Kabalyero

5 0 0
                                        

Hawak ko ang aking espada,
Nakabantay sa may punong manga.
Kita-kita napakasaya,
Di alam ang gagawin ika'y tinitigan.

Napakatamis ng iyong ngiti,
At sing-pula ng mga rosas ang iyong labi.
Ang araw dumaragdag silaw sa iyong kagandahan,
Parang diwata ng ilog maria
Ika'y nag bibigay ilaw ng mga pusong ligaw.
Titig na titig puso'y kumakalbog.

Hawak mo ang isang sampaguita,
Habang ang isa ay hawak mo ang kamay nya.
Sa puno ng manga pagmamahalan nyo ay di mapipigilan pa.
Bugso ng damdamin ay ramdam ng bawat isa.

Trabaho ko bilang kabalyero ang bantayan ka
Trabaho ko ang bantayan ka
Bantayan ka't di dapat mahalin
Ngunit tulad nyo di mapigilan ang bugso ng damdamin.

Walang magawa, nakatayo hawak ang espada.
Isa ang alam yun ay ang sa oras na masaktan ka,
Andito ako para iligtas kita
Andito ako bilang kabalyero mo
Kabalyerong handang sagipin ka
Kabalyerong handang ipaglaban ka
Hindi ng dahil lang sa mahal kita
Kundi ikaw ang aking prinsessa.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 21, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

KabalyeroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora