Prologue

0 0 0
                                        

Nakakalungkot isipin na ako yung nanatili noong mga panahong iniwan ka ng araw;
Ako ang nagbigay ng liwanag nang lumubog siya sa Kanluran,
Ginamot kita noong minsan ka niyang nilapnos at sinugatan,
Niyayakap kita ng init bagama't malamig ang ihip ng hangin sa tuwing ako'y sisilip.

Pinakiusapan ko ang bawat bituin upang ngiti sa 'yong mga labi ay mamutawi;
Ngunit hindi ito naging sapat sa puso mong tanging hinahanap ay init.
Mas ninais mo ang mapanakit na sinag ni araw kaysa pag ibig kong tapat kahit pa  nakatago ako sa likod niya,
Nahumaling ka sa saliw ng musikang hatid ng mga ibon sa tuwing nariyan siya at narindi sa sitsit ng mga kuliglig tuwing nariyan ang aking prisensiya.

Totoo ngang hindi napipilit ang puso ng tao,
Manatili ka man, sa pagmamahal niya ay hindi ka maaaring magpakasigurado.
Kaya kung isa ka sa mga taong nagmamahal ng taong iba naman ang minamahal,
Maniwala ka kapag sinabi kong kahit kailan hindi ka magiging sapat.
Maniwala ka kapag sinabi kong kahit kailan hindi siya sayo magiging tapat,
Dahil una sa lahat sinong magiging tapat sa taong nanlilimos lang naman ng pagmamahal sa kanya?

Ikalawa,
Saan ka ba nakakita ng taong nakuntento sa taong hindi niya naman pinangarap na makasama?
At higit sa lahat,
Kailan ba tumigil ang matang iba naman ang hinahanap?

Dahil kahit naman ikaw, hindi ka titigil sa kakalingon hangga't hindi pa natatagpuan ng mata mong mapaghangad ang pinaniniwalaan mong 'tamang tao'.
At kung namamahay sa isip mo ang tanong kung bakit nga ba dapat kang maniwala sa mga sinabi ko,
Iyon ay dahil nagmamahal din ako ng taong may ibang namamahay sa puso.

 
Isa itong tula, kuwento ng tula, kuwento ng pag-ibig ko para sa isang taong kahit kailan ay hindi minahal ang buwan, ang kuwento ng pag-ibig ko sa isang taong kinasusuklaman ang paglubog ng araw...

Magawa niya kayang mahalin akong pabalik? Sa kabila ng pagiging buwan ko? Sa kabila ng paglitaw ko sa dilim upang bigyan siya ng liwanag gayong alam ko namang si araw ang hinahanap-hanap niya?

Sana...

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 01, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

LunaOnde histórias criam vida. Descubra agora