SIMULA

51 4 0
                                        

First met

"HOY KEILYHNE DALI-DALIAN MO NGA ANG PAG KILOS MA LATE NA TAYO NETO EH!" walang kasing lakas ang bunganga ni bella akala mo palaging may kaaway.

"ano ba bella? Chill ka lang wala namang magbabago kahit ma late tayo no!" irap ni bianca sa kanya.

Andito na din pala sya. Sabagay mag kakalapit lang kami ng bahay dito sa ridgewood subd.

Ako si Keilyhne francisco Valdez, 17 yearsold
Ang babaeng mahilig magbasa at manood ng movie. Lalo na ang marvels🤭

"hoy kei ikaw muna vocalist ha. Sakit kasi ng lalamunan ko " ani ni bianca na magkalapat ang palad na animoy nagdadasal habang nag papacute sakin.

"osige , " agad kong sagot dahil gusto ko yung isa sa kakantahin nya dapat ngayon

"nice labyaaa!"pumalakpak pa ang gaga at kekembot kembot na umalis sa tabi ko.

Sinuot ko na agad ng heels ko at inaya na silang lumarga. Dating gawi kay bella ang ginamit naming sasakyan.

Bago kami bumaba ng sasakyan ay nagsinyasan na kami. Late kasi kami kaya kailangan naming gawin ang makakapigil sa angaw ng manager.

Pag pasok namin ay derederetsyo lang ang lakad namin, walang lingon lingon at deretsyo lang kami sa stage at kanya kanyang set up.

"badtrip ata wag mo ng tanungin ate!" dinig kong sabi ni mau sa ate nyang manager.

Napangisi nalang ako sabay kindat dun sa dalawa.

"Goodevening everyone welcome to JAMS! Pasensya na po at medyo natagalan kami pero we will start na po sa first set ngayong gabi. Pede po kayong mag sulat sa tissue ng inyong song request at mamaya sa second set ay pedeng pede po kayong maki join dito sa amin! Thankyou! Enjoy"magiliw kong bati sa mga customer at agad silang nag hiyawan.

Pinagbunggo ni bella ang kanyang drumstick at sinimulang tumugtog at maya maya lang ay tumipa na din kami ni bianca sa mga gitara namin.

I hear the drums echoing tonight
But she hears only whispers of some quiet conversation
She's coming in, 12:30 flight
The moonlit wings reflect the stars that guide me towards salvation
I stopped an old man along the way
Hoping to find some old forgotten words or ancient melodies
He turned to me as if to say, "Hurry boy, it's waiting there for you"


Lihim akong napangiti ng maalala ko kung san ko unang narinig ang kantang to.

It's gonna take a lot to drag me away from you
There's nothing that a hundred men or more could ever do
I bless the rains down in Africa
Gonna take some time to do the things we never had (ooh, ooh)


Sadyang pinabagal namin ng kaunti ang kanta. Ibinagay namin sa boses namin ang kantang panlalake na to. Yun kasi ang turo sa amin ng papa ko. Hindi daw basta bastang kakantahin ang isang kanta. Ang bokalista dapat marunong ibagay ang kanta sa timbre ng boses nya. Kung alam mong malumanay ang boses mo, kahit ang rock na kanta ay tutugma sayo kung gagamitan mo ng sariling version.

It's gonna take a lot to drag me away from you
There's nothing that a hundred men or more could ever do
I bless the rains down in Africa
Gonna take some time to do the things we never had (ooh, ooh)

Huling ulit ko sa mas malumanay na pagkakakanta

Hindi ko namalayan na tapos na ang first set marahil ah enjoy na enjoy ako sa pagkanta.

"hays grabe nagugutom na talaga ako"ani ni bianca na nanguna nguna papunta sa likod kung nasan ang mga lamesang para lang sa staff at banda. Yes sosyal kasi ang may ari nitong jams.

"anong meryenda sis?" tanong ko kay mau na nakasabay ko sa pag punta sa likod. Terrace na to sa totoo lang.

"fries at burger. Gusto nyo ba ng sisig with beer?"alok pa nito na may nakakalokong ngisi sa labi.

Ngumiti ako at agad naman nyang nagets yun kaya bumalik sya sa loob at kukuha na yun ng beer at sisig hmm yummy.

"HOY ANG YABANG YABANG MO HA! NAKITA MONG NAKAUPO NAKO DITO INAANTAY KO NALANG MGA KASAMA KO TAPOS PAPAALISIN MOKO?! GAGO KA?! GAGO KA BA?!"

Nangibabaw ang lakas ng sigaw ni bianca sa pandinig ko kaya binilisan ko ang paglalakad at pag pasok ko ay nangunot ang noo ko ng makita ko syang nakatayo at sobrang sama ng tingin sa isang lalake na parang kaedad lang namin.at ang mga upuan ay animoy sinipa at nakatumba ang dalawa.

Anong nangyare?

*TO BE CONTINUED*

Song title : africa toto

The Sake Of Being With YouStories to obsess over. Discover now