"Oh Lily ayusin mo na yung mga gamit sa likod ng sasakyan para makaalis na tayo baka abutin pa tayo ng ulan" sabi ni papa.
"Sige po wait lang Pa at ang likot ni kambal walastek! Ayaw umalis sa dinadaanan ko! Ayaw ako padaanin!"
Paalis kami ngayun pupunta kaming Laguna kay tita Milagros ihahatid ako nila papa buong pamilya! Men kasama! Lima kaming magkakapatid pangalawa ako si kuya Andrei, sila kambal at yung baby namin na si Nice. Palaging kasama ni papa si kuya katulong nya sa negosyo namin sa Quezon meron kaming talyer. Ako wala nobody taga alaga ng mga kapatid ko kase si mama nag tatrabaho sa munisipyo. Biglang tumawag ang tita ko kung pwede daw munang hiramin ako kila mama kase wala na daw syang kasama sa bahay at yung amo nya umalis na at nag punta ng ibang bansa at ang naiwan yung anak ng amo nya.
Matagal ko ng kilala yung anak ng amo ng tita ko, pero hindi naman kami close ang kasundo non yung kuya ko. Wala naman akong pakialam sa kanya madalas wala pakealam sa paligid ko masaya lang kapag nakakapag basa ako ng mga favorite books at nakaka pag sound trip ako. The rest wala na kong pake.
Nung bata pako nabisita kami sa tita ko at nakikita ko nga si Rafael na nahuhuli ko na nakatingin sakin tas biglang ngingiti na parang shunga iniirapan ko lang pag nahuhuli na nakatingin sakin.
Wala akong natandaan na nag usap kami.
"Lily anak tulog na yang kapatid mo ayusin mo naman ang pwesto"
"Sige ma ako ng bahala dito"
so ayon nga after so many many many years nakarating din kami ng Laguna infaireness ganda dito.
Hindi na ako mag tataka kung bakit maraming gustong pumunta dito sa Laguna para manirahan. Ang ganda naman kasi lakas maka fresh mga mars! Lakas maka sinaunang panahon lalo na nung napadaan kami sa isa sa mga sikat na Lugar dito sa Laguna sa Pagsanjan grabee ang ganda! Kanina pa 'ko pangiti ngiti dito sa sasakyan.
Ngayun ko lang din napansin na ang laki na rin pala ng pinag bago nitong Bayan na ito. Meron na ding mall maunlad na talaga.
Malapit na kami kaya ginising ko na sila kambal.
"Uyy gising na kambal malapit na tayo"
Umungot lang ang kambal.
Nakita ko na si Tiya Milagros nag aantay sa labas ng bahay iniintay nya kami.
to
Binaba na namin yung mga gamit at pumasok na kami sa loob.
Babalik din naman sila Papa sa Quezon gawa ng walang mag bababtay sa talyer hinatid na namin sila sa labas. Nag paalam na rin ako sa mga kapatid ko.
"Kambal papakabait kayo ha wag masyadong makulit"
"Pasok na kayo sa loob dali at baka lumakas pa ang ulan"
Nag usap lang saglit sila Tiya at papa at umalis na rin. Nauna ng pumasok si Tiya sa loob kase nag uumpisa ng umambon. Nakatayo lang ako sa labas habang pinapanood sila umalis. Pabalik na sana ako sa loob ng bahay ng biglang.
"Ay bwakanginaka!"
"Anoo baa! Bakit kaba nanggugulat?!"
"Oh inaano ba kita dyan?" Sabi ni Rafael.
"Bat kaba nang gugulat?"
"Pake mo ba? Pahara hara ka jan" sabi ni Rafael.
BINABASA MO ANG
Permanent Holiday
General FictionIsa lang naman ang gusto ni Lily ang maisayaw lang sya ng super duper crush nyang si Martin sa mismong Prom nila. Pero lagi nalang may hadlang, si Rafael na walang ginawa kundi ang inisin sya lahat na ata ng klaseng pang aasar nagawa na ni Rafael. K...
