Chapter 29: GREAT PLAN

Beginne am Anfang
                                    

I smirk "Aysus... tigil tigilan mo ko Ethan, alam kong hindi ako maganda"

"Hay nako Kei, bakit ba tuwing sinasabihan kita na maganda ka or cute ka lagi mo nalang sinasabing hindi.."


Hinarap ko ang mukha ko sa mukha nya, "Eh Hindi nga kasi ako maganda..."

Tumingin si Ethan sa mukha ko... ngumiti sya "Hindi totoo.... sobrang ganda mo nga eh"


Bigla nya akong hinalikan sa labi...


"Luhh... ikaw ha dumadale ka nanaman, nanghahalik ka bigla bigla" natatawang sabi ko.

"Syempre... ang ganda mo kasi eh" nakangiting sabi nya.

"Talaga? Maganda ako?"

Hinalikan nya ako uli.

"Oh... tinatanong kita tapos hinalikan mo lang ako"

Ngumiti si Ethan "Ibigsabihin nun, oo ang sagot ko..."


Takte ka Ethan..... pinapabilis mo nanaman tibok ng puso ko ehh


"Ganun?.... eh pano kung mawala ako, hahanapin mo ba ko?"


Humalik sya ulit sakin.


"Aba, nakakarami ka na ha..." natatawang sabi ko kay Ethan.


"Syempre... Mahal kita eh, ako ba, mahal mo din ba ko?"

Binalot ko sa ibabaw ng balikat nya ang mga braso ko... at hinalikan ko sya sa labi nya.

Nung oras na yon, tinuon ni Ethan ng halik ang bibig ko at hindi pinakawalan ng matamis nyang halik ang labi ko.

Habang naghahalikan kami ay ramdam ko ang kabog ng dibdib ko....

Ilang minuto ang lumipas, pinakawalan nya rin ang mga labi ko...

"Ano? Naniniwala ka na bang maganda ka?" tanong nya.

Umiling ako "Hindi pa din eh.."

Hinalikan nya ulit ng mabilis ang labi ko.

"Ano? Di ka parin naniniwala?"

Natawa ako bigla "Hay nako Ethan... kanina ka pa halik ng halik eh, haha takaw mo talaga manghalik"

Ngumiti sya "Bakit, ayaw mo ba?"

"Gusto..."

Pagkasabi ko non... agad na dinait ni Ethan uli ang labi nya sa labi ko...

Tinuon nya ng napakatamis na halik ang bibig ko, Hindi nya ito pinakawalan....

Habang ako, ninanamnam ko lang ng sobra ang tamis na dala ng labi nya...

Maya maya ay tinanggal na din nya ang labi nya "I love you so much Kei...."

Ngumiti ako "I love you so much too Ethan..."


.............................................................

..............................................................


"Yan ang napagplanuhan namin ni Ethan kanina..."


Kwento ko kina Mary sa video call.


"Wow ha... maganda din naman yung plano nyo" -Fity

"Yahh mader... saka maganda yung naisip ni Ethan, tama lang yun na ligawan ka na muna nya pati family mo" -Mary

"Hooohh kinakabahan nga ako eh..."

"Bakit namn?" -Cindy

"Eh syempre.... alam nyo naman papa ko, masyadong mahigpit yon pagdating sa mga ganyan.."

"Hindi naman siguro.... syempre papa mo yun, baka talagang ayaw lang nya na mapahamak ka" -Fity

"Hehe alam ko naman yun... sadyang inaalala ko lang si Ethan, baka mamaya pahirapan ni Papa yun eh" natatawang sabi ko.

"Hahaha hindi naman siguro mamsh, siguro kikilalanin lang ng mabuti ni Tito si Ethan..." -Cindy

"Oo nga, saka wag kang mag alala kay Ethan... jusko kayang kaya nya yun kung sakaling may ipagawa si Tito sa kanya"
-Mary



"Jusko sana nga..." napaisip ako bigla "Pero mas kinakabahan ako sa mga magulang nya ehh....."




Biglang natawa si Cindy "Haha nako mamsh wag kang kabahan..... I'm sure pag nakilala ka ng mga yun, magbabago din isip nila"



"Pero alam mo mader, taka lang ako dyan sa mga magulang ni Ethan... kelangan talaga foreigner? hahaha" - Mary



"Hahanap pa ng taga ibang bansa.... jusko eh lahat na nasayo, all in one ka na nga eh hahanap pa hahaha" -Fity


Natatawa lang ako sa pinagsasabi ng tatlo...



"Hehe don't worry guys.... I'll do my best, gaya ni Ethan liligawan ko din buong family nya... para naman makuha ko din loob nila"



"Wooohhhh, kaya mo yan mamsh.... kaya nyo yan ni Ethan go go go..." -Cindy




Hayss goodluck to the both of us.... jusko gabayan nyo po sana kami ni Ethan

Still You, Only You Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt