I Gave Myself a Verdict

4 0 0
                                        

I ended my life not because I didn’t get what I want because I can buy anything I wanted and needed and I’ve pampered myself too much. Not because my boyfriend dumped me, I don’t even have a boyfriend to start with. And no, hindi ako nagdrama at nawalan ng pag-asa nang dahil dun. Bukal sa loob kong walang jowa. I didn’t commit self-harm dahil wala akong work, teacher ako, and happily teaching and mothering my di mabilang bilang na mga chikiting.

There are times na masaya ako pero yung kasiyahang yun was always unsure and doesn’t last long. Masaya saglit tapos lugmok na naman mamaya. Mas madalas akong lugmok pero di ko pinapahalata. Why? Kasi ayokong madamay ang mga kaibigan ko, pamilya ko and mga students ko and ayoko na mag alala sila sa akin lagi ng dahil lang dun. Besides have you tried explaining that sadness to people, ang hirap kaya. Di moa lam saan mag-uumpisa, paano nag-umpisa or anong sanhi ng kalungkutang yun. Ni hindi mo alam or even sila kung paano pipigilan o tatapusin ang kalungkutang yun. Saka sa sitwasyong kinalalagyan ko, sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi nila papansinin yun at sasabihin na wala lang yun dahil yung mga nakapaligid sa akin, let me be honest, mga makikitid sila. Mahina ang grasp of understanding sa mga bagay bagay na di nila personally nararanasan. Kumbaga ba eh, I don’t even judge people and yet I’m being judged heavily through my emotions and preference in life. And that’s a huge pain in the ass.

Yes, I have friends. May mga tropa akong di ako sinusukuan. They’ve been with me for the longest time I could even remember. Naranasan kong magkaroon ng big circle of friends, but as time passes, lumiliit nang lumiliit yung circle na yun. Habang palala nang palala ang nararamdaman ko paunti sila nang paunti at yung mga natira na lang eh yung mga totoo at nakapag tiyaga sa ugali ko. Sila yung mga one call away, well minsan kasi syempre may mga sari-sarili din naman silang mga buhay at pinagkakaabalahan. And alam ko naman na kahit sila lang yung malalapitan ko eh I should also give them their own time kasi hindi lahat ng oras sa akin umiikot ang mga mundo nila. We’re not kids anymore na, we should, ay mali, they should focus on their own lives and careers.

Naririnig ko na ang mga linyahan nang mga taong feeling concerned sa akin. Yung mga taong kilalang kilala daw ako. They make me laugh though, kasi pag tinanong mo sila how they’re related to me ang isasagot nila eh “I remember that time na tinulungan niya ko.”

It was always me who helped them and approached them may kailangan man o wala. It was always me na laging nangangamusta may problema man o wala. And it was always me na laging nag-aalala sa kanila. It was always me na unang nalapit at di sila. IT WAS ALWAYS ME.

MEMORIESWhere stories live. Discover now