"Nababaliw ka na yata."

'Di niya napigilan ang kanina pang nagbabadyang tawa, humalakhak ang loko at napahawak pa sa tiyan. Sumigaw naman si Tres kaya napatingin kaming dalawa. "Hoy! Race, ba't ka nakaakbay ka ha. Akala ko ba--"

"Man, solid to at may tinanong lang ako."

Nagbulungan naman ang dalawa kaya inalis ko ang braso ni Race sa balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nilampasan ko sila Gov, dumiritsung kusina at kumuha ng tubig.

"Why did you just stay here?" Napalingon ako sa nagsalita. Sinara ko ang ref.

"Kailangan ba nandoon ako?"

"Yeah."

Tsk. "Bakit, may aatake ba sa inyo sa yate?"

"No, but the fact that you're my bodyguard, you have to stick with me."

Stick your ass! I twitched my lips bago muling sumagot. "Yes sir. Don't worry hindi na po mauulit."

Tinalikuran ko na siya at kumuha ng pagkain sa ref. 'Yon lang ang naging pag-uusap namin ni Gov. Sa hapunan, tinanong ko si Race tungkol sa tatlo.

"Don't worry, nasa presento na sila at magfafile ako ng kaso para 'di agad makalabas."

Tumango ako. Pagkatapos kumain, nag-aya uli ng inuman pero di nako nakisali. Sapilitan pa, dahil panay ang hila at kumbinsi sa'kin ng dalawa. Natigil lang nang iritang sumingit si Gov. Kaya muli na 'kong umakyat sa taas at natulog sa kwarto.

Kinabukasan, bumalik kami sa rancho kasama na sina Jen-jen.

"Ate, marunong ka magkabayo?"

Napatingin ako kay Jen na nakahawak sa braso. "Yeah, ikaw?"

Umiling naman siya. "Takot ako eh."

"Ba't ka naman matatakot, mabait naman sila. Anyways, gusto mong maglibot tayo sa maisan?"

"Sige po."

"Sige, hiram tayo ng kabayo." Nagtatalon ang bata habang palapit kami kay Race na kausap si Tres at Juni, syempre may sarili mundo na naman ang dalawa.

"Race, hihiram kami ng kabayo. Okay lang?"

"Walang problema. 'Yong pinili mo na lang nung una ang gami--"

"Huwag, ayoko," mabilis kong putol sa sinasabi niya.

Tumawa ang loko at sumigaw. "My man, ayaw na ni Amber sa kabayo mo!"

Nilingon naman ni Gov ang gawi namin. "Don't worry, Hera doesn't like her anyway."

Napairap ako sa sinabi niya at pumasok na ng stable at kinuha si Thunder, sumigaw naman si Gov pagkalabas ko ng kinuhang kabayo.

"That's my Thunder!"

Napangisi ako. "Thunder like me so much. He made me so comfortable when I am riding on his back."

Nagkantyawan sina Race at Tres, nakisali pa si Juni. Pinangko ko naman na si Jen-jen para makasakay bago ako. Pinatakbo ko agad si Thunder.

"Hey, don't go too far!" Rinig kong sigaw niya. Tumawa kaming dalawa ni Jen-jen at nag-apir.

"Matagal na rin no'ng huli kong sakay ng kabayo ate Am, 10 pa ko nun at kasama ko si Kuya Juni." Panimulang kwento ni Jen.

"Dapat paturo kay Kuya Race or sa Kuya Juni mo."

"Nahihiya naman po ako."

"Bakit ka naman mahihiya, kaibigan naman 'yon ng Kuya mo. Minsan, dalaw ka sa kanya, isama mo Kuya Juni mo para 'di ka mahiya."

Agent J4Where stories live. Discover now