Chapter 1- Back To Reality

1.4K 48 4
                                    

Dedicated kay Poleng. Bakit ganun hindi ko mamention username mo? 🤣 Salamat para sa pangalan ng bidang babae. Akala ko magiging kamag anak na siya ni Unknown Girl ng All of ME.

Ysabelle Fae Mendez

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Basta hindi ko na hinintay na magising si Lawrence. Wow, second name basis si Ate ghorl? Close kayo? Sabagay sa nangyari kagabi pwede na sabihing close nga kami. Nakakainis talaga. Pero alangan naman sisihin ko si Doc sa pagkawala ng virginity ko eh hindi naman siya yung kasama kong gumawa. Ysabelle Fae Mendez, 28 years old, No boyfriend since birth pero sa nangyari kagabi totally damaged, hindi lang pala, wrecked na wrecked pala ako kagabi. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapagmaneho dahil sa sakit ng katawan ko. Buti wala masyadong humps akong nadaanan. Parang sa bawat humps na dinadaanan ko sagad yung sakit na nararamdaman ko.

Sa bahay ako dumiretso. Mga kasambahay ang kasama ko dito. Ang mga magulang ko ay nasa probinsya. May pinatayo silang bahay doon sa malawak na lupain na binili nila gamit ang perang binigay ko. Sinama nila mga kapatid ko para makatulong sa negosyong sisimulan doon. Noon pa man ay gusto na ni Papa ang buhay bukid. Kaya hinayaan ko na lamang sila sa gusto nila kahit pa ang kapalit noon ay ang pagkalayo sa akin. Kaya sa set up namin ngayon? Para lang din akong nasa ibang bansa kasi hindi ko naman sila kasama. Hindi na din kasi nila ako napilit na sumama sa kanila. Ilang taon ako sa ibang bansa na medyo malayo sa siyudad. Kaya namiss ko talaga ang ganitong pamumuhay. Maayos naman ang lagay ko dito. Medyo hindi lang ako naging ok nung sabihin ni Doc na may sakit ako. Akala ko balewala lahat ng pinundar ko, na hindi ko maeenjoy. Pero enjoy na enjoy naman ako kagabi. Ang galing nga, sa pagkawala ang virginity ko gigising ako na wala na din pala akong sakit.

Kaloka.

Dumiretso ako sa aking silid. Hindi na ako nag abala pa na mag almusal. Gusto ko lang humiga maghapon. Ganito pala ang pakiramdam na mga nagha honeymoon. Pagod pero lutang.

Mukha ni Lawrence agad ang umukopa ng isip ko pagkahigang pagkahiga ko. Parang ramdam na ramdam ko pa siya sa akin. Feeling ko nakapatong siya sa akin ngayon at magkahugpong ang aming katawan.

Malala na ako.

Hindi ko din alam kung bakit hinayaan ko na may mangyari sa amin. Hinayaan na mangyari ng paulit ulit. Ilang taon naman ako sa ibang bansa pero naprotektahan ko ang sarili ko sa mga banyagang umaaligid. Sa pinoy pa din pala ang bagsak ko.

Apaka loyal mo sa iyong kabababayan Ysabelle.


Hindi naman halos kami nakapag usap ni Lawrence kagabi. Yung mga katawan lang talaga namin ang nagkaintindihan. Safety Engineer ako dati, pero kagabi wala man lang pag iingat na nangyari, ilang beses pa niyang pinutok lahat sa loob ko. Feeling ko punong puno ang bahay bata ko. Siguro kung may mabubuong baby para siyanh semilya na tinubuan ng baby sa dami ng pinutok siya sa akin.

Buti na lang gwapo siya.


Ayun na lang din ang iniisip ko. Siguradong magandang baby ang mabubuo. Sana hindi na kami magkita. Hindi ko naman nasabi ang buong pangalan ko sa kanya. Walang palitan din ng cellphone number ang naganap. Tanging palitan ng init ng katawan lang ang namagitan sa amin.

