Prologo

17 4 2
                                    

Noong 1904, nagliyab ang isang matinding digmaan sa pagitan ng aking mahal na bansa Gragonia at ang isa sa pinaka makapangyarihan ang Ilagon.

Isang digmaang sobrang brutal at walang katapusan na maspinatindi ng sumisibol na agham at teknolohiya.

Umikot sa himpapawid ang mga ibong gawa sa bakal. Sa isang iglap, umalan ng mga bala at nagsibagsakan ang mga basyo sa lupa.

Madaming dugo ang tumulo at madaming buhay ang nawala. Madaming bahay ang nasunog mula sa apoy na gawa ng karahasan. Madaming luha ang lumabas mula sa mga mata ng mga taong inosente't mapagmahal.

Agosto 24, 1904, unang tumunog ang kampana na hudyat ng digmaan. Agad kaming kumilos habang may malakas, mababa, at nakakatakot na tunog na likha ng kampana.

"Commander Saliazar! Nakahanda na ang pandigma panghimpapawid!"

Agad akong sumakay sa ibong gawa sa bakal at lumipad sa itim at mahanging himpapawid kasabay ang aking mga mandirigmang tinatawag na Yroas.

Tila may bagyong hahataw sa kalupaan ngunit hindi natinag ang madugong labanan ng mga matatapang na mandirigmang lumabalaban para sa tagumpay at dignidad.

"Fire!!!!!!!"

Sumigaw ako ng malakas sa mikroponong maliit at nagsimula nang hupampas ang delibyo ng mga bala at basyo sa kalupaan.

Naging mistulang munting impyerno ang lugar kung saan naganap ang walang katapusang digmaan sa pagitan ng aking hukbo at ng Ilagon.

Tumingin ako sa ibaba mula sa eroplanong pinapalipad ko at nasilayan ko ang namumulang kalupaan dulot ng dugo at apoy na likha ng  magabagong teknolihiya.

Sa sobrang ikling panahon ay natulala ako sa nasusunog na bayan at sa mga duguan at nakahilata nitong mamamayan.

Unti-unting nandilat ang aking mga mata, nangig ang aking kamay, at bumilis ang tibok ng aking puso. Di ko lubos akalain na ganoon katindi ang malilikha ng mga munting bakal sa himpapawid.

Nagsimula ng pumatak ang ulan na dumilig sa mga bangkay sa kalupaan, kasabay nito ay dumating ang di mabilang na pandigmang panghimpapawid ng kalabang bansa.

Lumipad sila papaikot at pinalibutan ang mga mandirigmang kong Yroas. Isa-isang bumagsak ang mga nagliliyab nilang eroplano at sumabog sa lupa.

Nagulat ako matapos ko masilayan kung gaano kalakas ang mga pandigma ng bansang Ilagon. Sa isang bala lang ay kaya nitong magpasabog ng isang eroplano at isang bayan.

Sinubukan kong gumanti ng atake ngunit bago pa ako magkaroon ng pagkakataon ay sumabog na ang kaliwang pakpak ng aking eroplano at dumausdos papunta sa malawak na karagatan.

Sa sandaling oras ay bumalik sa aking isipan ang mga alaalang masaya at malungkot.

"Ms. Carlina Franchesca Saliazar, congratulations!"

Unti-unting ngumiti ang aking mga labi matapos kong madinig sa aking mga tenga ang mga salita bago ako maging isang Yroas.

"Patawad Gragonia..."

Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at dahan-dahan ring lumabas ang aking luha na umagos papaangat sa karagatan. Mabagal akong bumagsak paibaba sa madilim at malalim na dagat saka ako nawalan ng malay.

YroasWhere stories live. Discover now