Chapter-31 Second Chance

198K 2.4K 47
                                    

Aliya's POV

Nakauwi na kami ng bahay pero hagang ngayon, lutang parin ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Flashback:

Nakita kong umakyat ng stage si Cade.

"C-Cade?" naiiyak na ako, eto na siguro ang sinasabi ni Ella na pasabog.

Hinila niya ako pabalik sa kanya at niyakap nang akma akong tatalikod para umalis.

"Don't worry, ipapakita ko kung sinong binabangga nila." sabi nito sakin

Kinuha nito ang mikropono at nagsalita.

"Sa may gawa nito...shame on you!, dahil ba alam mong matatalo ka niya kaya ka nagpalabas ng videong to?..." tumigil muna to saglit, nakikinig sa kanya ang lahat ng naroon.

"...well, thank you for making this... Di na ako mahihirapang ipagsigawan sa lahat na may relasyon kami..." nabalot ulit ng bulong-bulongan ang paligid. Nanlalamig na rin ako sa kaba.

"...tama ang narinig niyo may relasyon kami... Dahil asawa ko siya... And nobody should treat my wife, this way... The moment na may ginawa kayo sa kanya, ako ang makakabangga niyo." para namang napahiya ang lahat ng naroon. Ipinakita niya pa ang sariling wedding ring at isinuot sakin ang singsing na hinubad ko nong bago ako tumakas. Naghiyawan ang lahat, nagpalakpakan, pero ang tumatak sa isip ko ay nang halikan niya ako.

"To make this game clear and fair... Hindi na ako sasama sa magdya-jugde." sabi ni Cade,

"And you..." sabi ni Cade habang itinuturo si Ken na partner ko.

"...know your place." dugtong niya pa, naikinatawa ng mga audience, ang iba naman ay halatang kinilig pa.

Nagpatuloy ang contest at ako ang nanalo.

End of Flashback...

"What are you thinking, wife?... I mean, who?... Sana ako yan." napalingon ako nang marinig ang boses ni Cade, masyado sigurong napalalim ang pag-iisip ko at napansin niya pa.

Naramdaman ko ang paglapit nito at ang pagyakap niya sakin mula sa likuran.

"Malalim na ang gabi, andito ka pa... Di ko na mabasa ang iniisip mo." sabi nito habang nakayakap pa rin sakin.

"Di lang ako makapaniwalang ginawa mo yon sa harap ng lahat." sagot ko.

"Ganon na ba talaga ako kasama para hindi ka makapaniwala?" tumatawang sabi nito.

"I mean... Diba dapat tinatago natin to." ako.

"Aliya, asawa ko... wala na tayong dapat itago... Wala kang ideya kung gaano ko kagustong ipagsigawan sa buong mundo na akin ka noon pa... Kung hindi lang sana ako naging ma pride, ang tanga ko lang no." seryosong sabi nito saka ako hinalikan sa ulo.

"Bakit ba kasi, galit na galit ka sakin?" pagtatanong ko.

"When I was a child, parang nabubuhay ako sa isang kompitesyon, kelangan kong makipagtagisan kay Lance, lagi akong ikinukumpara ng lolo kay Lance, hanggang sa dumating ka, naisip ko dadagdag ka nanaman sa poproblemahin ko... Naaaliw sayo ang lolo, hindi ko naisip na first time niyang magkaroon ng apong babae kaya nagkakaganon siya... Bata pa lang tayo gusto na kita, kapag ngumingiti ka kahit nakasimangot ako, kinakausap mo ko kahit na sinisungitan kita, niyayakap mo ko kahit ayoko, which is gusto ko naman talaga...

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon