WINDY WENDY
Some says my story is just so predictable.
Ako si Wendy. Isang 'Feature Writer' sa school namin. I make stories out of anger, depression, anxiety and even break-ups of someone I know. I bagged awards with such astonishing praises coming from my teachers and schoolmates when I was at ninth grade. Pero ngayon, nagbago ang lahat ng napagtanto nilang lahat na ang mga kwento ko ay hindi na maganda sa mga estudyante. Hindi dahil sa estilo ko sa pagsusulat, hindi rin dahil sa mga salitang ginagamit 'ko' , kundi ang laman nito.
Nagsimula ang pambabatikos saakin nang nireport ako ng isang nanay sa advicer ko sa Journalism Club. Binasa daw ng anak niya ang isa sa kwento ko na may mga salitang hindi kaaya-aya. Mga salitang hindi dapat ibahagi sa ibang tao. Mga salitang nanghihikayat na tapusin na ang buhay ng mga nagbabasa nito. At panimula pa lang ng kwento ay ganito na agad ang mababasa:
'Death stings but it offers you a haven to avoid living in pain,
death gives you a wish, and I promise you'll do great and start it with a knife's swift.'
Yun ang nakasulat.
At hindi ako ang sumulat nun.
Kinausap ko si Edna na Editor in Chief namin at tinanong ko siya hanggang nagkaabutan kami ng kamay kasi napipikon ako, hinala ko na siya ang may gawa para siraan ako. Nagsabunutan at pinaligiran kami ng mga staff ng room at tinulak ko siya sa sulok ng silid. Umawat ako at dali-daling pinuntahan ang desk niya na kung saan nakapatong ang mga drafts ng mga gawa ko. Binasa ko at laking gulat ko na sulat kamay ko ang nasa papel at ang mga salita ay walang pinagkaiba sa binasa ng muntik ng magpakamatay na estudyante.
Pero ilang linggo rin ang nakalipas ay pinatuloy niya ang pagpakamatay.
Pagkalipas ng dalawang buwan, apat na estudyante ang sumunod sa batang nagpakamatay. Kitang-kita din sa mga kwarto ng bawat bata ang mga mga kwento ko na may iba't-ibang salita na para bang binibigyan sila ng ideya kung ano ang gagawin para mamatay. Lahat ng mga para bang 'instructions to death' ay nasa panimula lang ng kwentong 'sinulat ko'.
Una:
"Will you hand me a rope for me to play, or to tie my breathings and go to heaven and fly away?"
Isang bata sa 7th grade na nakita na lang na nakabitin sa kwarto ng kanyang kaibigan.
Pangalawa:
"Follow me where people can't see, let's be together till the water goes full for you and me"
Nalunod na bata sa bath tub na may open electricity wire na nakita sa kamay nito
Pangatlo:
"You are me: if you kill me, I'll kill you. If you love me, I'll love you. If I burn you, you'll be burned."
Batang babae na nilaklak ang muriatic acid at nasunog ang lamang loob na dahilan ng pagkamatay.
Panghuli:
"Forever we will stay as friends if you just tell me your secrets and I'll tell mine to you. My secret? Your parents will be happy if you're dead"
Pinatay ng batang lalaki ang mga magulang habang natutulog at pinatay na rin ang sarili gamit ang secret knife na tinago ng magulang niya para sa seguridad ng pamilya nila.
Ilang buwan na rin ang nakalipas at usap-usapan pa rin ang mga nangyari na ako ang pumatay sa kanila gamit ang mga salita na hindi naman ako ang gumawa.
Umuuwi ako ng mag-isa, kumakain ng mag-isa at ni isang kaklase ay walang pumunta para kamustahin man lang lang ako. Wala, walang-wala na talaga, mga matatalik kong kaibigan ay iniwan na lang ako gaya ng mga tauhan sa mga kwentong sinulat ko.
