Chapter 9 - Confusion (Part 1 )

28 2 0
                                    

Caryl's POV

"A-ano?.." Hindi ako makapaniwala sinabi nya. May namatay ulit? Paano nangyari yun? Hindi. Hindi pwede. Diba dapat masaya kami ngayon? Christmas Party namin ngayon ah? Bakit ganun? Ang sakit talaga. It's hard to accept the reality.

"B-bakit ganun?! Sino ba ang namatay, ha?! Please tell us, Larina!" sabi ni Kryzel habang nakahawak sa mga dalawang balikat ni Larina. Alam kong masakit kay Kryzel iyon. Nawalan na kami ng bestfriend, tapos mawawalan pa ng kaklase? Grabe ang higpit ng buhay.. Ay hindi pala. Hindi pala ang buhay ang dapat sisihin. Ako pala dapat. Pero bakit hindi na lang ako ang namatay?

"Si Ian ang namatay.." biglang sumabat si Dylan sa aming usapan. Napatakip si Kryzel ng bibig at umiyak. Niyapos ko sya sa likuran at tahimik na umiyak din. Ang sakit talaga. Lalo na pag ikaw ang may kagagawan sa mga nangyayari.. It hurts you know.

"Nasaan na ba sya?" tanong ni Kryzel kay Dylan. "Nandun sa classroom natin" sagot ni Dylan. Dumiretso kami sa classroom at sakto pag dating namin, ang daming taong nasilip. Buti na lang hinarangan nila James, Tyler at Sophia ang pintuan namin.

Pinapasok naman kami at pagkita ko, duguan si Ian. Halos maligo sya sa sarili nyang dugo. Nakakatakot. Sunog ang mga daliri nya at na-exposed masyado ang mga mata nya at dilat na dilat ang mga ito. Kakaiba talaga ang nagyari sa kanya.

Ni hindi namin alam kung paano sya nagka ganyan. Sabi daw nila Dylan, ang huli nilang pagkita kay Ian ay nasa classroom sya at may hawak-hawak na cellphone. Ayaw nyang pumunta sa gym at manood ng program. Sabi ng iba maari nagpakamatay sya. Pero malakas ang kutob ko na may pumatay sa kanya.

O baka naman kagagawan lang ng faith dahil sa ginawa ko. Ang labo. Hindi ko maintindihan. Pero tulad ng sabi ko, malakas ang kutob ko na may pumatay sa kanya. Nakita ko si Jerlien na iyak ng iyak sa harapan ni Ian. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng kaklase. Pero sa pagkaka-alam ko, boyfriend ni Jerlien si Ian. Nakakaawa. Nawalan na nga sya ng bestfriend tapos nawalan pa sya ng boyfriend. If i was in her place, alam kong hindi ko rin kakayanin.

"Ian?! Ian?! Gumising ka, Ian!! Hindi nakakatawa ang biro mo!! Please wake up na!! Wag mong gawin sa akin ito, Ian!! Mahal na mahal kita, kaya please wag mo akong iwan!! Ian?! Ian!!!.." sigaw ni Jerlien kay Ian habang nakaluhod sa harap nya. Sophia was just patting her in the back gently. Wala syang emotion. Hindi sya naluha o humihikbi. Seryoso ang mukha nya. Habang si Larina, nakatayo lang sa harap nila, tahimik na umiiyak.

Bagong lipat lang dito si Larina at alam ko kung gaano kasakit sa kanya na mawalan sya ng kaklase. And she's in pain right now. Dumating ang principal sa classroom namin at gulat na gulat ang mukha nya. "Crimson Section, sino sa inyo ang gumawa nito kaya Ian?! Umamin na kayo! Kung hindi ire-report ko ito sa mga magulang ninyo!!" pulang pula ang mukha ng Principal namin na si Sir Agustin.

Nagtinginan lang kaming lahat. Walang nagsalita at umimik. Siguro kung isa man sa amin ang pumatay kay Ian, natakot yung taong yun. Actually, ramdam ko ang tensyon dito sa classroom na ito. Kasi alam namin lahat na pamamkin ni Sir Agustin si Ian. Salutatorian si Ian sa Crimson Section eh. He is one of the best. Kahit natutulog yun sa klase o kaya naglalaro lang sa cellphone nya, pag tinanong ng teacher namin about the lesson, nganga ka dahil magaling mag-explain si Ian.

"Sige, kung hindi kayo magsasalita, then all of you in my office right now!!" galit na galit na pagsabi ni Sir Agustin sa amin. Sumunod na lang kami sa kanya at dumiretso sa office nya. Nag-give way naman ang mga ibang estudante nung dumaan si Sir Agustin at kami. Tumingin si Sir sa mga estudante at nagsalita.

"Kayo, anong ginagawa nya dyan?! Go back to your classrooms!!" sigaw ni Sir sa kanilang lahat. Halatang natakot sila kay Sir kaya sumunod na lang sila. Yung iba nagtakbuhan at yung iba naman naglakad ng mabilis. Nung nakarating na kami sa Principal's Office, pinukpok nya ang table ng malakas "BLAG!!!" Natakot kami sa ginawa nya at yumuko.

"Ano ba namang kabalbalan at ka-tangahan ang ginawa ninyo ha, Crimson Section?!! Bakit namatay si Ian, ha?!! Diba kayo ang leading at first section?!! Bakit nyo pinabayaan na mamatay si Ian, ha?!! SAGOT!!!" sigaw sa amin ni Sir habang pulang pula ang mukha. Walang nagsalita sa aming lahat. Nakatingin lang kami kay James dahil sya ang Class President ng aming section. Huminga sya ng malalim at inayos ang kanyang necktie tsaka tumayo upang magsalita.

Lahat kami kabado dahil sa baka magalit si Sir sa amin kahit in-explain naman ni James ang nangyari. Ni wala sa amin ang alam kung ano ang nangyari kay Ian.

"Uhmm, Sir.. Uhmm.. Hindi po namin alam kung paano sya namatay at kung sino. Pero bago po kami pumunta sa gym, nakita po namin si Ian nasa upuan nya, may kausap sa cellphone. Akala po namin eh susunod na po sya.." Sa boses palang ni James, alam ko na kabado sya. Pero wala akong magagawa. Kailangan nyang harapin si Sir.

Kung hindi, we'll be facing consciquenses. He has to save our section.

. . .

Naglalakad ako ngayon pauwi kasama si Kryzel. Tapos na ang program at minadali namin ang pag-uwi. Walang umimik sa amin. Hangin lang ang naririnig namin. Natakot kasi kami kay Sir kanina eh. Sigaw at bulyaw ang natatanggap naming lahat. Ngayon lang namin nakita si Sir ng ganyan.

I was still in deep thoughts ng biglang nagsalita si Kryzel. "Kanina ka pa tahimik dyan ah. Natakot ka ba kay Sir?" The silence suddenly broke. Finally she speaks. Magsasalita na sana ako eh, biglang nag-ring ang cellphone ko.

Unknown Number- +639065269434 *RING!!..RIING!!!*

Nakita ito ni Kryzel at ang ikinagugulat ko ay dinukot nya ito sa akin at tinignan. Nagulat ito. Tumingin sya sa aming paligid. Halos walang katao-tao ang daanan at mukhang na-abandonan ito. "Wag mong sasagutin, Caryl.." yun lang ang nasabi nya. Ang lamig ng boses nya.

Sasagutin ko ba ito o hindi?

Now you see him, now you don'tWhere stories live. Discover now