First Day: First Encounter

ابدأ من البداية
                                    

"Sali tayo sa mga club" sabi ni Choco










"Saan mo isasaling club yung katulad kong talentless?" Tanong ko.










"Hindi ba talent mo manguha ng lalaki sa isang tingin?" Tanong niya sa akin at binatukan ko naman siya dahil dun










"Pag ikaw hindi tumigil, hindi talaga kita hahanapan ng jowa" sabi ko.










"Makapag salita naman to, may jowa ka?" Tanong ni Sanny sa akin










"Bakit ikaw, may jowa ka?" Tanong ko at tumawa kaming tatlo.










"Anong club sasalihan niyo?" Biglang sumulpot ang isang lalaki sa harap namin.










"Wala pa po kaming naiisip e" sabi naman ni Sanny










"Why not drama club. I'm Francis, I'm the president of the drama club. And unang kita ko palang sayo, alam ko ng magiging asset ka ng drama club" sabi niya kay Sanny.










"Bye, Sanny" sabi namin ni Choco at iniwan siya. Napakamot naman siya ng ulo.










"Ikaw, anong sasalihan mo?" Tanong ko kay Choco.










"Baka sa Music club or Dance club, ikaw?" Napa isip naman ako sa tanong niya










"Sa Cooking club, siguro" sabi ko.










"Iwan na kita dito mag reregister na ko. Icha chat ko nalang kayo." Napakamot naman ako ng ulo 










Pumunta ako sa basement kung nasaan naka base ang cooking club. Kaunti lang ang tao dito.










"Magreregister ka?" Tanong ng babae na nag aayos ng listahan. Alangan, ano sa tingin mo ginagawa ko dito?










"Oh, Hi" biglang sumulpot yung Jacob sa harap ko. "Sasali ka sa club ko?" Tanong niya sa akin. Mukhang magbabago na ang isip ko. Aalis na sana ako ng pigilan niya ko 










"Bawal na mag back out" sabi niya. Nilista ko na lang yung pangalan ko.










"I'm Jessa, kapatid ko tong si Jacob, mukhang na meet mo na siya, siya ang president ng Cooking club. And I'm his secretary." Sabi nung babaeng nagtanong sa akin kanina.










"Nagluluto ka?" Tanong ko dun sa Jacob










"Actually, hindi. Kaya nga kinuha kong secretary tong kapatid ko e." Sabi niya. "Pinilit lang ako ng Prof ko na mag president" sabi niya pa










"Ah okay, Aalis na ko. Inaantay na ko ng mga kaibigan ko" sabi ko.










"Anong club yung sinalihan ng kaibigan mong babae!?" Tanong niya










"Si Sanny? Tingin ko sa drama club." Sabi ko at umalis na.










Pumunta ako sa harap ng building at inantay sila Choco.










"NASA DRAMA CLUB NA KO" sabi ni Sanny na tuwang tuwa. "Kaso di ako marunong mag drama" sabi niya natawa naman ako. "Nasaan na si Choco?" Tanong niya, naalala ko na naman na wala pa siya dito










"Oo nga pala, hindi nga nagrereply" sabi ko.










"Puntahan na natin sa dance club" sabi ni Sanny, tumango naman ako.










Pagpunta namin dun ay nakaupo ang lahat. Ang daming tao sa club na to. At may nagsasalitang lalaki sa harap. Pinuntahan naman kami ni Choco










"Nakakabwiset. May audition kami ngayon, nakakainis kasi, ang daming gustong sumali."sabi niya










"Bakit ba ang daming gustong sumali dyan?" Tanong ko










"Nandito daw kasi sa club na to yung isa sa 5VE" sabi niya










"5VE?" Tanong ni Sanny










"Yung limang naencounter natin kaninang umaga" sabi niya. "President sila ng iba't ibang clubs. Ikukwento ko mamaya sa inyo" sabi niya.










"Frojas?" Tawag nung lalaki. Lumapit naman si Choco at inantay namin siya. In the end, natanggap siyang member ng Dance club at halos kalahati yung natanggal.










"Uwi na tayo" sabi ni Choco.










"Mr. Frojas?" Tawag sa kanya ng isang lalaki










"Ah, bakit, pres?" Tanong ni Choco dun sa lalaki










"I'm Ivan Copper Corpuz. Dance Club President. Hindi ba kayo mag aaudition?" Tanong niya sa amin ni Sanny.










"Woy, member ko na to, huwag ka ng mang agaw" sulpot naman ni Jacob sa likod namin. "Hi, Sanny" sabi niya, feeling ko may gusto to kay Sanny.










"Kanina pa kasi sila nandyan akala ko member din sila" sabi ni Ivan










"Sige na, aalis na kami. Sinundo ko lang si Ivan. Ingat, girls and Choco" natawa naman kami ni Sanny. Hindi kasi showy si Choco sa pagiging gay niya. Napagkakamalan siya laging lalaki.






"Taksil kayo, tumawa pa talaga kayo" sabi ni Choco. At nagsimula na kaming lakarin ang palabas ng school.




___

College: My Club Presidentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن