"Ganoon na lang ba ka dali 'yon?" Tanong niya sakin habang naka yuko.
Madali nga ba?
Madali ngalang ba gawin itong desisyon kong to?
Tama ba to?
Ewan, di ko na rin alam. Basta ang alam ko lang pagod na ako.
"Hindi ko alam." sabi ko habang pinipigilan ang mga luhang nag babadyang tumulo sa aking mga mata.
Kung siguro may tumbas na pera itong mga luha ko ay milyonaryo na ko. Sa gabi gabi ba namang pag iyak dahil kay Jeo hindi pa ba ako yayaman nito.
He held my chin and pulled my face towards him. Ngayon wala na akong choice kundi ang maharap siya. Nag aalangan akong tumingin sa mga mata niya at agad naman ay yumuko.
Ayoko. Ayoko na muling malunod sa mga titig niya. Isang tingin lang muli sa mga mata niya, pakiramdam ko ay gagapang na naman ulit ako pabalik sa piling niya. Na siyang ayaw kong mangyari.
Tapos na ako, pagod na ako, pilit kong ipag sa walang bahala lang ang sakit na nararamdaman ko pero ngayon hindi ko na kaya. Masyado nang masakit.
"Pagod ka na ba? Akala ko ba mahal mo ako" He said while still holding my chin and forcing me to face him.
At sa kaniya pa talaga galing. Parang bigla akong natawa sa mga sinabi niya. How dare him question my feelings towards him. Ni minsan ba ay tinumbasan niya ang pag mamahal na binigay ko sa kaniya?
" Siguro nga minahal kita at hanggang ngayon mahal parin kita, pero mali bang pinipili ko na ang sarili ko ngayon? Mali bang unahin ko muna ang sarili ko?"
Na bigay ko na sakinya lahat, to the point na wala nang naiwan sa akin.
"Sorry, hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo. Hindi talaga kita kayang mahalin." I smiled bitterly upon hearing those words.
Alam ko, alam na alam ko Jeo. Kaya na sasaktan ako. Dahil kahit anong gawin ko wala parin.
Ganiyan talaga siguro basta hindi para satin. Kahit anong pilit natin, basta hindi nakalaan para satin hindi talaga pwede.
"Sana kung kailan pwede na, pweda pa." turan ko sa kaniya bago tumalikod. I was done, tapos na kong umasa sa kaniya. Tapos na kong masaktan ng paulit-ulit.
Kung ganito lang naman pala kasakit mag mahal, siguro suko na ko. Pagod na ako.
Ngayong papalayain ko na ang sarili ko.
Tuluyan na ring bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Buhay nga naman nakakatawa, dahil kasabay ng pag tulo ng aking mga luha ang siya ring pag bagsak ng malakas na ulan.
Normally I would panic everytime na umuulan. Kasi baka kasunod non ay kulog at kidlat.
I have always been afraid of hearing loud thuds of thunder and the seeing the flashes of lightning everytime it rains.
Pero ngayon, nawala lahat ng takot dahil isa lang ang nararamdaman ko ngayon.
Sakit.
Sobrang sakit sa dibdib. Alam mo yung para kang sinaksak ng paulit ulit.
Hinayaan ko nalang ang sarili ko na mabasa sa ulan. Tumingala ako sa langit at ngumiti habang hinahayaan ang lahat. Habang hinahayaang itago ng mga patak ng tubig ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata.
Somehow I let myself release all the pain I'm feeling and cry it all out.
Kaya ko to. Clarisse kaya mo to. You have to. Para sa sarili mo.
_____________________________
First tine ko po mag sulat ng story and sorry if this isn't really perfect. But I hope you support me throughout the whole story.💖
Aja! Fighting!
YOU ARE READING
Sana
Teen Fiction"Sana kung kailan pwede na, pweda pa." turan ko sa kaniya bago tumalikod. I was done, tapos na kong umasa sa kaniya. Tapos na kong masaktan ng paulit-ulit. Kung ganito lang naman pala kasakit mag mahal, siguro suko na ko. Pagod na ako.
