Prologue

4 0 0
                                        

"Hindi ako disgrasyadang babae, tandaan mo 'yan!" sigaw ko sa kaniya habang nag-iimpake ng mga damit ko.

"Talaga? E bakit palagi kang umuuwi nang madaling araw? Minsan uuwi ka dito may dala ka nang bata!" sigaw sa akin ni Andy, hindi ko alam kung bakit ganito kakitid ang utak ng kinakasama ko ngayon.

"Hindi mo 'ko maiintindihan." 'yun na lang ang nasabi ko at akmang papasok ng kwarto para kuhanin ang anak ko, pero pinigilan ako ni Andy.

"Hindi mo siya dadalhin. Sa akin si Elli. Kung gusto mong umalis, umalis ka. Pero wala kang bibitbitin na kahit ano maliban sa mga damit mo." kalmado ngunit matapang na sabi niya sa 'kin.

"Anak ko rin siya, Andy! Mas may karapatan ako sa kaniya dahil ako ang nanay niya!" sigaw ko habang pilit na inaalis ang kamay ni Andy sa pinto, ngunit malakas siya at naramdaman ko na lang ang sarili ko sa sahig. Nanghihina na ako at hindi ko na kayang mang-laban kaya kinuha ko na lang ang bag ko at umalis.

Limang taon na ang nakalipas noong huli kong makita si Elli, pitong taon na siya at birthday niya ngayon. Balak kong bisitahin siya pagkatapos kong dumaan sa Your Child's Place, isang bahay-ampunan na pinundar ko para sa mga batang nasa lansangan lang noon.

"Lia, wala na tayong stock para sa pagkain ng mga bata. Kailan tayo mamimili ulit?" bungad sa 'kin ni ate Belen, siya ang pinaka-matanda rito kaya siya ang naga-assist ng mga kailangan na gamit at pagkain para sa mga bata.

"Mamimili ho ako bukas, kasya pa ho naman hanggang mamayang gabi 'yung natitirang stock diyan 'di ba?" sambit ko habang chine-check ang mga bata.

Mukhang okay naman sila, tumataba na rin ang ilan sa kanila, binukod namin ng kwarto ang ilang may sakit para hindi magka-hawaan. Next week ay pupunta ang doctor nila rito para i-check ulit sila at ang health ng ibang bata.

"Nga pala, Lia. May nag-volunteer na teacher dito sa bahay-ampunan para mag-turo sa mga bata. Makiki-pag-usap daw siya sa 'yo kapag free ka na." singit naman ni Alma, siya ang connection sa mga nais mag-volunteer o mag-sponsor dito. Marami siyang kilala na may-ari ng malalaking kompanya rito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

"Sure. Ate Belen at Alma, kayo na muna ang bahala rito ah. May pupuntahan lang ako. Babalik ako bukas." pagpa-paalam ko, mag-aalas tres na at male-late ako sa 7th birthday party ni Elli. Ngayon na lang ulit kami magki-kita matapos ang limang taon. Kilala pa kaya niya ako? Halos dalawang taon lang siya noong iniwan ko siya kay Andy. Balita ko naman ay maayos ang kalagayan nila dahil teacher na si Andy ngayon at may kasambahay siyang kinuha para alagaan si Elli.

Maraming tao, halos mga bata ang imbitado, siguro ang iba'y estudyante ni Andy at ang iba ay kaklase ni Elli.


Nakita ko mula sa malayo si Andy, nakasuot siya ng pastel blue na polo, at nakatupi ang manggas nito hanggang sa siko niya. Naka-fitted jeans siya na kulay white at pinaresan ito ng sapatos. Ang gwapo pa rin ni Andy. Lumapit ako sa kaniya at agad niya naman akong nakita.



"Andy..." banggit ko sa pangalan niya habang pilit na ngumingiti para hindi ako mailang.

"Nasa loob pa si Elli, inaayusan pa siya ni Tin. Kung gusto mo ay puntahan mo siya roon. Mauna na 'ko at aasikasuhin ko ang bisita ni Elli." matabang niyang pananalita. Ngumiti lang ulit ako at tumango.



Pumasok ako sa loob ng bahay ni Andy, maganda ito. Mukhang pamilyado na siya at talagang nagpu-pursigi sa buhay. Nakarinig ako ng tawanan mula sa isang kwarto. Kakatok na sana ako sa pinto nang may marinig akong boses ng bata.


"Mommy, what time po ako magpa-party? I want cake na po, e." sambit ng bata at para akong sinasaksak sa puso dahil alam kong si Elli 'yon.


"Later, baby. May hinihintay pa raw si daddy mo na bisita, e. Pero baka nariyan na 'yon kaya tapusn na natin 'to ha, para maka-labas na ang baby girl namin." pangla-lambing ng babae kay Elli, siguro ay siya ang tinutukoy ni Andy na Tin ang pangalan.


Napako ang mga paa ko sa pintuan at hindi ko namalayan na ilang minuto na akong nakatayo roon. Natauhan lang ako ng may kumalbit mula sa likod ko.

"Uy, Andy, ikaw pala." sabi ko na lang pagka-lingon ko. "Start na ba ng party?" dagdag na tanong ko.

"Yes, let's go outside." yaya niya at bigla namang bumukas ang pinto at tumambad ang batang hanggang bewang ko ang taas. Nababalutan siya ng pastel pink na dress. Naka-tirintas ang buhok at nag-mukha siyang prinsesa dahil sa tiara na suot niya.

"Mommy, let's go!" masayang banggit ni Elli. "Hi, daddy! You're here!" lumapit siya kay Andy at akmang yayakap, umupo naman si Andy para mag-pantay sila at niyakap rin si Elli.

Kasunod na lumabas 'yung babae na nag-ayos kay Elli. Ang ganda nga niya, sakto lamang ang katawan, kasing taas ko ngunit mas maputi siya kumpara sa 'kin, bagsak rin ang buhok niya at itim na itim. Matangos ang ilong niya at brown ang mga mata. Hulmang-hulma ang katawan niya dahil sa suot niyang fitted white dress na pinaresan ng black na heels.



"Ohhh, siya na ba 'yun, Andy?" tanong ni Tin habang inuusisa ako dahil sa tingin niya na para bang gusto na kong i-baon sa lupa.

"Who is she, mommy?" napatingin ako kay Elli na hawak ang kamay ni Tin at nakatingala sa kaniya habang nagta-tanong kung sino ako.

"Hindi na mahalaga, baby. Let's go outside, iniintay ka na ng mga bisita mo." sagot ni Tin na lalong dumurog sa 'kin sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko na lang tumakbo at umiyak. Sarili kong anak, hindi ako kilala. "Sumunod ka na lang sa labas, Andy." dagdag ni Tin bago tuluyang lumabas. Sinundan ko sila ng tingin, ngunit hindi na lumingon sa gawi ko si Elli.


"Hindi niya ba talaga ako kilala?" tanong ko kay Andy.

"Hindi." tipid na sagot niya at tsaka tumingin sa 'kin. "I'm sorry, Lia. Hindi ko alam kung paano kita ipakikilala kay Elli. Si Tin ang kinilala niyang nanay simula noong umalis ka."


Para akong binagsakan ng langit at lupa. Tumakbo ako palabas ng bahay ni Andy habang patuloy na lumuluha.



Kasalanan ko 'to.


Bata, bata! حيث تعيش القصص. اكتشف الآن