Noong makababa kami sa lobby ay nakita ko nga si Iverson na nag hihintay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang kanyang kasalanang ginawa sa akin. "Kamusta kana?" ang bungad niya.

Agad na lumapit si Yuji sa kanya at hinila ang kanyang kuhelyo. "Anong ginagawa mo dito ha?!" tanong nito.

Pumalibot rin ang mga guard sa kanilang dalawa. Pero itinaas ni Iverson ang kanyang kamay. "Teka pre, hindi ako mang gugulo. Wala akong balak gawin iyon."

"Tahimik ang buhay namin dito. Anong kailangan mo kay Blas?" tanong ni Yuji. Lalapit ako ay Iverson pero pinigil niya ako gamit ang kanyang braso. "Diyan ka lang, hindi ka lalapit sa lalaking ito."

"Naparito ako para kausapin si Hunter." ang wika niya.

"Tungkol saan?" tanong ko.

"Gusto ko lang mag paalam." ang sagot niya.

Itinuro ko ang sofa. "Mag usap tayo doon." ang wika ko, binitiwan ni Yuji kanyang damit at dito ay niyaya ko siyang maupo sa gilid ng lobby.

Walang nagawa si Yuji at ang mga bantay kaya umalis sila at iniwan kami ni Iverson..

"Hunter, Blas o kahit ano pang pangalan mo, gusto kong sabihin sa iyo na pinag sisisihan ko yung mga nagawa ko. Tumiwalag na ako sa F4 at ngayon ay nag desisyon na akong bumalik sa ibang bansa at limutin yung mga nangyari dito."

"Kaylan ang alis mo?" tanong ko.

"Mamaya na. Ang sabi ni papa ay huwag na akong mag pakita sa iyo pero hindi matatahimik ang kalooban ko kaya't kahit galit ka sa akin ay kinapalan ko ang mukha ko para humarap sa iyo. Sana ay patawarin mo ako."

"Ayos lang, basta maging mabuting tao ka nalang para sa iyong sarili. At hindi sagot ang pakikipag laro sa iba para lang maging masaya ka. Bago ka mga bigay ng pag mamahal sa maraming tao ay pag aralan mo munang mahalin ang sarili mo." ang wika ko.

"Pero sana ay paniwalaan mo ang sasabihin ko. Gusto talaga kita at buong puso akong humanga sa iyo. Yung naramdaman ko para sa iyo totoo at seryoso ako doon. Sadyang nadala lamang ako ng aking emosyon. Patawarin mo ako." ang wika niya.

Ngumiti ako. "Isa kang perpektong boyfriend material kung mag seseryoso ka. Mag iingat ka sa flight mo patungo kung saan." ang tugon ko.

"Siguro naman ay makakatulog na ako ng payapa ngayon. Good luck sa inyo ni Yuji at sana ay maging masaya kayong dalawa. Hindi ko alam kung kailan kami ni Yuji mag kakaayos, siguro ay hahayaan ko nalang ang panahon na pag hilumin ang aming hidwaan." ang wika niya sabay lahat ng kamay sa akin.

Kinamayan ko siya sa huling pag kakataon. "Mag ingat ka."

"Salamat." ang wika niya at humarap ito kay Yuji saka kumaway.

Tumango naman si Yuji bilang tugon..

Lumakad si Iverson palabas ang lobby na may ngiti sa kanyang labi. Batid kong kahit papaano kay gumaan ang kanyang loob. Ngayon ay batid kong magiging malaya na siya sa lahat ng pangamba. Nasa kanya nalang iyon kung paano niya gugugulin ang kanyang buhay. Sa tamang pag mamahal ba? O sa pakikipag laro pa rin sa iba? Walang nakaka alam..

"Lumabas ang pagiging husband material ni Mr. Guarin kanina. Overproctective talaga siya pag dating kay Blas." ang wika ni Miss Justine.

"Tungkulin ko iyon." ang wika ni Yuji.

"Nag paalam lang yung tao. Masaya ako dahil mag babagong buhay na siya " ang wika ko sabay pasok sa aking opisina at nag pahinga. "Mr. Guarin, kung wala ka nang gagawin paki tapos na ang report doon sa table mo." ang utos ko

Umupo si Yuji sa kanyang mesa. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat kanina."

