"Good Morning, Ma'am. Ano pong order ni'yo?" the cashier politely asked.
"Uhmm. 2 pcs. Rice with Chicken McDo, yung isa spicy. Then isang BFF Fries and two McFloat. Dine-in. Yun lang. Thanks," dire-ditretsong sabi ko dahil kanina ko pa nakabisado yung oorderin ko. Ang tagal kong prinactice 'yan sa isip ko noh. Iniabot ko naman sa kan'ya yung bayad ko.
"I received 1000 pesos, Ma'am. Here's your change po," he smiled then handed me my change.
Pumila naman ako sa service station, waiting for my number to be called.
I ordered two meals kasi dadating yung best friend ko. I don't know what's taking her so long. But we will plan and discuss about her upcoming wedding when she arrived. I'm so excited dahil ngayon nalang ulit kami magkikita since we are both super busy with our own businesses in life.
"Number 0229. Here's your order," The cashier announced and I immediately went to the counter to pick up my order.
Luminga-linga ako sa paligid para mag hanap ng table for two. Nakita ko namang vacant doon sa table na tabi ng bintana. Pumwesto na 'ko doon at hinintay yung best friend ko.
15 minutes na 'kong naghihintay nang biglang may umupo sa kabilang table na magjowang naglalampungan.
I rolled my eyes at them. Dito pa talaga?
Patake-out nalang po ng pagkain ko. Medyo sumama yata pakiramdam ko.
Gusto ko lang naman kumain, bakit ganyan yung view? Nakakawalang-gana tuloy. Hmp.
Napatingin naman ako sa pinto ng McDo nang may babaeng pumasok at mukhang tangang tumatakbo papunta sakin. "Georgette, sis! I'm sorry natagalan ako. Ayaw kasi ako pakawalan ng fiancé ko. Alam mo naman yun, ang clingy clingy kahit kailan," kinikilig na sabi ni Aliana at niyakap ako. Umupo naman siya sa harapan ko after naming magyakapan.
"Ahh. Walang nagtanong," pambabara ko.
"Napaka-bitter mo forever. Maghanap ka na nga ng kapalit ng ex mo," she rolled her eyes.
"Hoy, walang'ya ka talaga, Aliana Kim. Don't say bad words. Baka gulpihin kita," pagbabanta ko at tinaas ko yung kamao ko para ipakitang ready na akong suntukin siya.
"Sabi ko nga, mananahimik na," she raised her two hands and surrendered, "Ayokong magka-black eye sa kasal ko noh," she chuckled.
"So, sis, anong plano mo sa kasal namin ng fiancé ko?" pag-iiba niya ng usapan sabay kagat sa chicken niya.
Ay, kelangang ipangalandakan sa mukha ko na may fiancé siya?
"Wala. 'Di naman matutuloy eh," siraulong sagot ko sabay tawa ng malakas.
Natauhan naman ako nang bigla niya kong kinutusan. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
"Aray ko ha. Kanina ka pa nananakit emotionally at physically. Huhu," I pouted.
"Umayos ka kasi. Para namang siraulo 'tong kausap ko. 'Di kita bayaran diyan eh."
"Nako, Aliana, walang kaibi-kaibigan, sinasabi ko sayo. Ipapakulong talaga kita sa tatay ko. Kakasuhan kita ng estafa o fraud. Mamili ka nalang doon," pagbabanta ko sabay tawa.
Tinignan niya lang ako ng masama.
"Okay. Ano ba kasing gusto mong theme?" sabi ko nalang at inilabas ang IPad Air ko para mag take down notes doon.
Ako kasi yung kinuha nilang organizer para sa kasal nila. Malamang, wala silang choice kasi magtatampo ako.
"Uhmm. Gusto ko kalevel ng kasal ni Anne Curtis at Erwan yung kasal namin!" she said and clasped her hands together.
