S'ya ang ikulong n'yo!" Turo sa akin ni Ate Marjorie. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.
"Ate, hindi 'to tama. Alam mo kung anong nangyare! B-bakit?" Lumuluhang patuloy na sambit ko.
"Iyan ang kriminal. Isama n'yo 'yan!" Walang emosyong wika nito sa akin.
Tila'y mas masakit pa ang nararamdaman ng puso ko kesa sa sakit na nararamdaman ng buong katawan ko. Pagod na pagod ako.
Kahit na anong pilit kong sabihin na, self-defense lamang ang ginawa ko'y ako pa rin ang kinuha ng mga pulis. Tila naging bingi sila sa mga sinasabi ko.
Pinagtitinginan ako ng mga kapitbahay namin. Diring-diri at halos lahat ay nagbubulungan. Para silang mga mangmang sa pangingin ko. Nagkukwentuhan ngunit wala namang naintindihan.
Sumama ako sa pulis. Nakarating kami sa pulisya. May iilan silang itinanong sa akin ngunit wala akong maintindihan. Ang gusto ko'y yakapin ang nanay ko. Muling tumulo ang mga luha ko.
Nakita ko na lang ang sarili ko sa loob ng selda. Masikip. Nakakasulasok na parang Maynila. Andaming tumitingin sa aking mga preso ngunit nasa gilid lamang ako.
Masyadong malupit ang hustisya. Masyadong mapaglaro ang ang tadhana. Ang gusto ko lang nama'y magbakasyon. Parang no'ng isang raw lang ay masaya akong uuwi na sa amin at makakasama sila Mama. Ngunit bakit heto ako ngayon? Ako pa ang nagmukhang kasumpa-sumpa.
"Hoy! Anong pangalan mo?" Tanong ng babaeng medyo may katabaan.
"D-dawn po," ani ko.
"Ilang taon ka na?" Dagdag nito.
"D-dise otso ho," umiwas ako ng tingin.
"Nako! Batang bata! Magandang alipinin ito ni Louise," umugong ang tawanan ng buong preso.
Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Kaya nanahimik ako sa tabi.
"Nakapatay daw 'yan e," wika ng isa pang babae.
"Aba'y matindi. Ang bata pa,"
"Mamaya paniguradong sisintinsyahan iyan ni Louise," wika naman ng isa.
Hindi ko sila pinansin. Sino bang Louise? Bahagya man akong kinabahan ngunit hindi ko ipinakita. Napapa-isip pa rin ako. Paano nagawa sa akin 'to ng sarili kong kapatid? Sana'y maka-alis na ako rito.
Paki-usap.
YOU ARE READING
I'm Inlove With The Criminal
ActionIt's a lesbian story that you can't run away with. [May 15, 2020]
