"Di to tokshit no" sabay irap sakanya

"haha alam ko naman pero-"

"saan ba tayo? coin purse lang tong dala ko ha. Ikaw na-"

"Edi stalls" sabi nya habang hawak ang dalawa kong balikat at tinutulak ako palakad "Basta yung aabot laman ng coin purse mo"

"ANOOO?" tumalikod at tinignan sya ng masama "Wala kang dalang wallet?"

"Akala ko ba libre mo!"

"Anong libre ko? wala akong sinabing ganon?"

"Sabi. mo. bili. tayo" sabay higit sa akin para lumakad

"Bili tayo. Tayo. ikaw at-"

"Basta wala akong dala" 

Pinalo ko na lang sya sa inis ko.

"Grabe to. Ngayon mo nga lang ako ililibre e" sabi nya sa akin bigla.

Luh epal nito.

"Bakit? ako ba nilibre mo na?" pabalik kong tanong sakanya

"Oo!"

"aba kelan??" tanong ko habang nakataas ang kilay sakanya

"Tignan mo hindi mo na natatandaan! Masama kang kaibigan"

ay punyeta to ako pa ang masama

Nag-babangayan kami habang pababa sa Canteen o stalls kung tawaging namin

"Barbers ka ba! Utot mo, di mo pa ako nalilibre ever" Kung ililibre man nya ako syempre matatandaan ko yun.

"Yung Kutsinta?" sagot nya sa akin nang nagyayabang.

Ah yung kutsinta na kinain namin after class bago kami umuwi. Teka tekaaa-

"Anooo??" Pinalo ko sya sa braso ng malakas "bayad mo yun sa 'kin kasi ako yung sumagot ng paxerox ng handout!!"

Walangya talaga to. Tinatawanan nya lang ako habang umiiwas at sinasalo ang kamay ko sa pagpalo ko sakanya.

"HAHAHAHA. Bayad utang ko pala yun!" Mapang-asar nyang sabi sa akin.

"Ewan ko sa'yo!"

Ang daming tao sa stalls.

"Anong sa'yo?" tanong nya sa akin. Akala mo sya magbabayad eh no

"Bacon sandwhich" Sabi ko habang nagbibilang ng pera sa coin purse.

Walanjo kasi tong Gino, hindi nagdala ng pera. Ilang bente pa ba tong nasa coin purse ko. Nagbibilang ako ng tig-lima baka umabot pa ng 60 pesos to.

Buti naman lumagpas pang 60pesos to haha

"Hoy Ginoooo" tawag ko kay Gino pero pagtingin ko kung nasaan sya ay may dala-dala na syang dalawang sandwhich bag at palapit na sa akin.

"Ang tagal mo mag-bilang Madam" sabi nya sabay abot ng Bacon Sandwhich

"Teka, hawakan mo muna yan. Magbabayad lang ako"

"Ng ano?"

"Edi ng mga binili natin"

"Bayad na yan" sagot nya sabay abot ng sandwhich "May pera ako sa bulsa! Inaasar lang kita"

"Epal mo" pairap kong sabi sabay ngiti sakanya habang kinukuha yung sandwhich ko

"Walang mayo yan ha alam ko ayaw mo nun"

"Anoooo?" pagalit kong tingin sakanya habang binubuksan ang sandwhich ko para tignan kung wala ngang mayo. Sino nagsabi na ayaw ko ng mayo? "Kelan ko pa naging ayaw ang mayo? ha Gino?" naiinis na talaga dito eh

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random DaydreamsWhere stories live. Discover now