Since wala naman akong sakit, plan ko ituloy na lang yung trabaho na inaalok sa akin. Next week yung dalawang company na gusto akong kunin ay sabay kong imemeet. Depende na lang sa offer nila kung saan ba ako pupunta. Dahil nga sa ganda ng working experience ko kaya halos sila ang naghahabol sa akin. Ang laki din ng offer na kahit hindi na nga ako mangibang bansa. Buti na lang din next week pa yun. Kasi feeling ko sa mga susunod na araw hindi pa din ako makakakilos ng maayos. Kanina tiningnan ko ang katawan ko kung may marka ba na iniwan si Lawrence. Kahit feeling ko gigil siya kagabi. Medyo nakahinga ako ng maayos na sa mga tagong bahagi ng katawan ko lang siya nag iwan ng marka. Pero nakakapagpa init pa din ng mukha na masaksihan yung mga marka kung saan siya halos nagtagal ng pagpapala.

Enjoy na enjoy ang kuya mo.


Sa totoo lang hindi ko pa napag iisipan kung sakaling magkaharap ulit kami? Yung walang impluwensya ng alak? Mga ilang rounds kaya? Grabe Ysabelle. Ang manyak. Ang harot. Paano nga kaya pag nakaharap ko siya?  Matandaan niya ba ako? Big deal ba sa kanya yung namagitan sa amin? O parang katulad lang din ng ginagawa niya sa ibang babae? Isang gabi lang tas tapos na. Wala ng pakialaman. Siguro nga ganun siya. Medyo big deal lang sa akin dahil siya ang una pero hanggat maari ayaw kong bigyan ng pakahulugan nga. Masakit na ang buo kong katawan ayaw kong pati ang puso ko ay madamay. Naganap na ang naganap. Walang pilitin na nangyari. Kusang bumuka ang mga hita ko sa kanya.


Kung sakali man na matandaan niya ako at kilalanin ng lubos? Ok lang din naman sa akin. Sabi ko nga kanina gwapo siya, siguro may spark din talaga sa unang pagtatama ng aming mga mata. Spark na natuloy sa pagkatupok  ng aming katawan. Parang nakakauhaw na isipin siya.

                ***

Halos isang linggo akong hindi lumabas ng bahay. Kahit natetempt ako na bumalik sa bar baka sakaling makita ko siya. Pinipigilan ko lang sarili ko na pumunta kasi baka sa pag iisa na naman kami humantong. Ganun siguro nga yun? Once na maranasan mo hanap hanapin mo na? O hanap hanapin mo yung taong yun? Yung nagparanas sa'yo ng kakaibang ligaya. Kaya halos palakpakan ko ang sarili ko kasi nagawa kong hindi bumalik sa lugar na yun. Kung magkikita ulit kami hindi dahil nag effort ako, kung magkikita kami hindi din dahil hinanap niya ako. Sana kung magkita kami yung hindi namin alam. Yung magkakagulatan na lang.

Hindi ko din siya hinanap sa mga social media. Kahit gusto ko lang sana makita ang mukha niya. Pero may picture o wala? Malinaw naman kasi ang mukha niya sa isipan ko.

Ang lakas din ng tama ko sa'yo.

Parang pakiramdam ko naghihintay na lang ako ng araw tas masasaktan ako ng bongga dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Sa gwapo niyang yun? Imposible na wala siyang girlfriend?

Kung may girlfriend bakit may nangyari sa inyo?

Umaasa ka ba Ysabelle? Mas maganda na isipin na hindi na siya malaya para may dahilan ako para itigil ang kalokohan na ito. Sa susunod nga hindi na ako mag iinom sa bar. Napaka cliche naman kasi ang pagkakilala namin. Ang daming story sa Wattpad na ganoon nagsimula. Kaya kailangan kong itigil ang kahibangan na ito. Kahit pilit na nagsusumiksik sa utak ko kung paano niya ako ngitian nung gabing yun. Kung paano niya sinabi na maganda ako. Yung intensidad ng pagtitig niya habang inaangkin niya ako. Lahat ng naganap sa amin malinaw na malinaw pa din sa akin. Kaya hindi ko alam kung paano ba? Kung paano ba ako makakabalik sa reyalidad.




_casper_

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon