Nagdadalawang-isip si Juniel kung sino ang mga papatayin. Base sa pagkakarinig niya ay may mga werewolves na napilitan lang talagang sumanib kina Lucas.

"They are Resurgence, Juniel. Then, kill." Tinapik ng binata ang kanyang balikat atsaka mabilis na nagporma bilang isang malaking lobo.

Napaatras pa sa kinatatayuan si Juniel dahil sa mabangis na paggalaw ng ulo ni Ricker. "Whoa! Chill there, Ricker."

Tumango lang si Ricker at mabibilis na sumuong sa mapunong lugar. Nakarinig na siya ng mga sigawan mula sa loob nang mapunong lugar. Mukhang natunugan kaagad ng mga Resurgence ang kanilang pag-atake.

She held tighter on her recurve bow and started to run fast. While running inside the forest, she felt a presence of an enemy. With her quick reflexes, she picked an arrow from her quiver and released it from her bow.

Isang pana ngunit tatlong Resurgence ang tinamaan sa kanilang noo at lumusot iyon sanhi para mamatay kaagad ang mga ito.

Napangisi naman si Juniel dahil sa nangyari, finally, she gets to use her archery skills from real enemies. Hindi na puno o prutas ang kanyang tinatamaan.

Nang makalagpas siya sa mapunong lugar ay tumabad sa kanya ang napakaraming Resurgence na kinakalaban ang kanyang mga kasamahan.

Nakita rin niya sina Galen at LA na magkasamang dinudurog ang bungo ng mga kalaban at nalungkot naman siya dahil naririnig niya ang ungol ng mga lobong napapatay din ng kanyang mga kasama.

"Juniel on your 12!" She heard Cinnia shouted from her side.

Napalingon siya sa kanyang harapan at nakikita niya ngayon ang limang Resurgence na papunta sa kanya ngayon at handa siyang patayin.

Niluhod ni Juniel ang isang tuhod upang makatira nang maayos gamit ang kanyang palaso. Her eyes were like a hawk and ready to kill its prey.

Isang pana ang kanyang pinakawalan.

Kahit malayo ay nakikita niya ang direksyon ng kanyang pana, her eyes turned grey only because she controlled the arrow's direction through wind.

Hindi na tuluyang nakalapit pa ang limang kalaban dahil diretsong tumama sa bawat sentido nila ang kanyang pana at bumagsak nang sunod-sunod ang kanilang mga katawan. Tama nga sila, sa ulo talaga nila dapat tamaan ang mga kalaban.

Nagpatuloy si Juniel sa kanyang pakikipagtuos sa mga Resurgence. Natigilan naman siya nang paikutan siya ngayon ng apat na malalaking lobo, since these wolves are attacking her it only meant they are now from the Resurgence.

"I'm sorry." Her eyes were apologetic.

Nang sabay-sabay na umatake ang mga lobo sa kanya ay dali-daling itinaas ni Juniel ang isang kamay.

Isang katakot-takot na kidlat ang tumama sa limang lobo.

Napapikit si Juniel nang marinig ang nasaktan na pag-ungol ng mga ito. Bumagsak ang limang lobo habang umuusok pa ang nangingitim na katawan dala nang pagtama ng kidlat.

"Shit! Ricker is getting beat up by Drei!"

Narinig niya ang sigaw ni Cinnia. Napatitig na rin siya sa lugar kung saan nakatitig si Cinnia.

Napaawang ang bibig ni Juniel nang makita kung gaano kadaling ibinalibag nang matangkad na bulto si Ricker at bumagsak sa lupa. She heard the poor wolf's moan.

"Shit! He's going to kill Ricker!" Tarantang boses ni Cinnia at tumakbo papalapit kina Ricker.

Dahil sa ang atensyon ay naroon hindi napansin ni Juniel ang umatakeng Resurgence sa kanya. Nabitawan niya ang kanyang hawak na sandata. Natanggal din sa pagkakasuot ang quiver na laman ng kanyang mga pana.

The Werewolf's BeautyWhere stories live. Discover now