"Joke lang HAHAHAHA"
"Ewan ko sa'yo" Nakaka-inis talaga tong lalaking to "Dami mo kasing babae, di mo na tuloy-"
"Ano na naman yan Fritz" seryoso nyang sabi sabay kagat ng sandwhich
"Totoo naman eh. Sino sa mga babae mo yung may ayaw ng mayo? Hindi mo na alam" pang-aasar ko sakanya
Dito muna kami sa may mga tables, habang inuubos ang mga sandwhich namin.
"Barbers. Wala nga akong girlfriend eh" sabi nya
"Wushu. Ikaw pa ba? Eh paFall ka nga" sagot ko with matching irap
Tinignan nya ako. Hindi sya maka-re-but kasi ngumunguya pa sya pero ramdam ko na yung inis nya. Ayaw nyang sinasabihan ko syang pafall. Eh totoo naman.
Ewan ko ba bakit ko kaibigan tong taong to eh super lagkit nito sa mga babae.
"Ba't nafall ka?"
Tinaasan ko sya ng kilay. Muntik ako mabilaukan sa tanong ng huklubang yun.
"Bibili akong Iced tea, anong sa'yo?" tanong ko sakanya.
"Iced tea din"
Iniwan ko sya dun sa table para bumili. Bwisit yon. Ako nafall? Utot nya. Hindi no.
Hindi ako aamin. Hindi ko nga maamin sa sarili ko eh
xx
"Grabe no, tagal din nating hindi nagkita" sabi ni Gino.
3 years. 3 years since Graduation.
"Ewan ko sa'yo. Kung di pa kita chinat. Wala ka naman ata balak magpakita sa akin eh" sagot ko ng naka-isnab.
"Alam mo ikaw. Ang sungit-sungit mo pa din"
"Luhhh, hindi na kaya ako masungit" sabay irap "Sobrang bait ko kaya"
"Parang sarcasm yun"
"Ewan ko sa'yo"
"Kita mo. Panglimang irap mo na yan"
"Binilang mo talaga?" tinusok ko sya sa may tagiliran "Talaga haaa"
"Ay teka, di ko na nabilang sa sobrang taray mo!"
"Luh" Tinignan ko sya ng diretso
"Luh" Tinignan din nya ako ng diretso "Mapipikon na yan"
"Ewan ko sa'yo" sabi ko sabay iwas ng tingin sakanya
Bigla na lang kami natawa parehas dahil para kaming mga bata. Kagaya nung Fritzie at Gino na laging nag babangayan nung college at walang ibang ginawa kung hindi bwisitin ang isa't-isa.
Ilang oras din kaming nagkamustahan, kinamusta nya mga kaibigan ko, kinamusta ko din mga kaibigan nya. Hanggang napag-usapan na namin lahat ng mga kablock namin.
Nagcatch-up sa buhay ng ibang tao.
Ang bilis ng panahon. Ang daming ganap sa buhay-buhay namin.
"So ikaw, kamusta ka na?"
"Ay wow Fritzie, halos ilang oras na tayong andito. Ngayon mo-"
Natawa ako sa sarili kong tanong, Natawa na din si Gino sa akin.
"Eh kasi kanina- Eh di ba that's the first thing people ask when they meet again after a long time? So -"
"Mabuti naman" sagot nya ng nakangiti sa akin "Ikaw Fritzie, kamusta?"
"Ito, maganda pa din syempre" tapos hinampas ko si Gino na kunwari ba nahihiya ako "Sus wala ng bago dun Gino" saying with matching pagmamaganda.
Gino jokingly laughed with my answer, he even acted as if he had no choice but to agree
"Same Fritzie na kilala ko ng College" Naka-half smile si Gino habang nakatingin sa akin. Nag aabang na nga ako ng rebut nang sabihin nyang "Maganda ka naman talaga"
Gulat ako sa huli nyang sinabi. Napatingin ako sakanya ng diretso sa mata. Hindi ko yun inaasahan. I looked away immediately.
But being Fritzie that I am. Hinawi ko na lang yung buhok na may kasamang irap as if given na talagang maganda ako.
"Ako? Ang gwapo ko di ba?" Gino asked, hesitant to look me in the eye but managed to do so in the end.
I looked back directly at him again. He was seriously asking me.
I was hesitant to answer yes, that he still looks good like how we were in college. Nah, he would just tease me if i said yes.
"What?" I acted as if I'm shocked with his question. I shoved my hands over his face.
He managed to catch my hands mid air.
I don't know why but we were dead silent for a moment.
"Oo, gwapo ko pa rin naman" I looked directly at him for a split second
I wasn't able to see what his reaction were. But I felt his hold tightened.
I removed my hands by getting my phone from my bag.
My heart's a little confused by now.
Is he still playing games like he used too?
Haven't I got used to it already?
xx
[A/N]
Posted this with minimal edits. Funny how I changed from tagalog to english in the latter part. Must have edited this a few years back.
I wasn't able to finish this one and I've forgotten as how I want this one to end or ganyan lang ata talaga yan.
Anyway, I'll update if I found a much recent draft.
Anyway, enjoy reading!
ESTÁS LEYENDO
Random Daydreams
RomanceOne shot stories. Sometimes, inspired from true events. Mostly daydreams and what ifs.
Of Class breaks
Comenzar desde el principio
