"Can i sit beside you?" Tanong ni Levine Madrigal.
Natulala ako dito. Parang nakalimutan kong huminga. Bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko tumutulo na ang laway ko. Simpleng tanong pero hindi ako makasagot. Para akong tanga sa sobrang pagkagulat sa tanong nito. Nagulat nlng ako ng may kumurot sa tagiliran ko.
"Ouch!" Impit na daing ko. Alam na alam ko na kung sinong impakta ang gagawa nun. Walang iba kundi si Ice.
"Are you alright?" Tanong ni Levine habang hinihintay parin ang sagot ko.
Napatingala ako dito at napatitig nnmn.
OhmyG! Heaven ...
"Never been alright" nagdedaydream na sagot ko dito. Bigla nmn napalitan ang expression nito. Hindi ko mabasa. Parang nawiweirdohan siya sakin.
"Uhm- thanks!" Sagot nito at umupo na sa tabi ko.
Nagsimula ang klase na may ngiti sa labi ko. Panay ang sulyap ko dito. Samantalang ito ay nakikinig at panaka-nakang nagtetxt. Sino kaya ang katxt nito? Bigla nmn nabura ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang dahilan ng pagwawala ko, may girlfriend na pala ito, ang bubuyog ng cheering squad, si Honey King.
"Okay class, bring out one piece of yellow pad. May quiz tayo" sabi ng teacher namin sa Algebra. Binuklat ko ang bag ko pero wala doon ang papel ko. Malamang naiwan ko nnmn sa bahay!
"Ice, penge nmn ako ng papel!" Sabi ko kay Ice.
"Wala na kong papel. Humingi lang ako kay Marie" sagot nito. Tumingin ako sa paligid at hinanap ng mata ko si Marie. Malayo layo ito sa akin. Tumingin ako kay Levine. Nakita ko na may papel ito sa table.
"Levine" mahinang tawag ko dito dahil baka marinig ako ni ma'am.
Tumingin ito sakin na parang nagtatanong kung anong kailangan ko. Ang gwapo talaga nito! Kakainlove! Nagwawala nnmn ang mga hormones ko. Tumatalon na din ang puso ko. At hindi nnmn gumagana ng patino ang utak ko.
"Pde bang makahingi ng papel?- Papel sa buhay mo?" Wala sa sariling tanong ko dito. Nagulat nmn ako nang may bumatok sakin.
"Aray!" Napalakas na daing ko.
"Is there anything wrong Ms.Shanika?" Tanong ng prof namin.
Napakamot ako ng ulo at umiling. Binalingan ko si Ice at tiningnan ng masama. Nakatingin din ito sa akin habang nanliliit ang mata.
"Ansakit nun ah!" Reklamo ko dito.
"Dapat lang yan sayo! Ang landi landi mo. Kita mo ng may quiz tayo tapos kung makabanat ka pa diyan WAGAS!" Sermon nito. "May pahingi hingi ka pa ng papel sa buhay niya! E kung kalbuhin kaya kita?"
Nabaling nmn ang tingin ko sa kabila ng maramdaman kong may nagpatong ng kung ano sa table ko. Nakita ko ang inabot na papel ni Levine.
"Salamat" sabi ko dito. Hindi ito lumingon sa akin. Bigla akong napangiti. Simple act pero tagos sa puso ko! Beng!
Nang matapos ang klase ay lumabss na agad kami ni Ice.
"Hoy Shan, tigil tigilan mo si Levine ha? Alam mo ng may girlfriend yung tao e. Ayoko lang na mapaaway ka dahil diyan. Kilala mo nmn ang ugali ni Honey King diba? Tska ayoko lang masaktan ka" Sabi ni Ice habang naglalakad kami.
"Dont worry about me Ice" assurance ko dito na okay lang ako. Bigla akong napatingin sa relo ko. 15 minutes nlng bago mag alas kwatro. Naalala ko ang usapan namin ni Spade. "Ice, una na ako ha? Marami pa kasi ako gagawin sa bahay e. Sumakay ka na ng tricycle diyan" paalam ko dito.
"Sige, mag ingat ka!"
"Ikaw din" yun lang at dali dali na akong nagtatakbo papunta sa park. Lakad takbo na ang ginawa ko para di ako msyado hingalin. Nang sa wakas ay nakarating din ako. Huminga muna ang ng ilang beses. Pumapatak na ang butil butil ng pawis mula sa muka ko. Nakita ko si Spade na nakaupo sa pinakaharapan ng sasakyan nito.
"Sorry *breath* natagalan *breath* ako" Hinging pasensya ko dito habang naghahabol parin ng hininga.
"Akala ko nga hindi ka na darating e"
"Pwede ba nmn yon? Palalagpasin ko bang makapanuod ng racing kasama ang idol ko?" Nakangiting sabi ko dito. Nakita kong ngumiti din ito.
"Lets go?" Tanong nito. Tumango lang ako. Binuksan na nito ang passenger seat ng Lambhorgini Veron at sumakay na ako. Napakaswerte ko at isa ako sa mga piling tao ang makakasakay sa ganito kagandang sasakyan. "Are you ready?" Nakangiting tanong nito pagkaupo sa driver seat. Isang tao lang ang sinagot ko at ngumiti. Tinaas na nito ang bubong ng sasakyan. Binuksan ng napakalakas ang sounds at pinatakbo ng mabilis. I've never been excited in my life. NGAYON LANG.
_______________________________________
(A|N: Sorry sa napakatagal kong update mga readers. Wag kayong mag alala dahil tapos ko na ang Unwanted Wife, mas matututukan ko na to :) Keep on supporting me as i finish this story! VOTE & COMMENT :) Loveyuall)
Love, drpdeadgrgeous