"Wala iyon. Boyfriend's Duty" ang naka ngisi niyang sagot sabay harap sa kanyang laptop.

Alas 6 ng hapon noong ilagay ni Yuji ang kanyang mga ginawa sa aking lamesa. Katulad ng dati ay chineck ko ito at maayos naman ang kanyang pag kakagawa.

"Masaya ka ba dito?" tanong ko.

"Oo naman. Dahil kasama kita." ang sagot niya.

"Mabuti naman. Paano ka binago ng kompanya?" tanong ko sa kanya.

"Natuto akong pahalagahan lahat ng bagay sa paligid ko. Maliit man ito o malaki. Siguro ngayon masasabi kong buo ang aking pag katao dahil naranasan ko ang mga bagay na nararanasan ng iba. Masarap rin palang mabuhay ng simple, yung kapag bibili ka ng damit ay titingin ka muna sa price tag kung kaya ba ng pera mo. Kapag kakain ka ay mas pipiliin mo doon sa mura. Natuto rin ako mga budget para bayaran yung upa ko doon sa apartment ko. At alam mo ba nung week end, umuwi ako kay mama, ibinigay ko sa kanya yung sweldo ko. Napaka sarap sa pakiramdam at ramdam kong ipinag mamalaki niya ako." ang masayang wika ni Yuji.

Ngumiti ako at kinuha ang folder sa aking drawer. "Para sa iyo ito. Pirmahan mo itong taas at itong baba. Tapos kailangan ng finger print mo." ang utos ko

"Para saan ba ito? Hindi mo naman siguro ako aalisin sa trabaho." ang wika niya habang natatawa.

"May tiwala ka ba sa akin?" tanong ko.

"Oo naman." sagot niya

"Kung ganoon ay pirmahan mo na." ang tugon ko at iyon ang kanyang ginawa..

Gumalaw ang kanyang kamay at pumirma..

"Teka para saan ba iyan?" tanong niya.

"Isang regalo galing sa akin. Nakita ko kung paano ka umulad bilang isang tao. Hindi na ikaw yung Yuji na mayabang at hambog noon sa campus. Ngayon ay isa ka nang mature na tao na nauunawaan ang halaga ng mga bagay sa mayroon ka at wala ka. Ang papel na ito ay ang opisyal na dokumento na ibinabalik ko ang 50% ng kayaman ng Guarin sa iyong pangalan at ang 20% ng Durria Corp ay inilipat ko na rin sa iyo. Nakasaad sa kasulatan na hindi maaaring ilapit ang pangalan sa kahit na kanino, hindi ito maaaring kunin ng iyong ama.

Ang inyong tirahan na nakapangalan sa akin ay inereregalo ko sa inyong ina. Maaari ka nang umuwi doon. At tungkol naman sa iyong ama, maaari na siyang lumabas sa kulungan sa susunod na apat na buwan. Ngunit siya ay titira na sa ibang bansa at hindi na siya maaaring lumapit sa akin.

Deserve mong pag yamanin at ipag patuloy ang nasimulan ng iyong angkan, sana ay gamitin mo ito sa tama at huwag mananapak ng tao para umangat. May tiwala ako sa iyo kaya't sana ay huwag mong sirain ito." ang paliwanag ko.

Hindi sumagot si Yuji. Napa dukdok ito sa lamesa at tinakpan ang kanyang mukha..

"Bakit umiiyak ka?" tanong ko

"Wala. Masaya lang ako." ang sagot niya habang pinag mamasdan ang dokumento.

Inilahad ko ang aking kamay para batiin siya sa paraang propesyonal. "Congratulations Mr. Guarin. Good Job!" ang wika ko habang naka ngiti.

Inabot niya ang aking kamay at hinalikan ito..

"Salamat. Blas.." wika niya..

"Walang anuman. Mag simula ka ng bagong buhay at patunayan mo na kaya mong umangat kahit walang political arrangement." ang sagot ko habang naka ngiti.

Ituuloy.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon