Chapter 1

29 9 8
                                    

"MGA SIZ!"

"Hoy Mickey, ang ingay-ingay mo na naman. Pwede ba tumahimik ka naman kahit mga 5 minutes lang."  Sabi ni Mia habang hawak ang cp niya, siguro ka text na naman nito yung model niyang jowa.

"Hmp! Gusto ko lang naman kayong e libre eh, kasi sa wakas kami na ni Doc. Troy ko. #MAG CELEBRATE TAYO"  Sabay talon talon niya pa na para bang nanalo sa lotto ng milyones.


"Weh? Totoo mang lilibre ka? Saan naman?" Tanong ko sa kanya.

"Secret pero sure ako na masarap yung chef- este yung luto ng bagong restaurant na kakatayo lang malapit dito."

"Sige sasama ako Mics, Congrats pala lumelevel up na kayo ni Doc."  Support ni Shani kay Mickey.

"Yey, thank you Shani huh. Ikaw lang talaga yung mabait dito."

"Aba! So kami masasama?" Tanong ni Pressy.


"Oppsss, wala kong sinabe."

"Kailan mo ba kami e lilibre huh Mics?" Tanong ko para di na sila mag bangayan pa.


"Eh di ngayon, wala naman tayong practice ngayon di ba?"

"Yes, Fayeri is on a vacation." Sagot ni Pressy


"Malamang kasama yung secret hubby niya."  Sabat naman ni Mia.

"Huwag na natin pag- usapan si Fayeri, tara na para di tayo ma traffic."

" Anong ma traffic Roxy, eh pwede lang naman yung lakarin eh."



After 1 hour...



"H-hoy Mickey... walanghiya ka, s-sabi mo pwedeng lakarin... kasi m-malapit lang. B-bakit inabot tayo ng...isang oras sa paglalakad?" Hinihingal na tanong ko.

"Chill ka lang Roxy my friend, ano ka ba exercise din toh no. Para mabawasan kahit konti yung fats mo hihi."

"Aba't, halika dito Mickaela Charleen Aragon sasakalin kitaaaaa!"

Sabay takbo naman ni Mickey sa loob ng restaurant, hinabol ko siya hanggang sa loob at sumunod naman yung tatlo sa likod namin habang tumatawa ng dahil samin ni Mickey.


Malapit ko na sanang mahuli si Mickey ng mabangga niya yung waiter na may dalang juice,  kaya ayun tumilapon ang juice at nabuhos sa sahig kaya ang resulta nadulas ako, handa na sana akong matumba pero may isang malapad na dibdib at matipunong bisig ang nakasalo sa'kin at wait ang bango niya parang familiar nga yung amoy eh, kaamoy ni...

"Are you okay Rox?" Tanong niya habang ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa.



SHET NA MALAGKIT! BAKIT SIYA NANDITO?

After six years nagkita uli't kami, teka di ba nasa South Korea siya.

"W-what are you doing here Ethan?"

"I am the owner of this restaurant, why ex-wife?"

"EX-WIFE?"
Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ko.





Lagot na, mukhang mapapasabak ako sa TONIGHT WITH SHANI, MIA, MICKEY AND PRESSY GIRLS MAMAYA...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined to love youWhere stories live. Discover now